BROKENHEARTED GIRL

240K 3.6K 181
                                    

"Lets break up"

Hindi ko talaga matanggap ang sinabi nya sa akin kanina, gigil na gigil yang LET'S BREAK UP na 'yan!

Madami pa syang pangako sa akin noon. Tapos ito lang pala ang mangyayari sa aming dalawa! Kakainis ka talaga Aaron.

Sino ang nag pa uso ng salitang 'yan? Ipapakulong ko!

Naiinis na rin ako sa sarili ko! Hindi na ako nakapasok sa trabaho ko dahil maga na ang mga mata ko, iyak parin ako nang iyak tangina tong mga luha ko ayaw tumigil, sabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero traydor tong mga mata ko!

Parang sirang plangka! Parang si Ex, sira. May sira sa katinuan, paano ba naman eh ipinagpalit nya ang ganda ko sa isang Majarot na nga Majandi pa. Ewan ko nalang.

Nakahiga lang ako rito sa kama ko, nag emote ang lola nyo. Hindi ko alam kung anong oras na, kinuha ko yung cellphone kong cherry mobile na flare.

7:00 pm na pala, hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Tumayo na ako sa kama ko at pumasok ako sa banyo para ayusin ang sarili ko.

Hindi nag tagal ay lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba para kumain sa isang karenderya na nasa tapat nitong boarding house na inuupahan ko.

Bawal kasing magluto dito sa boarding house namin, kasi gawa lang sa kahoy ang boarding house namin, maliban syempre sa sahig sa banyo at sa baba nitong boarding house dahil sementado. Tsaka maliit lang ang kwarto ko, kasya lang sa isang tao. Mga babae lang ang boerders dito at may dalawang banyo rin.

Nandito na ako sa isang karenderya, karenderya ni Aling Martha. Lagi akong kumakain dito, mura lang at masarap silang magluto.

Oh! Saan ka pa? Kay Aling Martha na!

Tapos na akong kumain at nag bayad na rin ako, yeah natagalan ako kakaisip sa nangyari kanina sa amin ni Aaron dahil hanggang ngayon hindi parin ako naka recover sa nangyari at tangina ang sakit parin, pinahid ko yung luhang tumulo sa mga mata ko.

He don't deserve my tears!

Pero heck, ayaw parin tumigil ng mata ko kakaiyak!

Nakakaiyak talaga.
Sobrang sakit. Ang sakit sakit talaga. Bakit na uso pa ang hiwalay eh. Worst pinagpalit ako sa kaibigan ko.

Umuwi na ako sa boarding house ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

Sawang-sawa na ako kakaiyak dito sa kama ko, naaawa na ako sa unan ko dahil basang basa na ito at ganito pala ka sakit ang ma sawi dahil sa langyang pag-ibig na yan.

First boyfriend ko kasi si Aaron kaya hindi nyo ako masisisi na nag da-drama ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mawala na tong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nag-iisip parin ako kung ano ang pwede kong gawin ngayon para mawala lang tong sakit na nararamdaman ko kahit sandali lang, kahit isang gabi lang kasi nakakasawa ng umiyak nang umiyak ng dahil lang sa putanginang gagong yun.

Hanggang sa..........

A-hah!

Alam ko na, pupunta nalang ako mamaya sa isang bar.

Kahit first time ko pa ito, bahala na.

Bahala na si Batman.

Tsaka, ika nga na there's always a first time for everything.

Buo na ang desisyon ko, pupunta ako kahit anong mangyari.

Kailangan ko rin mag saya kahit papaano kaya........

MY DECISION IS FINAL!







By the way I'm ARIANNE FERRER, 19 years old.

Mag isa nalang sa buhay.

Ang babaing warak na warak ang puso dahil sa pag-ibig.

Promises are made to be broken! Kaya huwag mag tiwala sa mga pangako dahil lagi itong napapako.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon