Chapter 3 - At the Bar

86.4K 727 30
                                    

Tulad ng plano nagpunta kami sa Mall at nanood ng Sine isang romantic comedy ang pinili naming panoorin na sobrang na enjoy namin at noong lumabas kami ng sinehan ay gabi na past 9 pm na ang akala ko uuwi na kami pero nagkamali ako dahil hinatak nila ako sa isang Bar na paboritong gimikan ng mga schoolmate naming sosyal.

Pag dating namin doon ay marami ng tao, halos lahat ng nandoon ay taga school kaya parang annex namin ang lugar na iyon.

"Wow! ang aga pa ang dami ng tao ha."Narinig kong sabi ni Unique halata na palagi syang nandito, ang alam ko kasi ito ang tambayan nila Ace-sin, Rei at Gabby at mayroon silang special corner ng grupo nila sa lugar na ito at kasama palagi si Unique sa kanila.

"First time mo dito diba Anya?" tanong sa akin ni Ella at tumango ako "Don't worry OK dito halos lahat ng nandito schoolmate natin kaya safe naman. So Tara hanap na tayo ng mauupuan." Hinila na nya ako para lapitan ang table na nakita nya.

Nakakatuwa talaga si Ella napaka down to earth nya, kung tutuusin sya dapat ang nagmamalaki sa school dahil sa estado nya sa buhay at sa taglay nyang kagandahan pero hindi nya yun ginagawa tahimik lang sya at friendly sa lahat ni hindi nga yata nya alam na maganda talaga sya.

Omorder sila ng drinks namin at dahil hindi talaga ako umiinom medyo tumatalab na ang alak sa akin. Masayang kasama ang mga kaibigan ko, kapag kasama ko sila ang saya-saya ko lang palagi at ang oras ang bilis lang lumilipas pakiramdam ko nga dumaan lang ang 3 hours sa amin dahol pag check ko ng time past midnight na.

Maya-maya nagpatugtug ang DJ ng bar ng nakakaindak na music at ang lahat ay nagpunta sa dance floor.

"Gosh I love that song, sayaw tayo" dinig kong sabi ni Ella

"Sige kayo na lang ni Unique nahihilo na kasi ako " sagot ko naman, hindi ko na kayang kumilos dahil pakiramdam ko lasing na talaga ako.

"Anya please....."

"Tara na Ella tayo na lang baka matumba pa si Anya sa Dance floor pag pinilit mo." Yaya ni Unique tapos ay tumayo na sya para samahan si Ella na sumayaw samantalang naiwan naman akong mag-isa sa table namin at malaya kong pinagmasdan ang buong Bar

"Sa balcony ang tambayan nila Ace-sin" dinig kong sabi ng isang babae sa kasama nya noong mapadaan sila sa kinaroroonan ko. " Binigyan daw talaga sila ng may-ari ng Bar ng Private corner " Narinig ko pang sabi ng isang babae sa kasama nya.

"Sana makita natin sila. gusto kong makita si Ace-sin" Dinig kong sagot naman ng kasama nya habang kinikilig.

Ang totoo hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba noong marinig ko na nandito si Ace-sin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung magkikita kami, nandito nga kaya sya? Otomatikong napatingin ako sa itaas kung saan nandoon ang sinasabi nilang private corner at nagulat ako na may nakatingin na lalake mula doon sa direksyon kung nasaan ako.

Lumakad ang lalaking iyon pababa ng hagdan na hindi inaalis ang pagkakatingin sa may gawi ko at nagulat ako noong mapagtanto ko kung sino sya. Si Ace-sin Kin! nandito sya at palapit sa akin, bigla akong umiwas ng tingin at nagfocus kung nasaan nagsasayaw sila Ella at Unique. Nagpatay malisya na lang ako pero hindi ako mapakali dahil alam ko na papalapit sa direksyon ko si Ace-sin kaya kinuha ko ang iniinum kong beer at sa sobrang kaba ko naubus ko tuloy ang laman nun na noon ay wala pang bawas.  " Anaya kailangan mong kumalma diba ito ang gusto mo? matagal mo na ito hinintay.

"You. Let's talk" Punong puno ng authority ang pagkakasabi ni Ace-sin noon tapos ay nilagpasan na nya ko at lumabas ng bar at agad naman akong sumunod sa kanya sa labas, bahala na.

 Pagdating ko sa labas ng Bar ay agad ko syang hinanap at nakita ko sya na nakatayo sa may parking lot huminga muna ako ng malalim bago ko sya nilapitan, ang bigat ng mga hakbang ko kung tutuusin malapit lang ang kinaroroonan nya pero parang naglalakad ako ng malayo, pag dating ko sa kinaroroonan nya naglakad ulit sya papunta sa gilid ng pader. Sinundan ko sya doon.

"Bakit ka nandito?" Galit na tanong nya sa akin, ako naman biglang nagulat sa tanong nya. I mean ano naman paki nya kung nandito ako parang adik lang ha.

"Kasama ko sila Ella at Unique nagyaya sila dito" sabi ko

"Hindi ka pwede dito. Umuwi kana. "Singhal nya sa akin, grabe naman ito tatay ko ba sya kung maka sita lang wagas ha.

"Kung yun lang ang sasabihin mo aalis na ko" Tatalikod na sana ko pero bigla nya akong hinawakan sa braso

"Don't you dare turn your back on me Anya wag kang bastos " madiin na sabi nya sa akin

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong ko matapos kong ipunin lahat ng lakas ng loob ko "Hindi ko maintindihan ang mga ginagawa mo, ininsulto mo na nga ako kanina sa harap ng mga kaibigan ko tapos ngayon kung diktahan mo ko daig mo pa ang magulang ko." Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para sagutin sya ng ganun pero walang dating sa kanya ang sinabi ko sa halip tinawanan nya pa ako

"Pinapunta kita dito para sa kasunduan natin."

"Agad agad? excited much! kanina pa lang kita natalo ngayon gusto mo na agad pag usapan ang kasunduan natin?"

"Ang lakas ng loob mo epekto ba yan ng alak na ininom mo?"  tanong nya

"Hindi ako lasing. Naiinis lang ako sayo."

"Ikaw? Naiinis? Nasan na ang babaing pinilit gawin ang lahat para mapansin sya ng pitong taon. ayaw mo bang mag thank you sa akin dahil for the first time I finally acknowledge your worth?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nahimasmasan sa mga nangyari bumalik ako sa katinuan ko nawala agad ang ipekto ng alak sa utak ko.

"I'm sorry Ace-sin. "

Ngumisi sya sa akin" So now you're back to your senses?." tumango lang ako para akong mabait na batang takot mapagalitan. "Wag kana bumalik sa loob ng Bar umuwi kana. Bukas pumunta ka sa bahay para ituloy itong usapan na ito. Hindi ako nakikipag usap sa lasing."

Pagkasabi nya noon ay tinalikuran na nya ako habang wala akong nagawa kundi pagmasdan sya naglalakad palayo sa akin.








 

Ace-sin Kin's SlaveWhere stories live. Discover now