CHAPTER 67

72.2K 1K 85
                                    

Drake's POV:

"Mr. Montegrande?" tawag sa akin ng isang babae.

Nakaupo kasi ako ngayon, nagbabasa ng newspapaer at nag kakape habang hinihintay na matapos sila. Binaba ko ang hawak kong newspaper at nakita ko si Ms. Cruz-----sya pala ang tumawag sa akin at sya ang organizer ng event na ito.

"Yes Ms. Cruz?" tanong ko sa kanya.

"We're done sir" balita nya sa akin.

"Good. Ikaw na ang bahala dito, alam mo na ang gagawin mo kung anong oras ilalabas ang mga pagkain atpb. Pupunta na ako sa hotel ngayon, so do your job well Ms. Cruz" sabi ko sa kanya.

"Of course sir, ako na ang bahala dito" confident nyang sagot sa akin at tumango na ako.

"If something happens just call me" sabi ko sa kanya.

"Yes sir, I will" sabi nya sa akin.

Dalawa kasi ang number ko. Private number ko para lang sa pamilya ko, kaibigan, kay arianne at sa kambal ko. May number din si megan at lena sa PN ko at ang isang number ko ay Business Number para doon nila ako ma contact tulad nalang sa sinabi ko kay Ms. Cruz.

"Good, you may go" sabi ko sa kanya, ngumiti sya at after that nag paalam na sya sa akin bago umalis sa pwesto nya.

Tumayo na din ako at nag lakad na pa pasok sa restaurant. Pupunta ako ngayon sa hotel na malapit dito sa restaurant ni arianne, actually hotel yun ni Raven.

Kahit gusto kong mag bayad dun sa kanila dahil nga nag pa reserved at mag checheck-in kami dun ay di nya ako pinabayad tsk. Ang sabi pa nga nya sa akin "wag na pre. Libre ko nalang yan sayo, kaibigan kita at ika nga nila na WHAT ARE FRIENDS ARE FOR at isa pa mayaman na ako" tsk, kalokohan nya talaga at ang yabang lang tsk.

"Excuse me sir? Uhmm, nandito na po ang kambal nyong anak sir" bungad sa akin ng isang waitress at tumango ako.

"Sge ako na ang pupunta, bumalik ka na sa trabaho mo" sabi ko sa waitress.

"Opo sir, alis na po ako" magalang na sabi nya sa akin at tumango ako.

May idea na din sila kung sino ang may-ari talaga ng restaurant nato, pinakita ko na din sa kanila ang litrato ng kambal kong anak at litrato ni arianne.

Nag lakad parin ako hanggang sa makita ko na ang entrance door at nandoon na nga sila nakatayo sila megan, lena at ang driver nila. Sina matt at sky naman ay nakaupo at may kanya-kanyang hawak, ang hawak ni matt ay libro at ang hawak naman ni sky ay ipad.

Bagong bili ko pa ang ipad nya kasi yung isang ipad nya sinira ni matt. Kaya yun binilhan ko sya ng bago, kawawa naman ang bunso ko.

"Kids" tawag ko sa kanila.

"Daddy!" sigaw ni sky, tumakbo sya papunta sa akin at niyakap nya ako.

Lumapit din si matt sa akin at niyakap nya din ako.

"Don't shout sky, wala tayo sa atin" sita ni matt sa kambal nya.

"Kuya naman" sabi ni sky at nag pout.

"Stop pouting sky para kang bakla" iritang sita ni matt kay sky.

"Enough kids" sabi ko sa kanila at nakinig naman sila sa akin.

Baka mag away pa ang dalawang to.

"Kuya? Anong ginagawa namin dito? Diba may pasok pa sila?" sunod-sunod na tanong ni megan sabay turo kina matt.

"It's for you to find out" sagot ko sa kanya.

"Kuya naman eh" sabi nya sa akin at nag pout.

Damn! Uso talaga yang pout-pout na yan? Tsk.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon