Ang Dayo

151 55 5
                                    

Isang araw, sa napakagandang takbo ng umaga. Isang dilag ang umagaw sa atensiyon ni Boy. Mahaba ang buhok. Maputi. May tindig. Maganda ang pangangatawan at pananamit. At kahit sa malayo, amoy mo ang kanyang pabango.

"Excuse me...excuse me..." ang tawag atensiyon niya sa dilag

Lumingon ito at sinabing "Ako?"

"Yes, my dear beautiful princess. Parang ngayon lang kita nakita dito? Bago ka?"
ang preskong wika ni Boy

"Hahaha...bakit bawal ba ang mga dayo dito?" pagtawa't tanong ng dilag

"Di naman, ang totoo niyan welcome kayong lahat. Lalong lalo na ang dilag na katulad mo."

"Well, thank you." sagot ng dilag at tumingin sa relo sabay wika "Kailangan ko na palang umuwi...Nice meeting you..."

"...ah Boy, Boy Astig, ikaw?"

"...just call me Jas, short for Jasmine...sige alis na ako."

Minamasdan ni Boy si Jas na umalis. Sabay pagtataka kung bakit di ito katulad ng ibang babae na kanyang nasalamuha.

Tila napuna niyang di pansin ang kanyang karisma. Dahil kung iba pa yun, humingi na ng number. O di kaya inanyaya na siya lumabas o kumain. Pero iba siya. Parang di siya tinatablan.

Napaisip si Boy kung kaya ipinagliban niya muna ang araw na iyon. Baka, sa susunod na magtagpo ang kanilang landas, mag-iba ang ihip ng hangin at lubusan na maakit sa kanya si Jas.

Kaya gaya ng dati, balik sya sa routine. Nambobola na naman ng babae. Tapos maakit, idinidate. Minsan nauuwi sa magandang kwentuhan pero may iba na nadadala sa ibang lugar.

Ganito ang nagiging routine niya halos everyday. Bawat babae kanyang nakakasalamuha ay palagi niyang pinangangaralan na ang kanilang gagawin o pagsasama ay panandalian lang o di kaya for fun. Kung kaya't minsan may iba na di makatanggap at lumalayo. May iba naman na tanggap ang desisyon at pormal na nakighihiwalay.

Isang buwan ang dumaan, nag-cross muli ang landas nila ni Jas. Pansin agad siya ni Boy. Dali-dali itong lumapit.

"Hi naalala mo pa ba ako?"

"...oh naman...Boy, di ba?"

"Tama...kumusta kana?"

"Ok lang...ikaw, kumusta ang buhay lapitin ng babae? di ba nakakapagod?"

"...ha-ah-ah alam mo?"

"Boy Astig kilalang kilala ka kaya dito. Binansagan ka pa ngang chick boy prince."

"Wow, hiyang hiya ako..."

"...dapat lang siguro."

"Naguguluhan ako...complement ba yun o pangungutya?"

"Siyempre, hindi yun complement. Sa totoo lang, dapat mong lawakan ang pag-iisip mo. Subukan mong intindihin na tama ba yang ginagawa mo? wala ka bang nasasaktan? anu kaya ang epekto nito sa mga kabataan?...pak ganern!"

"...alam mo iba ka. Ibang iba talaga."

" Iba talaga. Dahil di mo ako makukuha sa patingin tingin, mabulaklak na nga salita't di ako natatablan ng karisma o gayuma mo." sagot ni Jas, sabay alis.

"Jas!...Jas!...Jas!..."

Sinundan ni Boy kung saan tutungo si Jas. Mahinahon at maigi itong sumunod. Si Jas naman ay palingon-lingon. Naramdaman ata nito na may nagtatantan sa kanya. Dahil di niya napuna ang presenya ni Boy. Patuloy ito sa paglalakad. Hanggang dumating siya sa "Tahanan ni Maria".

Nagtaka si Boy kung ano ang ginagawa ng babaeng katulad ni Jas sa lugar na iyon. Nagtanong tanong siya sa mga taong dumaan at sa mga kalapit na bahay kung ano ang meron sa lugar. Nalaman niya na kanlungan ito ng mga ulilang ina.

Tila mas lalo siyang nakuryuso't humanga sa pagkatao ni Jas. Tila gusto niya pa kilalanin ito ng husto. Mas nachallenge siya sa personalidad na ipinapakita ni Jas sa kanya - ang "hard to get" type. Ngumiti ito bigla at tila may iniisip.

Nag-abang siya sa gate, hinihintay ang paglabas ni Jas. Ilang minuto't oras siyang naghintay pero di parin ito lumalabas. Naisipan niya na subukang pumasok para makausap ang dilag. Sa kasamaang palad, di siya pinapapasok ng mga taga bantay. Kaya humingi nalang ito ng pabor na tawagin si Jasmine dahil gusto niya itong makausap, emergency.

Nakita niyang tinatawagan na ito ng guard. Hinihintay niya nalang ang resulta. Mayamaya'y lumapit ito sa kanya at sinabing kanina pa umuwi si Jasmine. Nalaman niyang sa likod pala ito dumaan. Kung kaya't sinubukan niyang hingin ang numero nito. Pero ayaw to ibigay ng guard for security purposes. Sinubukan niya itong suhulan pero ayaw parin tanggapin. Sinubukan niyang i-treat ng dinner pero ayaw parin nito. Kaya huli niyang tawad ay bigyan ito ng magandang chicks. Tila umiba ang ihip ng hangin, pumayag ito. Sa isang kondisyon, chick muna bago ang number. Gusto sana mag-react ni Boy, pero di na niya ito ginawa at sumang-ayon nalang.

Dali-dali siyang naghanap at mabilis naman siyang nakakita. Simpleng diskarte't pacute pumayag agad ito. Dinala niya agad sa guard para makuha ang kapalit. Pagdating, ipinalit niya agad ang nabihag na dilag sa number ni Jas. Nang makuha ay itinext niya agad ito. Pero oras na ang lumipas, di parin ito nagrereply. Nakaidlip nalang siya sa kahihintay.

Bep! Bep! Bep! (Ringtone ng phone)

Kinuha agad ni Boy ang cellphone at binasa ang text.

"Who you?"

Nagreply agad siya. Nagpakilala. Tapos inaabangan na naman ang reply nito.

"K!"

Napakamot siya sa ulo dahil sa iksi ng reply nito sa kanya. Sinubukan niya itong anyayahan kumain. Nag-antay siya. Hanggang sa nakatulog siya ng mahimbing at nalaman na alas 4 na palang ng madaling araw. Tinignan niya ang cellphone, pero wala siyang nakitang text mula kay Jas.

Dahil sa nakatulog siya agad nakalimutan niya ang magsipilyo. Kung kaya't pumunta siya sa kusina. Habang nagsisipilyo, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pinuntahan niya ito agad at binasa nag text.

"Ok! Basta my place."

Sa tuwa ay di niya mapigilang tumalon. Para siyang nanalo sa lotto dahil sa sobrang saya.




ITUTULOY...

CONNECTED (COMPLETED) #Wattys2016 Winner : "Once Upon A Jollibee"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon