Ang nakakaalam pa naman na buntis ako ay ang mga kaibigan ko, si Sapphire at 'yong apat na Shokoy na hindi ko alam kung hanggang kailan mananahimik. Ang alam ko sa usapang mamanahin, madadamot ang magpipinsan sa isa't isa. Nasaksihan ko na ang mga kadamutan nilang magpipinsan nang walang may balak magpautang kay Aldus noon, sa katunayan mas ginigipit pa at gusto pang perahan ng apat si Aldus nang mga panahong 'yon. Mga shokoy talaga.

Alam ko namang tutulungan nila si Nero pero siguradong sa huli pa sila tutulong kapag kita na nilang parang maloloko na ang pinsan nila sa kakaisip sa mamanahin. Ibang klase talagang magmahalan ang limang 'yon.



"Siguro kailangan ko lang patahimikin ang apat na Shokoy na 'yon hanggang sa makasal na kami ni Nero. Alam kong kahit hindi magsalita sa akin si Nero, iniisip niya rin ang mamanahin niya" napabuntong hininga na lang ako. Kung kausapin ko kaya si LG? Pero nakakapagdalawang isip, kahit si Manang noon sa isla ay alam ang mahigpit na patakaran ni LG sa usapang buntis. Damn.



"Pero alam mo nagulat talaga ako sa pinagagawa ng mga Ferell, akala ko palilipasin muna nila ang ilang araw" kahit ako ay napatango na lang sa sinabi ni Sapphire.

Akala ko magugulat na ako sa biglaang proposal ni Nero nang araw na 'yon pero mas ginulat niya ako nang sumunod na araw.



<Flashback>


Pagkatapos nang singilan nang magpipinsan sa nangyaring proposal ay inihatid na nila ako, si Sapphire at ang mga kaibigan ko. Halos madaling araw na kami nakauwi dahil hinintay pa naming tuluyang magising ang tatlo. At nang nagsisimula na kaming magbabaan sa van halos hindi ko na mabilang ang mga taong sumalubong sa aming apat.

Tumango lang sa amin ang mga Ferell habang nanatili silang hindi umaalis sa tabi ng van na dala nila. Si Tristan lang ang nanatili sa loob.



Agad sumalubong sa akin ang mga pinsan ko at si lolo. Kahit si Sapphire ay mahigpit din niyakap ni lolo. Maging ang mga kaibigan ko at ang kanilang mga pamilya ay nagkasama sama rin.



"Gusto kong kausapin ang mga Tita" pilit akong kumakalas sa yakap nang mga pinsan ko. Gusto kong humingi ng paumanhin sa pamilya ng mga kaibigan ko, kung hindi dahil sa akin ay hindi mangyayari ang bagay na ito.



"Florence...kailangan mo ng magpahinga" giit sa akin ni Kuya Nik. Hindi ko siya pinansin at kumalag ako sa kanya.

Hahakbang na sana ako papunta sa mga kaibigan ko nang mapansin kong naunahan na ako nang mga kamag anak ko sa Villacorta na humihingi na ng paumahin sa nangyari. Halos lakad takbo ako para lamang makarating sa kanilang posisyon. Dapat ay ako ang humihingi ng pasensya sa mga nangyari ito at hindi sila.



"Humihingi po ako ng dispensa, please wag nyo pong ilalayo sa akin ang mga kaibigan ko. Sila na lang po ang kaibigang may'ron ako" halos yumuko ako sa harap ng pamilya ni Camilla at Aira. Maging ang mga boyfriend nilang si Dr. Thomas at Jare ay nandito rin.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon