Chapter 63 - Broken Promise

33.3K 406 18
                                    

Chapter 63 - Broken Promise

Love is blind and love can be foolish – Our heart doesn't always love the right people at the right time. Sometimes we hurt the ones that love us the most and sometimes we love the ones that don't deserve our love at all but Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is growing up and forgiveness.


Matiyagang naghihintay si Ella at si Unique sa pathway malapit sa room ni Anya kung saan sya kasalukuyang nag-e exam ngayon kasama si Joyc, halos dalawang oras na sila nakatayo doon ni Unique ate pareho silang parang pinapatay sa paghihintay dahil sa tensyon

Ilang sandali pa ay nakita na nila na bumukas ang pinto ng classroom at isa-isa ng lumabas ang mga estuyante kaya binantayan na nila ang paglabas ng kaibigan at noong nakita nila ito na kasama si Joyce na lumabas lalo silang kinabahan dahil malungkot ang mga expression ng mukha nila. Hindi nila magawang lumapit sa mga iyon para silang nabato hanggang nakita na lang sila ni Anya na kakatinin sa kanya ang mga kaibigan nya at napansin din nito ang pag-aalala sa mukha ng mga kaibigan nya kaya ang binigyan niya ang mga ito ng isang masayang ngiti kasabay ng pagtaas ng isang kamay nya na pinorma nya ng OK sign kitang kita ni Anya ang biglang pag-aliwalas ng mukha ng mga kaibigan nya tapos ay agad nya itong nilapitan ay yinakap ng sabay

" I passed the test!" masayang sabi nya yakap parin nga sila Unique at Ella.

" She got 80% " sabi ni Joyce natutuwang pinapanood ang yakapan blues ng magkakaibigan

" Ang galing mo!" masayang sabi ni Ella

" Sabi ko na nga ba kaya mo yun" sabi naman ni Unique, kumawala si Anya sa pagkakayakap nya sa mga kaibigan medyo namumuo na naman ang mga luha sa mata nya

" I'm sorry kung pinag-alala ko kayo. I'm sorry I messed up" naiiyak na sabi nya

" Tama na ang sorry kalimutan na natin yun ang mahalaga okay na tayo, magtulungan na lang tayong ayusin ang lahat simula ngayon"

" Alam ko na hahanapin ko kung sino ang gumawa ng video I'll make sure that who ever ....."

" Wag na Unique!, " nakangiting sabi ni Anya

" Pero kailangan nyang managot hindi ako papayag na basta na lang nya sinira ang buhay mo ng ganun"

" Alam ko kung sino ang gumawa ng video!" sabi ni Anya

" ALAM MO?" gulat na sabi nila Ella, Unique at Joyce

" Oo" sabi ni Anya

" Kung alam mo bakit nananahimik ka dyan? Isumbung na natin sya para malinis na ang pangalan mo" si Ella iyon

" Hindi na mahalaga yun at least not anymore"

" Anya..."

" Basta ang mahalaga ngayon kasama ko na ulit kayo isa pa tama na sa akin ang malaman na hindi nyo ako iiwan totoo man yun video o hindi. Okay na ako dun"

" Bestfrieds forever." sabi ni Ella

" Forever!" sabi ni Unique

"Naman!" masayang sabi naman ni Anya

" Anya" tawag ni Cholo na kanina pa pala nandoon at narinig nya ang lahat

" Cholo" sabi ni Anya bigla syang nakaramdam ng hiya para sa binata dahil sa ginawa nya dito.

" Hi" simpling bati ng binata " Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ulit nito tinignan muna nya ang mga kaibigan nya na parang pumapayag naman

" Anya hintayin ka namin sa Club " sabi ni Ella

Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon