Cont: C52

87.5K 1K 21
                                    

Arianne's POV:

After naming kumain pumunta ulit kami sa living room at dito ko pinahanda yung desserts, pulutan at mga alak.

Kanya-kanya na kami ng upo dito sa living room namin. Si matt, sky, lena at megan nasa sahig nakaupo kasi naglalaro sila ng scrabble. Kami naman nila raven, kyle, max, vheena at drake ay nakaupo sa mga sofa namin dito.

Nagsimula na ang inuman, iinom din kami ni vheena pero yung red wine lang ang iinumin namin.

"So pare ano nga yung sasabihin mo sa amin?" tanong ni max kay drake.

"Oo nga pare" segunda naman ni kyle. Di nya pinansin yung dalawa at tumingin si drake sa akin.

"Wifey, aalis ako bukas. Pupunta ako sa japan kasi nag-kaproblema yung company ni dad doon, di ko gustong umalis pero wala akong magagawa kasi ako lang yung pweding pumunta doon. Okay lang ba sayo? Dito muna si vheena sa mansion para may kasama kayo dito para di ka ma bored wifey ko" mahabang sabi nya sa akin.

"Hu? Iiwan mo ako? Kami ng mga anak mo?" sabi ko sa kanya.

"Uy te, grabi sya oh. Aalis lang si kuya drake at babalik sya after maayos yung problema nya doon, hindi nya kayo iiwan tsk wag kang mag drama te hahahaha" singit ni megan sa usapan namin.

"Wag ka ngang singit ng singit jan megan" sabi naman ni lena at nag peace sign nalang si megan tsk, na papailing nalang ako, kung di ko lang sila gusto matagal ko ng pinalayas tong dalawang to sa buhay namin ng kambal ko tsk.

"Wifey naman, di porket aalis ako iiwan ko kayo ng mga anak natin. Hinding-hindi ko kayo iiwan kahit kailan man, kahit anong mangyari ipaglalaban ko kayo ng mga anak natin kasi kayo lang ang pinakamahalagang kayamanan ko dito sa mundong ito at mahal na mahal ko kayo wifey ko, tandan mo yan" sagot nya sa akin.

"Shit pare! Ang corny mo ngayon ha. Gumaganyan ka na ngayon, so damn gay" singit naman ni max sa amin.

"Tsk ang eepal nyo, bagay talaga kayo ni megan pare tsk" sabi naman ni raven, di nalang namin pinansin ni drake ang mga epal sa buhay namin hahaha joke.

"Talaga lang ha? Pag kami iniwan mo at pinagpalit mo ako sa ibang babae,  makikita mo ang hinahanap mo drake sebastian. Puputulin ko yung ano mo" banta ko sa kanya at tumawa naman yung tatlong kaibigan nya.

"Wifey naman, pagpinutol mo to di na natin masusundan ang kambal natin" sabi nya naman sa akin.

"Kaya nga, wag kang mangbabae kung ayaw mong putulin ko yang ano mo" sabi ko sa kanya.

"Hinding-hindi ko gagawin yan sayo wifey, kahit di mo pa puputulin tong ano ko na sinasabi mo hindi kita iiwan at hinding-hindi kita ipagpapalit kahit na sinong babae kasi ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko, ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay, ikaw lang wifey ko kasi mahal na mahal kita arianne ferrer" mahabang sabi nya sa akin, hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

"I love you so damn much wifey" sabi nya pa sa akin then after that hinalikan nya ako sa noo ko.

"I love you drake sebastian to the moon and back" sabi ko naman sa kanya, hawak nya parin ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ko sya sa labi nya.

"Geeezzz couz, get a room please" singit ni vheena.

"Jusko ang sweet nyo, lalanggamin kayo nyan" sabi ni lena.

"Inggit ka? Gusto mo tayo rin?" asar na tanong ni raven kay lena at dinilaan lang ni lena si raven.

"Wag kayong ganyan ate, ang sakit sa mata" segunda naman ni megan.

"Tsk" inis na sabi ni drake, ang kulit ng mga kalamay namin dito hahaha.

"Hahaha! Kawawa ka naman pare, bitin ba?" asar na tanong ni max.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon