"Amen," sabay na sabi nina Chino at Julian.

"Father Peter Paul is preaching, makinig tayo, mga kapatid." Si Esso.

***

Examination week bago ang fair at hindi ko nakikita si Rachel. Hindi rin siya nagre-reply sa mga text ko sa kanya. Inaabangan ko siya sa daan pauwi sa apartment nila pero hindi ko talaga siya nakikita. Pinagtanong ko na rin naman siya sa ilang mga kasama niya sa apartment pero ang sabi lang nila ay busy raw si Rachel dahil sa exams at sa fair tapos may rally pa raw bukas kaya hindi ko raw talaga mahahagilap si Rachel. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita.

"May gusto ka kay Rachel, 'no?" Si Maya, kasama ni Rachel sa apartment.

"Ha?"

"Last week, lagi kang nakabuntot kay Rachel, ngayon naman, lagi mo siyang hinahanap. Nung isang gabi, nakita kita roon sa kanto kasama yung isang tropa mong pogi, inaabangan mo si Rachel doon, 'no?"

"Ah, eh, oo, hinihintay ko si Rachel doon," pag-amin ko.

"S'ya, s'ya, pababayaan ka naming manligaw kay Rachel. Okay ka naman, eh, pero ipakilala mo ako roon sa mga tropa mo. Walang tapon sa tropa niyo, eh, lahat winner." Natawa ako sa comment niya tungkol sa 'min. Pumayag naman ako sa kondisyon niya sa akin.

***

Pumunta kami nina Chino at Pipo sa palengke dahil may mga ipinabibili si Julian sa amin. Nakagawian na namin na kaming tatlo ang mamamalengke habang sina Julian at Esso ang maiiwan sa bahay. Ginagawang assistant ni Julian si Esso sa kusina.

Pauwi na kami nang makasalubong namin si Rachel na lumabas ng hardware. May dala siyang pintura at brush.

"Rachel!" tawag ko sa kanya. "Tulungan na kita riyan." Iniabot ko kaagad kay Pipo ang hawak kong plastic bag at kinuha ang dala ni Rachel.

"Saan mo dadalhin 'to?"

"Ah, sa apartment na sana. May dalawang banner na lang akong gagawin, eh."

"Wala kang katulong?" tanong ko sa kanya.

"Wala na, pinauwi ko na."

"Sa susunod, i-text mo ako kapag wala kang makatulong. Tutulungan na kita rito."

"Do'n ka na sa apartment namin gumawa niyan, Rachel. Tutulungan ka rin namin." Si Pipo. Tinanguan ako ni Pipo.

"Ha? 'Wag na, nakahihiya."

"'De, kaming bahala. Do'n ka na rin kumain, masarap magluto chef namin doon." Si Chino.

"May chef kayo?" nakakunot na tanong ni Rachel sa 'min.

"Meron, si Julian," nakangiting sagot ko sa kanya.

***

Parang nakakita ng multo yung tingin nina Esso at Julian kay Rachel.

"Hi." Si Rachel.

"H–hi." Sabay pang nag-stammer yung dalawa.

"Chef Julian, patikimin mo si Rachel ng specialty mo." Si Chino. Parang natataranta namang nagsimula si Julian sa pagluluto niya.

"Tara dito sa may veranda, simulan na natin 'yang banner mo," yaya ni Pipo sa 'min ni Rachel.

Sinimulan na namin yung paggawa ng banner ni Rachel. Isasabit daw nila 'yon sa labas ng OSA para sa darating na fair. Tapos yung rally bukas ay para doon sa anti-hazing campaign nila sa mga fraternity.

Nakaupo na si Rachel do'n sa sahig ng veranda namin at abala sa ginagawa niya. Sinimulan naming dalawa yung isang banner habang sina Pipo at Chino naman do'n sa isa.

How To Mend A Broken HeartWhere stories live. Discover now