One

1.4K 46 1
                                    

                  

Chapter 1

"Bakla, ang hyper mo naman!" reklamo ni Geneva.

Pa'no, pasayaw-sayaw ako habang naglalakad kami. Bakit ba? Sobrang saya ko eh. Nakasilay na naman kasi ako sa crush ko.

"Prinsesa hindi bakla!" I corrected her. Babae kaya ako! Straight. Mukha lang panglalaki ang name ko.

"Iba na talaga epekto ng kambal ko sa'yo," ani Chazie. Magkakasabay kaming naglakad. Ako ang nasa gitna at nasa gilid ko silang dalawa ni Geneva. Habang sila Annaliza at Arline naman ay nasa unahan. "Masama na yan. Sasabihin ko nga sakanya na wag ng mag-aral para hindi ka nagkakagany­─"

Hinawakan ko siya sa braso para patigilin sa pagsasalita at sa paglalakad. Natigilan naman siya maging si Geneva na nasa gilid ko. Ramdam kong nakatingin siya sa'min.

"EHHH! Wag kasi, Chazie!" Nagpapapadyak ako. "Alam mo namang yung kambal mo ang aking inspirasyon."

"Euw!" pag-iinarte ni Chazie. "Dun ka nga! Ang korni mo!" Tinulak nya ko ng mahina palayo sakanya. Tumama ako kay Geneva na siya namang tinulak rin ako. Ang saya lang. Pagpasa-pasahan ba naman ako?

"Wow! Ang cuuute!"

Tumigil ang dalawa sa panunukso sa'kin nang magsalita si Arline. Amaze na amaze pa ang tono niya. Tumingin kaming lahat kay Arline na kasalukuyang nagniningning ang mga mata na parang batang nakapunta sa Disney Land.

Nang hindi kami tinatawag, bigla niya kaming iniwan at tumakbo papunta sa isang tindahan. Tindahan sya ng school supplies, girl accessories at kung anu-ano pa.

"Kaya naman pala," naiiling na sambit ni Annaliza.

Sinundan namin si Arline. Nagtungo rin kami sa lugar na pinuntahan niya. Infairness, ang gaganda ng mga tinda ni Manang. Attractive talaga sa mata ng mga bibili. Itong tindahan na ito ay hindi tulad ng karaniwan na may booth pa. Open lang ito. Yung bang may malaking payong na nakatirik tapos nakalatag ang mga paninda niya sa mesa. May body-lenght mirror pa sa gilid ni Manang.

Kanya kanya ng dampot ng headband ang mga kaibigan ko. Ako naman, nakatayo lang at pinapanood sila. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganyan. Sa pagkain pwede pa.

"Hija..." Napunta ang atensyon ko kay Manang nang magsalita siya. Hinawakan niya ako sa braso na talaga namang nagpatindig ng balahibo ko.

"B-bakit po?"

"Bakit hindi ka nagsusukat? Ayaw mo ba sa mga paninda ko?" Her voice is so soft na parang ang sarap nyang kausapin. Sandali niyang sinulyapan ang mga kaibigan kong tuwang-tuwa sa mga tinda niya, pagkatapos bumalik sa'kin. Lumungkot ang mga mata niya.

"Hindi naman po, Lola. Hindi lang po kasi ako talaga mahilig sa mg ganyang bagay."

"Naku lola, nagsisinungaling yan," sabad ni Geneva. Kahit kailan panira talaga ang bruhang ito. "Ayaw nya lang sa paninda nyo po." Nakatingin siya sa salamin habang tinitignan kung bagay ba sakanya yung hair band na color sky blue tapos may malaking ribbon sa right side.

Lalong lumungkot si Lola. Lalo tuloy akong nakaramdam ng konsensya kahit wala naman akong masamang ginawa. Kung hindi ba naman kasi abno si Geneva!

"Lola, wag po kayong maniwala dyan sa babaeng yan!" pagtatanggol ko sa aking sarili sabay turo kay Geneva na hanggang ngayon ay nagpapa-cute pa rin sa salamin.

"Okay lang, hija. Naiintindihan ko," malungkot na sabi niya. Lalo tuloy akong nakonsensya.

"Pumili ka na kasi, Arcel. Kahit notebook lang," suggest Chazie.

"Sige na, hija. Maganda ka naman."

She said the magic words! Because of that, napapili ako sa mga paninda niya. Sawang-sawa na ako sa mga bracelet and other girl accessories dahil kay Arline kaya doon ako sa mga notebook tumuon.

Few seconds of searching, a cute notebook caught an attraction to my eyes. Kinuha ko agad yun at pinagmasdan. Yung front cover ay may gray shadow ng isang girl at isang guy. Magkaharap sila tapos may isang red rose ang hawak ng isang guy from his behind. Tinatago ata nya dun sa girl. Black ang background na may fallen pink hearts scattered on it.

Ang ganda. Hindi lang dahil sa design, kundi dahil parang may kahulugan ang design na iyon. Tinatago ng guy ang red rose sa girl? Sounds torpe.

Binaligtad ko yung notebook para makita ang back cover. Ganun din ang background pero wala na yung gray shadow ng girl at guy, pero may nakasulat sa baba sa right side na 'Dear Magic Diary,' na Curlz MT pa ang font tapos color hard pink. Naka-stroke pa ito na kulay white. Ang girly lang.

So hindi lang pala ito basta notebook. Diary pala.

"Gusto mo ba yan, hija?"

Mula sa diary, nag-angat ako ng tingin kay Manang. Nakangiti na siya ngayon. Parang... parang nakita ko na ang ngiting iyon. Hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.

"Opo. Magkano po ba?"

Nang hindi inaalis ang ngiti, marahan niyang iniling ang kanyang ulo. "Libre nalang para sa'yo. Lubos akong sasaya kung mapupunta saiyo yan."

"Pero po­─" Hindi pa ko tapos magsalita, sumabat na si Annaliza.

"Aarte ka pa, Arcel? Libre na nga, ayaw pa? Wag pabebe! Best things in life are free, remember?"

Okay. Payn. Pinaalala niya ang paborito quote naming magkakaibigan. I made a face bago humarap kay Manang. I smiled.  "Salamat po. Ang ganda po nitong diary na 'to."

"Hindi lang iyan basta talaarawan, hija. May mahika ang bagay na yan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mahika? Magic? Meron pa ba nun? Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Lahat kami ay may pagtatakang nakaguhit sa mga mata.

"Pa'nong magic po, Lola?" tanong ni Chazie.

Lumapit sila sa amin.

Ngumiti ang matanda kay Chazie. Kinilabutan ako kasi kakaiba ang ngiti niya. "Kung may mga  nais kang mangyari, isulat mo lang ang mga katagang Dear Magic Diary bago nito at iyon ay magkakatotoo." Tinitigan niya ang Diary na hawak-hawak ko.

Muli akong kinilabutan. Bahagya pa akong napaatras dahil huling-huli ko ang bibig niyang bumubuka-buka habang nakatitig sa bagay na hawak ko. Para bang dinadasalan niya ito.

"Kung ganun, pahingi po ako nyan!" masiglang saad ni Geneva.

"Ako din po," ani Annaliza.

"Ako pa po. Pwede po?" pakikigaya ng baby namin, si Arline.

"Don't need it," pagmamayabang ni Chazie. Palibhasa halos nasa kanya na ang lahat ng gusto niya. Bukod sa mayaman na ang pamilya niya, marami ang lalaking nagkakandarapa sa kanya maging ang crush niya mismo. Hindi na ko magtataka. Kambal niya ang crush ko, ang lalaking kinahuhumalingan ng karamihan.

"Pasensya na ngunit nag-iisa lamang yan, mga hija," sabi ni Manang. Nagsibagsakan ang mga balikat ng tatlo sa panghihinayang. "Nag-iisa sa buong mundo. Kaya ikaw, hija," Binalingan niya ako. "ingatan mo ang bagay na yan."

So ang swerte ko pala dahil sa'kin ito napunta? Seryoso, kalahating persyento saakin ay hindi naniniwalang may magic ito. Hello? We're on computer age na.

"Isulat mo dyan na mananalo tayo sa lotto kahit di tayo tumataya," excited na suhestiyon ni Annaliza.

"Hindi maari!"

Napaatras kami nang biglang tumaas ang tono ng pananalita ni Manang. Nanlalaki pa ang mga mata niya. Pinandidilatan niya si Annaliza, na siya namang napayuko.

"Ang mga bagay na maari mo lamang isulat dyan ay ang tungkol lamang sainyo ng iyong nagugustuhan."

Nagugustuhan. Isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko ng banggitin niya ang salitang iyon.

"Paalala lang," she paused, eyeing me suspiciously. "Mag-ingat sa bawat hihilingin."

Dear magic diary,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon