Chapter 3

43K 1.6K 553
                                    

Roxette's POV


Nang makaalis na sila, nag-grupo muna kaming walo na naiwan dito. Alas dos pa lang ng madaling araw kaya medyo nakakatakot pa.


Nagsama-sama sina Ginny, Arianne at Nikka.


"Hey Sissy, alam ko namang na-miss niyo ang isa't isa kaya hahayaan na muna namin kayong magsama ni Fafa Ethan," bungad sa akin ni Ginny. Nasa likuran niya 'yung dalawa.


"Bibigyan namin kayo ng quality time," singit naman ni Nikka na halos malukot na ang mukha sa kilig.


"Basta enjoy the moment," segunda naman ni Arianne sabay hampas sa braso ko.


Hindi ko alam kung ano ang irere-act ko dahil sa mga pinagsasabi ng tatlong 'to.


"Mga Sis, kilabutan nga kayo sa mga pinagsasasabi niyo! Sasama ako sa inyo!" pagbibigay diin ko.


Nagulat akong bigla at nanlaki ang mga mata ko nang may yumapos sa akin patalikod.


"Hindi mo ba ako na-miss?" bulong ni Ethan sa tainga ko habang nakayakap sa likuran ko.


Napapikit akong bigla dahil sa kiliti no'ng bumulong siya. Napakagat-labi na lang din ako dahil ang sarap pakinggan ng boses niya.


"Ayieeee!" pambubuska no'ng tatlo habang pumapadyak pa sa lupa.


"Samahan mo na kasi, pakipot pa e," anas ni Ginny.


Hinawakan ko ang kamay ni Ethan na nakapulupot sa beywang ko at tinanggal ito saka ako humarap sa kaniya.


"Pasaway ka talaga!" giit ko habang pisil-pisil ang ilong niya.


"Ahh! Masakit!" saad nito na wari mo'y batang nagmamaktol.


"Ikaw kasi, ang harot mo masyado."


Kunwari pa akong hindi nagustuhan ang ginawa niya pero deep inside, gusto kong ulit-ulitin niya.


"Sorry na, hindi mo na ba ako mapapatawad?" pagpapakyot nito habang pinupungayan ang kaniyang mga mata.


"Ehem!" singit no'ng tatlo.


"O siya, maiwan muna namin kayo riyan," turan ni Arianne.


"Hinay-hinay lang a?" ani Nikka.


"Huwag magpakasasa sa isa't isa!" hirit naman ni Ginny. Saby-sabay silang nagtawanan.


"Tse!" giit ko.


"Don't worry girls, ako na ang bahala sa kaibigan niyo," sambit ni Ethan sabay kindat pa sa akin.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now