Potek... I feel sorry for Darry for having my sister as his wife. Batas-militar yata silang mag-asawa. Parang Senator Miriam Defensor Santiago lang. -___-

I let out a sigh. "Anong magagawa ko? Eh sa mahal ko pa rin siya eh! Kahit ibaling ko sa ibang bagay ang attention ko para lang makalimutan siya, wala pa ring epekto. Mas lalo ko lang siyang naiisip. Ay, ewan! Basta mahal ko pa rin siya! Period! No erase. Hashtag: DIPAAKONAKAKAMOVEON. End of conversation. Ano, ayos na?"

Kinurap-kurap niya ang mata niya pagkatapos kong magpaliwanag. Tumitingin siya sa likod ko, tapos titingin siya ulit sa akin. Tapos titingin siya sa likod ko ulit, tapos balik na naman sa akin. Sa itsura pa niya, para siyang nakakita ng multo. Anong problema nito?

"Anong----"

Pinutol niya ang sasabihin ko ng dalawang salitang nagpataranta sa akin ng todo.

"H-Hi, Kaye Anne..."

O________O

Lumingon agad ako sa likod ko at potek!! Nandun nga siya. Nakatayo at nakahawak sa door frame ng kitchen.

Mas lalo akong nataranta nang makita kong nakatulala lang siya sa amin. Kung hindi pa siguro nakiraan ang katulong namin, hindi pa siya gagalaw dun. Paano ko ba malulusutan ito?

"Ahhh... M-mahal na mahal ko talaga si Manang ate," tumayo ako at nilapitan ang kakapasok lang na katulong namin. Shet! Sana bumenta. Inakbayan ko pa si Manang. "Manang, namiss talaga kita eh. Namiss ko yung mga niluluto mo? Kaya kita mahal eh."

"Salamat Nate, pero excuse me lang, kukuha lang ako ng detergent. Maglalaba ako."

Kumawala ako sa pagkakaakbay sa kanya at hinayaan na siyang kunin ang dapat niyang kunin. Nang makalabas na siya ng kitchen, biglang nanahimik.

*~kru kru kru~*

Tinignan ko si Kaye Anne. Shete, kahit hindi ako makatingin sa kanya, pilit ko pa ring chineck ang reaction sa mukha niya. Ugh, mukha pa rin siyang nagulat.

"Si Manang," basag ko sa katahimikan. Tumingin naman silang dalawa sa akin ni Ate Lie. "Mahal na mahal ko yun kasi kundi dahil sa kanya, hindi ako matututong magluto."

Narinig kong tumawa ng mahina si Ate kaya sinamaan ko siya ng tingin. Buti nadaan siya sa tingin. Kasalanan niya 'to eh. -__-

"K-kaye Anne..." Naiilang kong tawag sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. "Good morning."

Halata naman sa kanya na nawirduhan siya sa akin. Pati ako nawiwirduhan sa sarili ko eh. "M-Morning din..." Bati niya pabalik.

"Wushu! Baka naman pwede ka nang umupo dito, Kaye Anne? Masyado kang maganda para maging door frame." Singit ni Ate Lie at nakita ko pa siyang kumindat kay Kaye Anne. "Mapagmahal talaga yang si Nathan eh. As what you've heard, mahal na mahal niya si Manang. Hihihi!"

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. "May kukunin lang ako sa taas. Kumain na kayo dyan."

"Pakitawag na nga rin si Baby Darryl ko, Nathaniel." *u*

"Ge." And then I dazed off.

Ito ang pinakaepic na nangyari sa talambuhay ko. Shete!

***

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay binigyan kami ni Ate Lie ng isang oras para maghanda. Ipangangampanya kasi namin si Papa sa kabilang Sitio. Nagtalo pa kami Ate Lie dahil pilit akong sumasama sa grupo nila. Buti nalang tinulungan ako ni Kuya Darryl na mangulit sa kanya, kaya eto kami ngayon mahigit isang oras nang nangangampanya sa Sitio Uno. Nakakainis lang ang panahon ngayon! Napakainit! -__-

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Where stories live. Discover now