Chapter 1

60.4K 2K 762
                                    

Morixette's POV

Sa gitna ng aming pangamba, biglang nagliwanag ang noo nina Ate Roxette, Ate Arianne, Hannah, at Nikka.

"What the---" ani Hannah.

"Huwag naman sana," sambit ni Nikka.

"Ano ang ibig sabihin nito?" segunda ni Ate Roxette.

"Pamamaalam na ba kaagad?" pahayag ni Ate Arianne.

Y P A L. Iyan ang mga letra nila sa noo. Ano ang nais nitong iparating?

"Kinakabahan na ba kayo?" panunuya ni Death.

"May nais siyang iparating sa atin," pagsingit ni Agatha.

"Ano?" sabay-sabay naming tugon.

"PLAY," ani Agatha.

"Sigurado ka?" tanong ni Ate Ginny.

Tanging tango lamang ang itinugon ni Agatha.

"Ikaw na talaga, Agatha! Ikaw na!" litaniya ni Grace.

Mayamaya, sumunod namang nagliwanag ang noo nina Grace at Aaron.

E M. Me? Ano ito?

"Agatha, ano ang ibig sabihin naman nito?" Tanong ni Ethan.

"I think, it's ME?" hindi nito siguradong sagot.

"Anong nais iparating no'n?" turan naman ni Aaron.

"ME yata, hindi ko alam kung sinong me ang tinutukoy rito," nagugulumihanan nitong sambit.

Tatlong mabagal na palakpak ang umagaw sa aming atensiyon.

"Magaling, magaling, magaling!" ani Death.

"PLAY ME?" turan ko sa aking isipan.

"Bibigyan ko kayo ng oras para makapaghanda. Hindi ko pa naman kayo tatapusin, hayaan niyo munang makipaglaro ako sa inyo."

Wagas kung makangiti itong si Death habang ang tatlong maria naman niya'y nakatayo lang sa kaniyang harapan na wari mo'y binabantayan siya.

"Wala kaming oras para makipaglaro sa iyo!" singhal ni Ate Roxette.

"Lubayan mo na kami, please?" pagmamakaawa ni Ate Arianne.

"Hayaan niyong pakitaan ko muna kayo ng maaaring gawin ng aking mga maria..." pahayag ni Death at naglabas ng itim na liwanag ang bungo sa hawak niyang tungkod.

"Helga, Ethel, Xiara," sambit nito.

"Opo," tugon no'ng tatlo at isa-isa silang lumutang sa ere. Una si Helga.

"Cerebre orais damaskus!" turan ni Helga at biglang lumakas ang hangin na para bang may paparating nabagyo.

Nagdikit-dikit kaming lahat habang nakakapit ako sa braso ni Ate Roxette.

"Helga, tampalasan ka talaga!" giit ni Agatha.

"Hindi pa tayo tapos, Agatha kaya maghanda ka," anito.

Sumunod naman sa ere si Ethel.

"Tera kata muva!" sambit naman niya at pinutol niya ang damo at lumutang ang mga ito sa ere.

"Ethel, huwag! Hindi ka kampon ng dilim!" sigaw ko.

"Si Death lang ang susundin ko. Hindi kita kilala..."

Para bang sinalakay ng pating ang puso ko. Ang sakit ng mga katagang binitiwan niya. Kaibigan na rin ang turing ko sa kaniya pero bakit hindi na niya ako kilala?

"Lapastangan ka, Death! Anong ginawa mo kay Ethel?!" bulalas ni Ate Arianne.

"Well, kampon ko na siya at hindi na niya kayo kilala."

"Walang hiya ka!" giit ko.

"Walang sinuman ang maaaring lumapastangan sa pangalan ng aming Panginoon!" segunda ni Xiara habang siya'y nasa ere.

"Hogaber winefes stu!" usal niya at bigla naging matigas na bagay ang mga damo at ito'y sumugod sa amin.

"Ahhh!" sigaw naming lahat.

Isa-isa kaming hinagupit nito. Masakit, nadaplisan ako sa may balikat. Para bang hinagupit ako ng latigo.

"Hahaha!" paghalakhak ni Death.

"Patikim pa lamang iyan," pahayag ni Death at bigla siyang naging usok na itim.

"Magbabalik kami kaya ihanda niyo ang inyong mga sarili," wika ni Helga bago maging itim na usok.

"Mas matindi pa riyan ang kaya naming gawin," sambit ni Ethel at naging puting usok naman siya.

"Magtutuos tayo muli, mga mahal kong kaklase," ani Xiara at siya naman'y naging pulang usok.

Nakahinga kami nang maluwag nang mawala na sila sa aming landas. Hindi kami dapat magpakakampante dahil siguradong mas matindi ang mangyayari sa muli naming paghaharap-harap.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now