"If I could just..." He said as he slowly took the pin off my hair, "Hear her voice..."

I felt danger looming the way he said those words and the way he lingered those chinky eyes on me. Napalunok ako sa natanto.

He knows.

"I—" Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang malaking pintuan ng dining hall.

Sabay kaming napalingon sa mga nag-uusap na nagsisilabasan mula roon. Naunang lumabas mula rito si Master Daiki. Nakasunod naman sa kanya ang dalawa niyang anak. Nang masagi ng paningin nito ang aming kinatatayuan, sumilay agad ang isang nagagalak na ngiti.

"Ah, Sanada-kun, it's good to see you."

Sanada? The same Sanada from the alliances?

Isang mabilis na kilos ang ginawa ng aking katabi para lapitan si Daiki. Napaawang ang bibig ko nang makita itong bahagya pang yumuko para magbigay ng respeto rito.

"Master Daiki, it's always an honor to be graced by your presence," usal pa nito.

Bahagyang natawa si Daiki sa kanyang pagbati. Mabilis naman akong napayuko nang masulyapan nito.

"I see you've met Kurozawa Ayana."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang banggitin nito ang aking buong pangalan. Ramdam ko ang mabilisang paglinga ni Drake sa aking direksyon.

"K-kurozawa?" Narinig kong pag-uulit nito.

"Ah, yes..." Dinig ko ang kaluskos ng kimono nito sa sahig dahil sa pagkilos, "She's Yuujin's adopted daughter, you see," marahang tugon pa nito.

Napakuyom ako ng aking palad habang ramdam ko pa rin ang mga titig nila sa akin.

"A-ah... I s-see," nasabi ni Drake.

"Will you be staying long tonight?" Pag-iiba ni Daiki sa usapan.

"O-oh... no. I'm just here for some notes. Kira and I have the same classes for this year as well."

Sinilip ko ang kanina pang tahimik na Kira. Pansin ko ang pag-igting ng panga nito kahit nakangiti.

"Oh, is that so?"

Bahagya akong nag-angat ng tingin nang maramdamang hindi na sa akin nakatuon ang kanilang pansin.

"I've heard you're topping this year's class. Your parents must be proud," hindi nakawala sa aking paningin ang mabilisang pagsulyap nito sa apo.

Agad na lumipad ang paningin ko sa gawi ni Kira. He was wearing the same expression but I've immediately noticed the balled fists he was trying to hide behind him.

Naibalik ko ang aking paningin sa harap nang marinig ang tawa ni Drake.

"Maybe?" Saglit pa itong sumulyap sa direksyon ni Kyo na kanina pa nakatayo sa tabi ni Cute at nakahalukipkip lamang na tila kanina pa bagot na bagot kakahintay kung kailan matatapos ang usapan nang makaalis na.

"If I could finally beat Kyo in a shooting contest, maybe?" Muli pa itong natawa nang pandilatan siya ng pinariringgan, "Just kidding!"

Pandaliang napalingon si Daiki sa kanyang apo bago ito marahang natawa.

"Well, you've got a lot of work to do if that's the case," tugon nito sa pagitan ng tawa.

"Sou desu ne?" Napakamot pa ito ng ulo bago muling tiningnan si Kyo. This time I saw a hint of wickedness in his eyes. Sandali lang iyon bago ibinalik ang mapagpanggap na ngiti nang muling hinarap ang natatawa na ring Daiki.

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now