Chapter 11 - Unique

70.4K 553 10
                                    

HI GUYS

THIS  BOOK IS NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB PUBLISHING 

IT IS NOW AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE 

THANK YOU SO MUCH FOR ALL YOUR SUPPORT

LUV U ALL

- ZYCINE -

-------------------------------------------------------------------------------------

NOTE : NOT EDITED VERSION (SORRY FOR ALL THE ERRORS)

CHAPTER 11 - UNIQUE

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil hindi maalis sa isipan ko si Ace-sin at ang biglang pagbabago ng mood nya kanina sa simenteryo hanggang ngayon kasi hindi ko sya maintindihan pero masaya talaga ako sa ginawa nyang pagsama sa akin sa puntod ni Ace habang buhay ko syang pasasalamatan dahin doon.

Ngayon ay nakasakay ako sa isang Red Volvo na pagmamay-ari nya dahil pinasundo nya ako sa kanyang driver para dalhil sa isang condo unit sa East wood

"Manong sino po bang pupuntahan natin dito sa Libis?" tanong ko sa drive sya si Manong Domeng kaibigan din ng Nanay ko noon

"Hindi mo ba alam si Sir Ace-sin dito na sya nakatira simula noong grumaduate sya ng high school"

"Ganun po ba." Hininto ni Manong Domeng ang kotse sa harap ng isang magarang building

"Dito ka na bumaba may inuutos pa kasi syang iba sa akin."

"Ok po, ano po palang unit number?"

"Umakyat ka na lang sa Penthouse dun sya nakatira"

"Sa penthouse po?" Gulat na tanong ko kay Manong

"Marami ka na talagang hindi alam sa mga Kin Anya ang building na ito ay pagmamay-ari ni Ace-sin. Sige ha alis na ko."

Pagkaalis ni Manong Domeng ay wala sa loob akong pinagmasdan ang building na nasa harapan ko.

Hindi ako makapaniwala ang magandang building na ito na pang world class ang peg ay pagmamay-aari ng isang spoiled brat, self centered, moody, bossy drop dead gorgeous man I ever known. Napabuntung hininga na lang ako habang pumapasok ng condo.

"Hi Ma'am Good morning san po sila?" Bati ng receptionist

"Sa unit ni Ace-sin Kin"

"May I know your name Ma'am?" magalang na tanong nya

"Anya Salcedo, his expecting me."

"Ah, kindly wait po Iko – confirm ko lang po."

Ngumiti lang ako tapos tumalikod na sya at nag Iphone maya maya bumalik sya sa akin

"Ma'am please proceed to that private elevator Mr. Kin is waiting for you"

"Thank you" Nginitian ko sya at umalis na para sumakay ng elevator

TING

Nandito na ko sa penthouse isang pintuan agad ang bumugad sa akin walang ibang pinto dun kaya nilapitan ko agad magdoorbell na sana ako noong biglang bumukas ang pinto at niluwa mula doon si Ace-sin.

"WHAT TOOK YOU SO LONG!"

Grabe bulyaw agad, hindi ba ito marunong bumati muna? gusto ko yun sabihin sa kanya pero hindi ko na nagawa dahil nawindang ako sa itsura nya. Naka bathrobe lang ito at basa ang buhok mukhang galing ng shower at dahil first time ko makakita ng lalaking nakahubad ah este lalaking bagong shower nagulat O_____O ako at natulala sa kanya

"You looked as if you enjoying the view" sabi nya sakin na akala mo isa akong matrona na naglalaway sa katawan nya. "Do you want me to take this robe off?"

Tumalikod ako bigla sa kanya "Ang kapal mo no! magbihis ka na nga dun."

Narinig ko syang tumawa ng malakas, pinagtatawanan na naman nya ko. Nakakainis talaga to.

"Cme on get in." hinawakan nya ko sa braso at hinila papasok sa loob

"Asin you run out of black pepper."

Si Gabby yun nakita ko syang naka apron at may hawak na sandok sa kanang kamay tapos isang lalagyan ng paminta sa kabilang kamay, ang cute nya!

"Hi!" Bati ko sa kanya

"Yanna your here" Nilapitan nya ko na akala mo super close lang kami "Hey Unique Yanna is here"

Unique? Nandito sya? Hindi ko alam kung matutuwa ako o magtatago sa kanya simula kasi noong nagkita kami sa rooftop hindi na ulit kami nagkikita parang iniiwasan nya ko at noong nakita ko sya na lumabas mula sa pinanggalingan ni Gabby ay bigla akong na excite dahil na miss ko na sya.

"Hi!" Nag-aalangan kong sabi pero hindi nya ko sinagot nginitian nya lang ako na para bang sinasabi nya na ' oh its you!' Teka lang disappointed ba sya na nakita nya ko dito? Grabe galit ba talaga sya sa akin.

"Ah Gabby ano nga pala yung sabi mo kanina?" Narinig kong sabi ni Ace-sin feeling ko kahit sya naa- awkward sa atmosphere

"Oh yeah. Wala kanang pepper and I need it for seasoning so go and buy some."

"Noway! My slave girl will do it."

Grabe talaga itong makatawag ang dense hindi ba nya ramdam ang ilangan between me and his BFF Unique pero sabagay ok na din yun para makaiwas muna sa cold treatment nya.

"Pambili?"Nilahad ko sa kanya ang isa kong kamay

"I told you I don't have cash."

Bumuntung hininga ko mayaman ba talaga ang lalaking to? may-ari ng condo pero walang pambili ng paminta hay naman. Grabe.. ako parin pala ang magbabayad. Hayts kainis. Tumalikod na lang ako para sundin ang utus nya wala ako sa mood makipag talo sa kanya.

"Anya wait" biglang tawag sa akin ni Unique kaya puminto ako at hinarap sya

"Unique?"

"Sasamahan na kita"

Natuwa ako sa sinabi nya at least hindi pala sya galit sa akin diba, sumakay kami ng elevator pero pareho kaming hindi nag-uusap.

TING!

"Lets go may malapit na convenience store dito doon na lang tayo bumili."

"OK"

Sinundan ko sya sa paglalakad nya hanggang makarating kami sa convenience store at makabili ng kailangan namin

"Here ako na ang magbabayad"sabi ni Unique nasa cashier na kami at nagbabayad

"Wag na baka magalit sakin yung maste.. ah .. Ace- - sin."

"I insist Anya." Seryoso sya tapos sya na ang tumapos ng transaction sa cashier

Paglabas namin ng store hindi na ulit kami nagkibuhan hanggang makabalik kami sa penthouse

"Sorry"

Nakita ko syang tumigil sa paglalakad papunta sa pintuan ng Unit ni Ace-sin pero hindi sya lumingon sa akin.

"I'm sorry Unique. Hindi ko alam kung pano ako mag i-explain sayo pero ang hirap, nahihirapan akong ipaliwanag sayo kung bakit ako at si Ace-sin . . . . hindi ko kayang sabihin sayo ang totoo."

"Then you don't have to" sabi nya sa akin ng hindi manlang ako tinitignan, hala galit ba talaga sya sa akin ngayon wag naman ayokong mawala sila ni Ella sakin, sa kanila lang ako humuhugot ng lakas.

"Unique please. ."

"Anya" hinarap nya ko. "You don't have to explain anything If it's really hard for you to tell me then I don't want to know."

"Pero Unique.."

"You're important to me and for you to get hurt is the last thing I want from you Anya. Gusto kitang maging masaya yun lang. At kayo ni Ace-sin I can't approve of that but if that's what you really want then I'll support you but promise me one thing don't be too hard on your self OK?"

Tumango lang ako tapos agad ko syang yinakap "Thank you Unique ang swerte ko kasi kaibigan ko kayo ni Ella"


Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon