Chapter 64 - Hope to Faith

Magsimula sa umpisa
                                    

" Go ahead and read it Ms. Salcedo" narinig ko pang sabi ng Dean namin kaya dahan dahan ko iyong binuksan at binasa at dahil sa sobrang pagkabigla hindi ako agad nakakilos na paralyzed ako sa nabasa kong result " it can't be.." yun lang ang nasabi ko

" You aces most of your test congratulation Anya you passed your final exam" narinig kong sabi ng Dean namin

Nagawa ko nakapasa ako. Para akong baliw iyak tawa lang ang ginagawa ko habang binabasa ko ulit ang result ng exam nagawa kong pumasa sa sobrang saya ko bigla kong nayakap ang Dean namin

" Thank you Ma'am"

" You did good Anya I am so proud of you!" sabi pa nya habang yakapa ko sya

" Thank you po." kumalas na ako sa kanya tapos ay umalis na ako sa lugar na iyon pero bago ako tuluyang umalis ay nilingon ko muna si Joyce at nakita ko na masaya din sya para sa akin at parang umiiyak din sya sa saya, nginitian ko sya at ibinuka ko ang bibig ko nagpasalamat ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng room.

Paglabas ko ng room ay agad kong tinakbo ang gym para puntahan si Cholo sya ang una kong naisip pasalamatan dahil sa ginawa nya para sa akin pero pagpasok ko doon ay medyo madilim ang paligid dahil patay ang mga ilaw tanging liwanag lang mula sa labas ng gym ang nagsisilbing liwanag sa loob, siguro wala sya dito naisip ko, paalis na sana ako noong nakita ko syang nakatayo sa gitna ng gym na parang may hinihintay dumating

" Cholo!" tawag ko sa kanya at patakbo akong lumapit sa kanya

" Hey! " bakit hinihingal ka?"

Hindi ako nagsalita basta yinakap ko na lang sya at bumuhos na ang mga luha ko

" What happen?" tanong ulit nya sa akin

" Thank you... " sabi ko tapos ibinigay ko sa kanya ang papel na hawak ko

" Pumasa ako Cholo pumasa ako nagawa ko!"

Pagkasabi ko noon ay may biglang bumukas ang mga ilaw tapos naglaglagan ang confetti na may mga balloon pa na hindi ko alam kung saan galing tapos tumugtog din ang mga bleacher at nag march papunta sa amin ni Cholo kasama ang buong basket ball team nandoon din si Unique at Ella pati si Gabby at Rei may mga hawak silang banner na may nakasulat na Way to Go Anya!... Congratulation sobrang na over whelmed ako hindi ko alan ang sasabihin ko.

" Papaano nyo nalaman na papasa ako sa exam?" tanong ko

" Hindi namin alam pero siguro we just figure it out on our on" sabi ni Unique

" I know you can do it Anya and I'm happy that you proved me right!" sabi ni Ella

" Congrats Anya " sabi naman ni Gabby

" Thank you guys " hindi ko na mapigilang umiyak, masaya ako na dahil ngayon ko lang narealize na napaka swerte ko dahil may mga kaibigan akong katulad nila

" Tara mag celebrate na tayo may treat! " sabi ni Cholo

" Yehey...." lahat kami ay natuwa

" Tara na baka magbago pa ang isip ni Cholo" narinig kong sabi ni Dylan

Lahat kami ay masayang naglakad para lumabas ng Gym pero noong nasa may pinto na kami ay natigilan ang lahat dahil nakita namin si Ace-sin na nakatayo malapit sa may doorway napahinto ako sa paglalakad at ang mga ngiti ko sa labi ay agad na naglaho para lang akong tuod na nakatayo habang papalapit sya sa akin may hawak itong bouquet of white and pink tulips na inabot nya sa akin pagkalapit nya

" Congratulation Anya" sabi nya may ngiti sa mga labi nya pero malungkot iyon

" Thank you" simpling sagot ko tapos kinuha ko ang bulaklak

Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon