Chapter 17: Give Me Sleep

Start from the beginning
                                    

He could take someone home tonight, but Fresia's messing with his head. Hindi mawala sa isip niya ang galit nitong mukha.

--

Fresia should be glad that Bullet has a date. At least, solo niya ang apartment niya. She can do whatever she wants without having to worry about him seeing her in her crazy state. And she should be glad that he's dating again.

That's what she should feel, but gladness was the opposite of what she's feeling right now.

Dalawang magkasunod na gabi itong hindi natulog sa apartment niya. He probably enjoyed his dates, literally and figuratively. Ano ba naman ang pakialam niya? Mabuti nga iyon para hindi ito punta nang punta roon. Iyon nga lamang, wala siyang tagaluto. Balik cup noodles at de-lata na naman tuloy siya.

When weekend came and she still hasn't heard from Bullet, she decided to go to Mona's cake shop to vent. Habang nagdi-decorate ito ng birthday cake ay ikinwento niya rito ang nangyari nang mga nakaraang araw. And since Mona's decorating table is part of the baking area, her staff couldn't help but listen. Ayos lang naman sa kanya dahil kasundo niya ang mga ito. Madalas kasi siya roon. Ibinibigay ng mga ito sa kanya ang ritaso ng mga cake.

"Why did you overreact in the first place? He's a grown man. Kayang-kaya nya naman 'yong ginawa nya."

"He could have died."

"He didn't."

"That's not the point."

"I know. The point is, you overreacted because you have feelings for him. Kung wala, e di sana wala kang pake sa kanya."

She frowned. "So ibig mong sabihin wala kayong pake sa kanya kasi hindi kayo nag-react?"

"Hindi naman sa ganoon. But notice that we showed our concerns in moderation. Ikaw, para kang biglang nag-explode, e."

"Because I don't want to see any of you get hurt."

Ibinaba ni Mona ang cupcake na hawak. Siya naman ay kumuha ng isa at walang sabi-sabi iyong kinain. Gutom na siya. Walang ma-meryenda sa apartment niya.

"Can I have this?" tanong niya sa kaibigan.

Mona looked at her blandly. "Kinagatan mo na, e. May magagawa pa ba ako?"

Mona's cupcakes are god-send. Hindi iyon masyadong matamis. Hindi rin sobrang dense. She likes its texture and the way it taste. Madalas nga siyang bumili ng cupcakes kay Mona. Kapag may nagbi-birthday sa mga consultants niya, isa iyon sa mga madalas niyang ihanda. But getting them free actually makes them taste better. Lalo na't iyong kagagawa pa lamang nina Mona. Bago makarating sa shelf, nakukuha na niya.

"Anyway, about Bullet..." Inilayo nito sa kanya ang isang tray ng vanilla cupcakes. "I think you just need to admit to yourself that you like him. Wala naman kasing masama, di ba? So bakit mo pinipigilan ang sarili mo? Saka lahat kami boto sa kanya para sa 'yo."

"Not my family."

"To hell with your family! Ano'ng saysay kung approved nga nila pero hindi ka naman masaya? Look at Richard, sobrang qualified sa pamilya mo pero hindi mo naman nagustuhan kahit tumagal kayo ng three years. Minsan nga naiisip ko na baka kaya mo lang sinagot ang gagong 'yon kasi gusto mong i-please ang parents mo."

She didn't deny it. Maybe subconsciously, she is trying to please her parents. Alam niyang simula bata pa lamang ay mahilig na siyang mag-rebelde, pero hindi rin naman kasi niya maiaalis sa sarili ang kagustuhang maging proud din ang mga ito sa kanya. Sino ba namang anak ang ayaw ang atensyon at pagmamahal ng magulang? Ni hindi niya naramdaman iyong saya na ipinagmamayabang siya ng mga ito dahil hindi pa iyon nangyayari.

The Second Time Around (The Starving Squad #1)Where stories live. Discover now