CHAPTER 5 - HER

187K 2.9K 92
                                    

Isang buwan ang lumipas.

Busy kami ngayon dito sa restaurant na pinagtatrabahuan ko, sakto lang ang laki ng restaurant na ito at medyo kilala rin itong restaurant na ito at syempre isa akong waitress dito. Kaibigan ko ang may-ari rito, si Jera Mae Perez kasing edad ko lang din sya at anak mayaman kaya may sarili syang business regalo sa kanya ng daddy nya.

May bagong customer na pumasok kaya dali-dali ko itong pinuntahan. Parang ngayon ko lang sya nakita rito, first time nya ata rito hindi kasi familiar mukha nya ehh.

"Good Morning and welcome to JM's Restaurant, Ma'am" bati ko sa kanya at tumango lang sya sa akin sabay ngiti.

Mag isa lang kasi sya or maybe may hinihintay sya at ang ganda nya grabi.

"Table for 2 Miss" sabi nya sa akin, na unahan nya ako ah hehe mag tatanong pa sana ako sa kanya kung ilan sila.

"Oh okay po. Uhmm, this way Ma'am" magalang na sabi ko sa kanya at nag lakad na ako, sumunod naman sya sa akin.

Nakakita ako ng isang table na babagay sa kanya at umupo agad sya. Binigyan ko sya ng isang Menu baka mag order na sya.

"Can I take your order, Ma'am?" magalang na tanong ko sa kanya.

"Yes" sagot nya sa akin.

"What is your order, Ma'am?" tanong ko sa kanya.

"A Roast chicken at houseman yung buo, 1 platter of rice, japanese tempura and tadyang. 1 mango shake and 1 letche flan" sagot nya at nilista ko agad yun.

"Is that all ma'am?" tanong ko sa kanya.

"Yes. Oh 1 bottled water and yung best wine nyo please. " Tatawag nalang ako mamaya para sa drinks ng kasama ko. Hinhintay ko pa kasi." sabi nya sa akin at nilista ko din ito naman ito.

"I'll repeat your order, Ma'am" sabi ko sa kanya at inulit ko yung order nya.

"Thanks" sabi nya sa akin at ngumiti sya sa akin.

Ganda nya talaga grabi. Nag excuse na ako sa kanya at naglakad na ako papunta sa kitchen para ibigay ang order nya.

Hindi nag tagal nag bell na ang assistant Chef ni Chef Arlene. Ibig sabihin okay na yung mga order, kaya pinuntahan ko na dahil baka yung order ni Ms. Ganda yun.

Tama nga ako, luto na ang mga order ni Ms. Ganda at nilagay ko na rin ito sa tray na hawak ko. Naglakad na ako papunta sa customer ko habang hawak-hawak ang tray na may lamang pagkain nya.

Busy sya sa cellphone nya kaya kinuha ko ang atensyon nya "excuse me ma'am" kuha ko sa atensyon nya.

"Here's your order, Ma'am" sabi ko sa kanya at nilapag ko ang mga order nya sa mesa.

"Enjoy your meal, Ma'am" sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Thanks, Ar" sabi nya sa akin.

May name plate kasi kami para malaman ng mga customer yung pangalan namin esp kung may reklamo sila sa service namin or etc.

AR - ang nakalagay sa name plate ko short for ARIANNE!

"Welcome po" sabi ko nalang sa kanya at binigyan ko sya ng isang sweet smile.

Nag paalam muna ako sa kanya bago ko sya iniwan sa kinauupuan nya.

Trabaho lang kami nang trabaho rito pero hanggang ngayon hindi parin dumadating ang taong hinihintay nya.

Ubos na nga rin ang mango shake at leche flan nya at medyo nagalaw na rin yung mga ulam at kanin pero hindi parin dumating yung hinihintay nya. Nalagasan na rin yung red wine nila.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon