CHAPTER 23

21.8K 196 12
                                    

CHAPTER 23

"She's my girlfriend!"

O_O ANO RAW?

Napatingin si Yuko sa kanilang manager. Mukhang nagustuhan nito ang kanyang nalaman. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Ken na nakangiti naman nang nakakaasar. Hindi niya maiwasang mapatingin sa iba pang empleyadong nakarinig sa sinabi ni Ken. Mukhang hindi makapaniwala ang mga ito. Ang iba ay mukhang naiinggit at ang iba naman ay mukhang gulat na gulat. Samantala, hindi naman maipaliwanag ang saya sa mukha ng kanilang manager.

"Ganoon ba, Mr. Lee? Sana ay sinabi mo kaagad para naman mas lalo naming naalagaan nang husto rito si Ms. Sy," sabi ng manager na lumapit pa sa kanila.

"Hahaha! Sorry Mrs. Yu. May tampuhan kasi kami nitong si PINK kaya naman hindi ko na nasabi," pagpapalusot naman ni Ken.

"Ay naku Ma'am Agnes! Nagbibi-" Itatanggi sana ni Yuko ang mga sinabi ni Ken.

"Naku Ms. Sy, sana ay mapatawad mo na itong si Mr.Lee. Magiging kliyente na natin siya. Teka, ang cute ng tawagan niyo ha, PINK?" tumatawa pang sabi ng manager ni Yuko.

"Sige po, aalis na po kami," nakangiting sabi ni Ken sa manager ni Yuko. Sapilitan nitong isinakay ang dalaga sa passenger seat ng kotse.

"Yaaaaah!!! Ano ba!!?" Gustong magwala ni Yuko sa loob ng sasakyan subalit naisip niyang baka mabangga sila pag ginawa niya iyon kaya naman nagtatatalak na lang siya habang nagmamaneho si Ken.

"Ano bang gusto mong palabasin? Nakakainis ka! Una sa subdivision, sumunod sa bahay namin, tapos ngayon pati sa OJT ko? Hindi mo naman gustong sakupin ang mundo ko 'no?! Baka pwedeng patahimikin mo naman ang buhay ko! NAKAKAINIS ka!" bulyaw niya sa binata.

Si Ken naman ay tila tuwang-tuwa pa. Tumatawa lang siya habang nagmamaneho. Kanina pa salita nang salita si Yuko pero hindi talaga niya mapigilang matawa sa rito. May pagkasadista rin kasi itong si Ken. Tuwang-tuwa siya kapag nagtatatalak at naiinis si Yuko.

"Bakit ka ba tawa nang tawa?" bulyaw ni Yuko.

"Hahahahahaha...Hahahaha...Hahahahahaha!!!!!!" Napahawak na si Ken sa kanyang tiyan dahil sa katatawa kaya naman itinabi na muna niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Pssssh!!!" Naubos na ang pasensya ni Yuko kaya bumaba siya sa sasakyan. Naglakad siya palayo subalit ilang sandali pa'y napagtanto niyang nasa NORTH LUZON EXPRESSWAY pala sila pauwi ng Bulacan.

(O_o)7 Paano siya papara ng bus sa NLEX?

"Waaaaaaaaahhhhhh!!!!!!" Napasigaw na lang siya sa sobrang inis. Eh kasi naman, wala siyang ibang choice kundi muling bumalik sa sasakyan ni Ken. Wala naman kasing humihintong pampasaherong sasakyan sa NLEX.

Labag man sa kanyang loob, bumalik na lang siya sa sasakyan ni Ken. Hindi pa rin tapos sa katatawa si Ken nang sumakay siya sa kotse.

"Kapag tapos ka nang tumawa, pwede bang umuwi na tayo?!" she said in a sarcastic tone.

"Nakakatawa ka kasi eh," sabi ni Ken na bahagya pa ring tumatawa.

"Huwag mo akong kausapin. Mainit ang ulo ko!" pagsusungit muli ni Yuko.

Maya-maya, may kinuha sa backseat si Ken at ipinatong iyon sa lap ni Yuko.

o____o

Hindi naman naiwasang tingnan iyon ni Yuko. Isa iyong stuff toy.

Pink na stuff toy! Actually, si PINK PANTHER iyon. Oh di ba, pati pangalan may PINK. Ok na sana, kaya lang pakiramdam ni Yuko ay inaasar na naman siya ni Ken. Ibinato niya iyon pabalik sa binata.

"Nang-aasar ka ba?" singhal niya kay Ken.

"Don't you like my peace offering?" He did a puppy eyes look with his lips pouting.

"Huwag ka ngang pa-cute! Is that a PEACE offering? BWISET!" pagtataray niya rito.

Napakamot sa ulo si Ken. Paano ba niya sisimulang paamuhin si Yuko? Kaya lang naman talaga niya binili 'yun dahil nacute-tan siya rito. Isa pa, paborito niya ito noong bata pa siya. Bihira kaya ang ganoong stuff toy!

"Tingnan mo nga..." Iniharap ni Ken ang stuff toy sa mukha ni Yuko. "Hindi ba siya CUTE? Maganda naman, di ba? Can we start all over again? LET'S BE FRIENDS, YUKO," sincere na pahayag niya.

Tumingin muna si Yuko sa stuff toy bago tuluyang tingnan si Ken.

'FRIENDS LANG?' sabi ng isip niya. Gusto niyang batukan ang kanyang sarili dahil sa naisip. Naisip niyang cute naman si Pink Panther at mukhang sincere naman si Ken pero sadyang naiinis pa rin siya.

"Eh bakit kanina pinagkakalat mong GIRLFRIEND mo ko, ha? Sa OJT place ko pa!" sabi niya rito.

"I did you a favour!" nakangiting sabi ni Ken.

"ANG KAPAL MO!" bulyaw ni Yuko sabay pingot sa tainga ni Ken.

"ARAAAAAY!" reklamo ni Ken na napahawak pa sa tainga niya. "It's not what you think! Ibig kong sabihin, mas gagaan ang intership mo! Lalo pa at nalaman nilang client nila ang boyfriend mo!" mabilis na paliwanag ni Ken. Tila natakot siya sa isang pingot lang ni Yuko.

Napaisip si Yuko. Ibig sabihin ba noon, goodbye paper works? Goodbye errand girl? Goodbye masusungit na empleyado!? HELLO MAGAANG TRABAHO?!

"Iyon naman pala eh! kapag hindi gumaan ang trabaho ko, patay ka sa'kin!" nakangiting sambit ni Yuko.

Napangiti na rin si Ken. "FRIENDS?" sambit niya habang nakalahad ang kamay.

"HINDI!" maikling sagot ni Yuko. 'AYOKO nang FRIENDS lang!' sigaw ng utak niya. >_< Impaktang utak yan! (_._-)

"Hangga't hindi ka pumapayag na magkabati tayo at magsimula ulit, hindi tayo aalis dito!" sambit ni Ken na mahilig mang-black mail. Inihiga pa niya ang kanyang upuan at saka inilagay ang magkabilang kamay sa batok sabay pikit.

"Adik ka ba? Matutulog ka?" sabi ni Yuko.

*NO RESPONSE*

"Hoy! Magdidilim na oh!" Tinapik ni Yuko si Ken sa balikat.

"Hoy!" Sinundot niya ang tagiliran nito. Napapitlag naman si Ken pero hindi pa rin dumilat.

"Aha! Malakas nga pala kiliti mo dyan!" bulalas ni Yuko at patuloy pang sinundot-sundot ang tagiliran ni Ken kaya naman napabangon na ito.

"ANO BA!!?" Galit si Ken?

"Umuwi na tayo!" singhal ni Yuko na tila pinapantayan ang galit ni Ken kung galit nga ba talaga ito.

"Hindi pwede! Hindi ka pa nakikipagkasundo sa akin!" katwiran ni Ken.

"OO NA! BATI NA TAYO!" Napilitan na si Yuko.

"TALAGA?" pagkumpirma ni Ken na halos abot tainga na ang ngiti.

"OO nga!" iritableng tugon ni Yuko dahil sa kakulitan ng kausap.

"Sige nga, kiss mo nga ako!" ani Ken na nakangiti pa rin sabay turo sa pisngi niya.

"Ayaw!" she shook her from side to side.

"Edi hindi tayo uuwi," sabi ni Ken na akmang hihiga na naman sana.

"O sige na! Sige na!" naiilang na sabi ni Yuko kaya naman napabangon muli si Ken.

"O sige dito, dali nang makauwi na tayo!" utos ni Ken na patuloy pa rin sa pagturo sa kanyang pisngi.

Naaasar talaga si Yuko kay Ken subalit may parte ng kanyang pagkatao ang tila na-miss ang kakulitan ng binata. Kinikilig ba siya? Ah hindi! Naiinis lang talaga!

Unti-unti nang inilapit ni Yuko ang labi niya sa pisngi ni Ken. ^ 3 (< __ < ) ......

Ayan, na malapit na... ^ 3 (< __ < )

Konti na lang... ^ 3 ( ^___^ )

AT BIGLANG HUMARAP SI KEN. "TSUP!" >//////<

"KENNY DONALD LEE!" sigaw ni Yuko.

LIKE I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon