Sixteen

301 7 0
                                    




                 

Chapter 16

Half run na ang ginagawa ko. Paano, ten minutes na akong late sa first subject ko. Bakit kasi hindi ko narinig ang alarm clock ko kanina eh.

Malapit ko nang marating ang classroom ko nung makita ko si Chasten na naglalakad rin sa corridor. Natigilan ako. Matapos ang ilang segundong tulala, napagdesisyunan kong umiwas. Pupunta muna ako sa washroom. Saka nalang ako tutuloy kapag nakalagpas na siya.

Sa pagpihit ko, narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

Napapikit ako ng mariin. "Shocks!"

Hindi ako umikot para harapin siya. Nanatili akong nakatayo hanggang sa nasa harapan ko na siya.

"Kanina pa kita hinihintay sa labas ng classroom niyo. Akala ko hindi ka na papasok. Ba't nga pala na-late ka?"

"Hindi ko narinig yung alarm clock ko," sagot ko na hindi makatingin sa kanya. "Uhm, sige papasok na ako. Late na rin eh." Tumalikod na ako sa kanya. I sighed before I took a step.

"Samahan na kita."

Naman, Chasten! Iniiwasan nga kita, eh.

"OK lang."

"I insist," he told. Kinuha niya rin ang bag ko at siya na ang nagbitbit nito.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya.

Nauuna akong maglakad sa kanya. Hindi ako mapakali habang naglalakad. Parang gusto ko nang tumakbo papunta sa classroom nang mapabilis ang pagsasama namin.

"Anong oras ng uwi mo mamaya?" tanong ni Chasten, na nasa tabi ko na.

"Four."

Through my peripheral vision, nakita ko siyang tumingin sa akin. "Sayang may practice kami. Hindi kita mahahatid pauwi sainyo."

Napatingin ako sakanya. Saglit. Nagbawi rin agad ako dahil hindi ko talaga kayang makipagtitigan ng matagal sa kanya ngayon.

Hindi ako sumagot at nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng classroom. Binalik niya sa akin ang bag ko.

"Salamat." Tipid ko siyang pinakitaan ng ngiti.

"Sige na, pumasok ka na." Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nang makaupo ako sa upuan ko, sinilip ko siya sa salamin sa pinto. Kumaway siya at sumenyas na aalis na. Tumango lang ako.

"Uy, Arcel, di mo ba narinig si Sir? May quiz daw! Baka gusto mong maglabas ng papel at ballpen?" Geneva snapped.

Pagbukas ko ng zipper ng bag ko, unang tumambad sa akin ang isang Pepero. Kumunot ang noo ko. Pinabaunan ba ako ni Mama nito? Pero imposible. Kung pababaunan ako nun, sandwich. At ipapaalam niya sa akin na may nilagay siya sa bag ko na baon. Eh wala naman so...

Bigla kong naalala si Chasten. Siya ang may dala nitong bag ko kanina. Posible kaya na habang nasa likuran ko siya naglalakad eh nilagay niya ito? Sa kanya kaya galing ito? Bukod kasi sa kanya wala na akong maisip na iba.

"Nagtext sa akin si Chasten," wika ni Chazie.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at nagla-lunch.

"Anong sabi?" usisa ni Annaliza.

"Itext ko daw siya kapag uwian na." Tumingin sa akin si Chazie at nagpatuloy. "Ihahatid daw niya pauwi si Arcel."

"Huh? Eh diba may practice sila? Sabihin mo ok lang ako. Magpractice nalang siya, kaya ko naman umuwi mag-isa."

Tinaasan ako ng kilay ni Geneva. "Ngayon ka lang ata naging hindi excited pagdating kay Chasten."

"Oo nga," sang-ayon ni Arline. "Ang weird naman. Parang ayaw mong makasama si Chasten. Samantalang dati di makokompleto ang araw mo pag di mo siya nakikita."

"Anyare, be?" anang Annaliza. "Nagsawa na?"

"Ako? Magsasawa kay Chasten? Never." Nilaro ko ang straw ng shake ko.

"So ano nga?" pangungulit ni Chazie.

"Gusto niyo talagang malaman?"

Tumango sila.

Inumpisahan ko ang pagpapaliwanag sa pagkwento ko ng napanaginipan ko.

"It's like sinadya na mapanaginipan ko 'yon para magising ako sa katotohanan. Ang unfair sa part ni Chasten. Ang... ang selfish ko. Na-i-imagine ko na ako ang magiging harang kay Chasten at sa true love niya. Sagabal, ganun."

"Kaya iiwasan mo siya?" Kita ko ang panghihinayang sa mga mata ni Chazie. "Tutal inumpisahan mo na, bakit hindi mo pa tapusin?"

"Kung pwede lang. Kaso ayokong maging unfair kay Chasten. Sa paggamit ko ng magic diary, para ko na rin siyang ginamitan ng gayuma."

"Pero diba hindi mo naman hiniling na mainlove siya sa'yo? Meaning, kusang nangyari na nahulog sa'yo si Chasten."

"May point ka, Arline. Pero isipin niyo nalang sa magic diary nag-umpisa ang lahat. Sa pagiging close namin up to this point. I think it would be better to stop all of this."

"By how?" Chazie queried. "You think mawawala ang feelings ng kambal ko para sa'yo kapag iniwasan mo siya ng iniwasan?"

"Hindi ko alam. Siguro ang mas magandang gawin," I paused. Huminga ako ng malalim. "Ay bawiin ko ang mga sinulat ko sa magic diary."

Nagsilakihan ang mga mata nila.

"Sigurado ka ba? Sasaktan mo lang ang sarili mo."

Nginitian ko si Annaliza. "Basta para kay Chasten."

"Hindi ba pwedeng mag-go with the flow ka nalang?" sambit ni Geneva. "Wag kang masyadong mabait dyang bruha ka. Kung siguro ibang tao ang nasa ganyang sitwasyon, magpapakasaya sila."

Umiling ako. "Hindi rin naman ako magiging masaya sa isang bagay na alam kong hindi totoo. Mahal ako ni Chasten, at ilusyon lang iyon. Nahulog siya sa akin dahil sa magic diary."

T4T3T3U3U3U3U3U4U3U3V3U3U3T3T4U3T3U3V4T3T4U3U3U3U4T3T3U3T4

Dear magic diary,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon