Capitulo Dieciotso: You're IT

Magsimula sa umpisa
                                    

Dire-diretso kaming pumasok, ako nauuna siyempre. Nasa akin kasi yung room card at ako ang nag-swipe.

Pumunta agad si Zander sa may shower room. Langya, inunahan pa kami.

Kung nagtataka kayo dahil wala naman kaming dalang gamit. Bumili muna kami ng ilang pirasong mga damit bago pumunta dito sa hotel. Hindi naman kasi namin alam na matatagalan pa kaming mahanap yung mga anak nami--este mga bubwits na makukulit.

Umupo si Jale sa may sofa at pinaglaruan yung skateboard na hindi sinasadyang nadala niya. Hawak-hawak niya kasi yun nung kinaladkad ko siya at sinama. Ang hilig talaga niya sa skateboard, dami niyang collection ng board sa bahay eh. Skater girl ang pinsan kong itey.

Ako naman, linibot ng tingin yung kwarto. Malawak at maganda ang disenyo sa loob, puro maroon yung kulay. Kumpleto rin sa kasangkapan at talagang class ang dating, 5-star hotel kasi.

May isang King size na kama dun sa may kwarto. Actually, kasya kaming tatlo kung tutuusin.

Lumabas na si Zander makalipas ang ilang sandali. Sumunod si Jale at ako ang huling nagshower.

Paglabas ko ng shower room, nadatnan kong tulog na yung dalawa. Si Zander, sa sofa nga talaga natulog at si Jale naman ay nasa may higaan. Himbing ng tulog nila, mga pagod.

Nagpatuyo nalang ako ng buhok at pinatay yung ilaw sa jwarto. Ini-on ko nalang yung lamp shade sa may gilid, pagkatapos ay humiga na rin ako sa tabi ni Jale. Maghahanda pa kami sa game namin bukas. Hide and seek. Fufu.

Maganda 'yun 'di ba? Kailangang manalo kami ni Biatch Quee--este Jale.

Ang astig sigurong makita ang isang Zander Drake Ford na inaalipin. Mwahahahaha.

Imagine that? Saya 'di ba?

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako kakaisip nu'n..

ZANDER DRAKE'S POV

I slowly opened my eyes. Tinignan ko yung orasan at alas-onse pa lang ng gabi. Nagpapanggap lang akong tulog dahil hindi pa ako makatulog. Hindi kasi kumportable dito sa may sofa.

Dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa kwarto nila. Nakita kong nasipa nila yung kumot nila na kasalukuyang nasa sahig. Aish. These two.. Tsk.

I shook my head. Pinulot ko na lang yung kumot at kinumutan sila. Medyo natigilan ako nung napatingin ako kay Cara Pagong. Para kasing kapareho niya si.. Gah. Nevermind.

"Good night little angels.." bulong ko sa kanila at linisan na ang kwarto.

Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. Naalala ko nanaman kasi yung laro namin bukas. Hide and seek with consequence. Kung ako manalo, both of them will be my slave, and vice versa.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon