Thirteen

384 14 1
                                    




                  

Chapter 13

"Hays, lobat na," buntong hininga ni Arline.

"Pasensya nga nauubos, 'yang battery ng iPad mo pa kaya?"

Nagtinginan kami kay Annaliza.

"What?" bulalas niya.

"Anong meron? Ba't humuhugot?" ani Geneva.

"Wala," iritadong sagot niya. "Nakakainis si Christian."

Ohh... may misunderstanding na naman pala sila ng boyfriend niya.

Vacant namin at nandito kami sa tambayan namin nagpapalipas ng oras, nagpapahangin at bonding na rin.

Kinwento ni Annaliza ang tungkol sa di pagkakaintindihan nila ni Christian. Kami, bilang mga kaibigan niya, handang makinig at pagaanin ang loob niya.

"Thank you, girls! Pinagaan niyo ang pakiramdam ko." Niyakap kami ni Annaliza.

"Anytime," sabi ko sa kanya.

Napaisip ako habang pinapanood ko si Annaliza. Kami kaya ni Chasten? Kapag naging boyfriend ko siya, ano kaya ang magiging dahilan ng misunderstandings namin? Katulad rin ba kami ng dalawa na away bati na parang aso't pusa? At bakit ko nga ba iniisip ang bagay na imposibleng mangyari? Ang magka-boyfriend ako in the future ay posible pang manyari. Pero ang maging kami ni Chasten? Napakaimposible. Langit siya, baluga ako. Yak, ang hard ko naman sa sarili ko.

Pero kidding aside, para sa akin ay napakaimposibleng magustuhan niya ang tulad ko.

"Chasten!"

Para akong tulog na naalipungatan nang marinig kong isigaw ni Chazie ang pangalan ng taong iniisip ko.

"Nasaan?" Luminga linga ako.

"Lols!" Binatukan ako ni Chazie. "Kailan ka ba titigil sa pagdi-daydream sa kuya ko?"

"Kapag tumigil na ang puso ko na mahalin siya."

"Euw!" mahabang pag-iinarte nila.

"Ikaw kasi, eh!" turo ko kay Chazie.

"Anong ako? Ikaw 'tong bigla nalang natutulala. Kung nakita mo lang siguro ang hitsura mo matatawa ka."

"Haluh, andyan nga siya," sabi ni Arline habang nakatingin sa malayo.

"Wag ako, Arline." Ginaya pa niya ang nanay niya ha.

"Promise, nakikita ko siya. There, oh!" May tinuro siya. Nagtinginan sila.

"Oh, talaga ba? Tawagin mo na din para gayang gaya mo na ang Mommy Chazie mo." Tumawa ako.

Nakatanggap ako ng nanlilisik na tingin mula kay Chazie.

"Hey, Chasten!"

Napatingin ako kay Geneva nung magtawag siya. Kumakaway kaway pa ang loka. Nakakunot ang noo ko nang itilapon ko ang aking tingin sa kung saan sila nakatingin.

Dumausdos ako sa kinauupuan nang mapatunayang nagsasabi ng totoo si Arline. Chasten's here. At papunta siya rito.

"Haggard ba ako?" tanong ko kay Annaliza.

"Super," sagot niya.

Mabilis akong tumakbo papunta sa likuran ni Arline. Sumalampak ako sa sahig. Bakit kasi wrong timing ka magpakita, Chasten!

"Hoy, anong ginagawa mo dyan?" rinig kong tanong ni Geneva.

"At bakit ka ba natataranta?" follow-up question ni Annaliza.

Dear magic diary,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon