Sunako Nakahara

97 2 0
                                    


Lilipat na ako ng bahay like tita says. Lipat to forget. Well, limot ko naman na lahat pati yung sarili ko. Why effort if no one naman makakapansin. Salamat na lamang kay tita at gusto ako patirahin sa mansyon niya at pag-aralin sa kalapit na kolehiyo roon. Well, bye bye na aking dormi. Bye bye sa mga wala pakis na tao. Lumabas na ako at di ko pansin ang mga taong nakatingin, salamat na lang sa bangs ko na halos kainin na ang buong mukha ko.

"Oy Nakahara, saan ka? Lalayas ka na walang dalang gamit. Sabog ka ba?" Nagtawanan sa may bandang left side ko ang grupo ng mga bully. Di ko lang sila pinansin dahil ang bopols nila at sila ata ang sabog, nauna na yung truck na dalhin gamit ko sa mansyon ng tita ko eh. Nagsentimyento muna kasi ako sa room ko bago umalis. Gusto ko mag-commute eh, wapakels sila sa trip ko. At siya ang naging dahilan kung bakit emo ako. Buti nga limot ko na name niya.

Afternoon, eh narating ko na yung sinasabi ni tita. In truth daw, may makakasama daw ako dito, total of 4 guys, di na sana ako papayag ngunit mahal ko si tita at mabait siya sakin, they are renting daw. I don't care as long as di nila ako pakekelaman sa loob ng kwarto ko, magkakasundo kami. She assures me rin na mababait ang mga binata. Mukhang walang nag-aabang sa gate, why I expect, nakaopen ang gate so I entered. Habang naglalakad ako, I hear voices and laughters. Natakot ako. Ayoko nang mga ganyang klase ng boses. Boses gwapo, p*tris wag naman sana.

Naglakad ako sa damuhan upang mapadali ang pagpunta ko kung saan galing ang mga boses. Then I saw 3 figures. Papaano ba ito? Mag-ha-hi ba ako? Tsk, nagtago muna ako at nag-isip ng gagawin.

"My gash guys! All ladies are princessess!"

"Para namang may pinatulan kang pangit."

"What did you say Yuki?!"

"W-wala hehe."

"This is really weird. Masyadong madali ang pinapagawa ni Aunt Oba. What could this girl, her nephew, is?"

"Paulit-ulit ka ba Takenaga?! Eh di syempre prinsesa!"

"Would you shut up on your nonsense for a moment Ranmaru?!"

Di ko maaninag ang mga mukha nila dahil na rin siguro sa pakahaba kong bangs and I guess ako ang pinag-uusapan nila? Nagtalo pa ang kulay itim at kulay pula na buhok na inaawat nang isang light blond na buhok na lalake. Nang may biglang sumulpot na isang lalake na tawa ng tawa. Ewan pero kinabahan ako, parang nasinag ako ng konti sa kanya eh. Pero waley lang yun.

"Kahit sino pa yan! Yakang-yaka ng powers ko yan! Para sa mansyon!"

"Sh*t! shut the h*ll up Kyouhei, if I know baka nandyan na siya! And you'll ruin it!" Sabi ng itim na buhok na lalake na parang matalino kasi may librong hawak at kalmadong umupo ulit sa mesa after mag-away sila nung pulang buhok. Well, tama siya, I'm here.

Maybe I need to labas na.

"What's that?" Narinig ako nung lalaking may itim na buhok at napatayo at tumingin sa direksyon ko. Dahil mayabong ang damuhan, hindi nila ako makita. Ng biglang lumapit yung light blond na buhok sa direksyon ko.

"Baka may pusa! ming ming ming... you can show yourself miiing" ginawa pa akong pusa ng lalakeng to. Lumapit naman ako sa kanya at mukhang naaninag naman niya ako. "Hik." At nanigas ata siya sa pagkakaluhod dun kaya lumapit yung pulang buhok.

"What on earth Yuki? Tatawagin mo lang yung kuting, you can't even do ---" Napatigil din ang lalake nung lumuhod siya ng makita ako.

"Hoy! Problema niyo dyan?!" Bago pa makalapit yung lalaking may golden blond na buhok eh tumayo na ako.

"AHHHHHHHH!" Umurong nang pagkabilis bilis yung dalawang lumapit sa akin. Nagtago lang sila sa likod ng golden blonde. Kita sa mukha ang gulat o takot nung huli.

"W-who are you?!" Kanina lang na puno ng confidence ang black haired na to ngayon eh nabubulol na.

"Ikaw ba si Sunako Nakahara? Pamangkin ni Oba?" Napatingin naman ang tatlo sa golden blonde haired. Nanlalaki ang mga mata at puno ng takot. Akala mo nanonood ng horror. Tinanguan ko lang naman siya. Lalo sila nag-panic except sa golden blonde haired na nakakabanas kasi may naaaninag akong silaw sa kanya. Hindi dahil golden yung blonde niya. No. Pero wapakels, I have my bangs for defense.

"Dead straight black hair with hints of split hairs, cheap white shirt, amoeba long skirt?... and dirty sneakers..." dinig na bulong ng black haired na lalake. "She is Sunako Nakahara..."

"WAAAAAAH!!!" Sabay sabay nilang sigaw. Alam kong pangit ako, sobrang pangit. Pero anong sinisigaw-sigaw nila dyan at sobrang disappointed nila. Well, sorry, I'm not your dream girl.

"Where's my room?" Mahina pero may pagkataray na tanong ko sa kanila nang matigil na ang pagkagulantang nila.

"A-ahh, yes, t-this way, Sunako!" Tarantang sabi ng light blonde haired guy. At di naman na tumingin sakin yung tatlo. Hanggang pumasok na kami sa mansyon. Namimiss ko na si Hiroshi. Sana nadeliver siya ng ayos.

-----

"Tanong kami ng tanong, eh hindi pa pala kami nagpapakilala. Ahh we will be your boardmates Sunako, a-ah I-I'm Yukinojou, Yuki na lang. Eto namang may pulang buhok na malandi---"

"What the f*ck, Yuki?!"

"A-ay sorry, hindi pala, w-wrong accusation, siya si Ranmaru Mori."

"Hi sweetheart~"

"Eto naman si Takenaga Oda, kung may gusto ka itanong about studies, you could count on him!"

"Hi Sunako."

"And lastly si Kyouhei Takano, mabait to... minsan... waaaah! wag Kyouhei, Biro lang!"

No need naman na kailangan bumuntot sila sakin. At di ko lang pinapansin yung mga tanong nila dahil sa totoo lang natatakot ako sa kanila, what's more kung lalapit sila. Diba halata na ayokong makipagkaibigan sa kanila. Bakit ayaw nila ako lubayan?

"Hoy."

"Pksh*t wag ka ngang bastos! Please, not now Kyouhei, not for a lady kahit na hindi talaga siya mukhang---- Oy."

"Hoy kinakausap ka namin diba?"

Lumakas ang tibok ng puso ko ng biglang humarang sa dadaanan ko ang lalakeng may golden hair na Kyouhei daw ang pangalan. Nakikita ko na may pagkahaba yung buhok niya at maputi ang balat. May silaw akong nakikita. Danger ang lalakeng to. Ta* nasa harapan ko na yung kwarto ko eh , pahara-hara pa.

"Magbigay ka naman ng konting manners kapag kinakausap ka mag----" Nabasag ang mga ilaw sa hallway na dinadaanan namin. Natakot naman ang mga lalake sa likod ko at yung Kyouhei eh sinamahan sila na magtaka at matakot bakit nabasag yung mga ilaw. Ang weak naman pala ng mga ilawan dito.

"Don't you dare talk to me. Leave me alone." At marahas kong binagsak pasara yung pinto ko. Wews! Home sweet home Hiroshi, Akira! Maliban nga lang sa labas ng kwarto ko. Mas mahihirapan ata ako mabuhay dito. Naririnig ko ang mga pagkatok nila at halo-halo yung pinagsasabi nila, may nag-aaway at may sinasabi ata yung Yuki o Takenaga sakin. But wapakels. I don't care about you all. Lalo na yung Kyouhei na kaangas angas. Psh.

Haaaay, help me to survive here! At niyakap ko si Hiroshi at Akira while sobbing.

Si Sunako Nakahara  (YAMATO NADESHIKO SHICHI HENGE FANFICTION)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum