[12] Campaign

Magsimula sa umpisa
                                    

Natapos na rin kami sa pagluluto kaya ang ginagawa nalang namin ngayon ay hintaying magising ang mga tao dito sa bahay. Nakaupo ako kaharap ni Ate Lie sa dining area habang nagkukwentuhan pa rin.

Time check: Quarter to 8.

"Saan ba sila Mama at Papa?" tanong ko. Usually, maaga yun nagigising dahil nagjajogging sila sa Nayon, pero bat parang hindi pa yata sila gumigising ngayon?

"May breakfast meeting daw kasama ng partido nila. Nga pala, Nathaniel, mamaya na pala tayo mangangampanya. Dun kami sa Sitio Uno nila Kaye Anne, tapos kayo sa kabilang Sitio na."

"Eh bakit magkahiwalay? Sama-sama nalang tayo."

Humagikhik siya. Napapadalas ang paghagikhik niya ah. "Don't worry, hindi ko pababayaan ang bisita mo. Kailangan talaga nating maghiwa-hiwalay."

"Tch," humigop muna ako sa kape ko. "Hindi pwede. Basta sasama kami ni Kuya Darryl sa inyo."

Binelatan niya ako. "Tigas ng ulo mo. Bahala ka nga~~" Napansin ko namang bigla siyang nagseryoso ng tingin sa akin. At maya-maya lang ay ngumisi siya.

"Oh, ano na naman yang ngiting yan?" Naiinis na tanong ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Naglean forward pa siya sa akin at pinatong ang dalawang siko niya sa lamesa. "Napag-usapan namin ng asawa ko ang tungkol dito kagabi, Nathaniel. Medyo naguguluhan lang ako eh, kaya may itatanong ako sayo."

Bumuntong-hininga ako sa inis. "Kung anuman yan, huwag mo nang ituloy." +___+

"At bakit? Nacucurious lang naman ako. Concern lang naman ako sa kapatid ko." Tapos nagpout pa siya. Potek! Kinabahan tuloy ako.

"Ano ba yun? Naku Ate Nathalie, tigil-tigilan mo ako."

Nagpangalumbaba siya sa mesa at tinitigan ako ng diretso sa mga mata. "Last na ito, Nathaniel. After this, I won't bug you anymore. May napapansin kasi akong kakaiba." Huminto siya saglit at kinindatan ako. "Kayong dalawa ni Kaye Anne... Para kayong naglalaro ng taguan."

I snorted. "Taguan?"

Tumango naman siya. "Taguan ng feelings."

O_____O

Ipinunas ko ang palad ko sa noo ko. Pinagpapawisan ako ng butil-butil. Shet! "Ano ba yang pinagsasabi mo, Ate Lie?!?"

"Dali naaaaaa~ Secret lang naman natin ito eh. Ano na? Nakamove on ka na ba talaga sa kanya o hindi pa?" Nagpakawala pa siya ng buntong-hininga. "Haaayy... Pinanganak ka ba talaga para maging sawi sa pag-ibig? My poor little brother. Buti pa ako!"

Poor ka dyan. Nagkataon lang siguro na hindi pa tamang oras para magsettle down ako sa isang babae. Peste. =__________=

"I invoke my right against self-incrimination." Yan nalang ang sinagot ko.

Sumimangot naman siya at saka ako binatukan. Anak ng!

"Oo o hindi lang ang hinihintay kong sagot. Isang tanong, isang sagot," dumukwang pa siya sa lamesa at sinamaan ako ng tingin. "Nakamove on ka na ba kay Kaye Anne?"

"I have no response." =_____=

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano ka ba, Nathaniel? Simsimi ang peg? Ano na! Nakamove on ka na ba kay Kaye Anne? Yes or no? Why or why not?"

Lunok.

Kurap.

"Syempre hindi..." Diretsong sagot ko. Napangiti naman siya.

"At bakit hindi pa?"

"I invoke-----"

Pinaningkitan niya ako ng mga mata niya. "Nathaniel, isa! Sasagot ka ba o hindi?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon