C34 - DI KAYA??!

128K 1.9K 46
                                    

Drake's POV:

Tapos na kaming nag pakilalang apat, sumunod naman yung lalaking katabi ni crisha.

"I'm Brandy" sabi nya, nasa gitna sya ngayon.

"Boyfriend mo sya crisha?" bulong ko sa kanya.

"Sino?" tanong nya sa akin.

"Yang brandy na yan" sagot ko sa kanya.

"Hindi ha! Ano ka ba naman insan" namumulang sabi nya sa akin tsk. Magsasalita pa sana ako ng biglang umupo agad si brandy sa tabi ni crisha kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sa gitna ng bilog na ito.

After 10 minutes

Malapit ng matapos magpakilala sila, itong babae sa tabi ko nalang ang hindi pa. Yung babae sa gitna ay yung babaing katabi ni kyle sya daw si jera tsk, tapos na syang nagpakilala kaya bumalik na ito sa pwesto nya at tumayo na din ang babaing katabi ko.

"Call me AR" yun lang ang sinabi nya, maganda sya at ang hot nya sa red two piece nya. Tinignan ko sya head to toe at binalik ko ang tingin ko sa mukha nya, parang familiar ang babaing ito sa akin. Nakita ko na ba sya noon o isa to sa mga flings ko?? Tangina ang lakas ng kabog ng dibdib ko nung tumingin sya sa gawi ko at nagkatitigan kami. Saan ko ba sya nakita??!

"Hoy drake sebastian wag mo syang idamay sa mga babaing kinakama mo lang" bulong ni crisha sa akin, tsk nakita nya pala akong titig na titig sa babaing nasa harapan namin.

"Tsk manahimik ka nga!" inis na sabi ko sa kanya.

"Sinasabi ko sayo drake sebastian! Wag yan! May dalawang anak na yan, actually kambal sila" sabi naman ni crisha sa akin. Teka?! Kambal? Di kaya?? at tangina di halatang may anak na sya.

"Teka! Kambal ba kamo??" tanong ko sa kanya at tumango-tango sya sa akin.

"Sina matt at sky ba?" tanong ko ulit sa kanya at tumango-tango ulit sya sa akin, tskkkk!

Anak nya yung kambal na hawig na hawig sa akin nung kasing edad ko pa sila?? Naging fling ko ba sya dati at nakalimotan ko lang sya??? Di kaya ako ang ama nung kambal??? Fvck drake impossible naman yun!!

"LETS START" masayang sigaw ni crisha.

Inikot na nung brandy ang bote at tumapat ito sa isang babae.

"Liza drink or dare?" tanong ni brandy sa kanya.

"Dare" sagot naman nung babae.

"Dahil ako ang nag spin ng bottle na ito, ako ang mag-uutos saiyo" sabi naman ni brandy at tumango naman yung babae.

"Halikan mo si nico, torrid kiss liza hihinto ka lang pag sinabi kong tama na" nakangiting sabi ni brandy.

"Halik?? Si nicooo???" di makapaniwalang tanong nung babae.

"Oo, so ano? Dare or face your consequence?" tanong nya sa babae.

"Grabi ka naman brandy!" inis na sabi nung babae at hinubad nya ang short nya. What the fvck! So mag huhubad ng isang soot ang consequence na sinasabi ni brandy tskk, tawa lang ng tawa si brandy at inikot naman nung babae ang bote.

Tumapat naman ito kay max.

"Ano sir, drink or dare sir?" tanong nung babae kay max.

"Drink" sagot naman ni max, umiling-iling naman si crisha at sumigaw.

"Dahil lalaki ka kuya max! 2 shot ang iinumin mo" sigaw ni crisha at tumango naman si max, binigyan sya ng kalahating baso ng black daniel at isang shot ng emp'light tinungga nya agad yun. Inikot naman ni max ang bote at tumapat ito kay raven.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon