Chapter 7

126 3 0
                                    

Chapter 7

ELOISE TRINITY

Napatunganga ako sakanya nung narinig ko ang sinabi niya at ginawa niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa gesture niya. Umiwas siya ng tingin at binitawan ang kamay ko. Awkward.

"T—Tara na. Nagugutom na talaga ko e," dere-deretsong sabi niya at lumabas na ng pinto. Napaisip lang ako kasi parang ngayon ko lang talaga nakita ang lalaki na yun. Transferee ba siya? Sinundan ko nalang siya sa labas. Nakita ko siya na nakasandal sa kotse at nakatingala na nakapikit. Parang isang modelo sa magazine.

Habang naglalakad ako palapit sakanya napatingin siya sa akin. Napakalungkot ng mga mata niya. Lungkot na nanggagaling sa kailaliman ng puso niya. Ano kayang problema niya?

"H—Hi!" I smiled awkwardly habang nakataas ang kanang kamay ko. Ngumisi lang siya at binuksan yung pinto ng kotse niya. Sakanya pala yun? Richkid ang koya!

Ang bango din ng kotse niya. Parang kotse ni Jiren. Nasaan na nga kaya yung bakla na yun?

"Seatbelt first," lumapit siya at kinabit niya yung seatbelt ko. Nalanghap ko tuloy yung pabango niya. Sobrang bango besh!

"T—Thank you," nauutal kong sagot sakanya at tumingin nalang ako sa labas. Grabe! Nakakahiya yun.

Nagsimula na siyang magmaneho. Hindi ko nga alam saan kami kakain. Napangisi tuloy ako ng wala sa oras. Me with a stranger. Lagot ako kay kuya nito.

"A—Ahm, saan pala tayo kakain?" Nakangiti kong tanong sakanya. Parang magjowa lang kami na nagda-date nito.

"I don't know, seriously. Bago lang kasi ako dito. Transferee you know? Wala pa kong alam na restaurant na malapit dito," deretso pa din ang tingin niya sa kalsada. Kinagat niya ang ibabang labi niya. Napayuko ako at nag-init ang mga pisngi ko. Restaurant talaga ang hinahanap niya, samantalang ako sa karinderya lang kumakin. Napangisi ako.

"Why are you smiling?" nanlaki ang mata ko nung nakita kong nakatingin siya sakin. Traffic pala at nakahinto kami. Umiwas ako ng tingin.

"W—Wala yun. Naisip ko lang yung aso namin na nag-tumbling kahapon," what the? Anong klaseng dahilan yun, Kryne? Really?

"Really?" ngumisi siya at nakataas ang kaliwang kilay niya. Hindi siya naniniwala sa dahilan ko.

"Fine! Naisip ko lang kasi na sa karinderya lang ako kumakain tapos ikaw naghahanap pa ng restaurant," deretsong paliwanag ko sakanya. Nakayuko lang ako at nakatingin sa mga kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko.

"Then, take me to that karinderya. I really don't know a thing. At mukha naman na masarap doon dahil napapangiti ka mag-isa," napailing siya at pinilig ulit ang ulo niya sa harap at nagsimula na ulit magmaneho. Nakangisi lang siya at binuksan ang car stereo. Natahimik nalang ako at hindi na lumingon ulit sakanya. Natatanaw ko na ang "Karengderya" ni Lola Kareng. Madami na namang tao. Palagi naman dahil masarap at mura ang paninda niya.

"Ahm, Blake. Pakihinto nalang diyan sa may tabi. Diyan tayo kakain," nakangiting sabi ko sakanya. Agad naman niya kong sinunod. Buti nalang may pay parking sa gilid kaya ayos lang.

"Really? Just twenty pesos?" Namamangha niyang tanong sa nagbabantay. Natawa ko dahil ganun din ang reaksyon ni Jiren nung una ko siyang dinala dito.

Undefined FateWhere stories live. Discover now