CHAPTER 5

28.9K 410 41
                                    

“Ayihh! Ang landi mo, Yuko!" nagtiti-tili si Anya na lumapit kay Yuko as in pagbukas na pagbukas ni Yuko ng pinto ng kwarto niya ay sinugod na siya ng super friends niya.

"Mars! Ano? Anong nangyari?" Kilig na kilig din si Lenny na kulang na lang ay mapunit ang suot na damit ni Yuko sa kaha-hatak dito.

"Uwah!! Pahingi ng cornetto!" akmang kukuha ng ice cream si Rae sa supot na hawak ni Yuko pero bigla itong ini-iwas ng huli.

"Oy! Oy! Akin 'to lahat!" bulyaw niya sa mga ito. 

"Ang damot! Para sa amin naman talaga 'yan di’ba? Babayaran namin!" sabi ni Lenny.

"Hindi! Hindi na! binayaran 'to ni Ken my LABS! Kaya bawal niyo 'tong kainin!"

"Weh? Parang bente lang naman yung idinagdag ni KENNY ROGERS! Ang OA mo! Amin na nga yan!" hinatak na ni Anya yung supot!

 Kinagabihan ay hindi makatulog si Yuko. YES! May utang siyang Bente kay Ken! May dahilan na siya para malapitan niya ito. Nakangiti siya habang nakahiga. Nagpapagulong-gulong pa siya sa kama sa kilig. Naisip niya tuloy na kaya baka pina-utang siya ni Ken ay para magkausap pa sila nang madalas. Syempre kailangang bayaran ni Yuko yung bente. Pagkatapos ay magiging friends na sila, tapos magiging close friends, more than friends… boyfriend. Hay… hindi naman masama ang mangarap. Nasa ganoong sitwasyon siya nang biglang may nag-text.

From: 0916********

Virgin ka pa ba? =)

Halos lumuwa ang mga mata ni Yuko sa nabasang message. Grabe lang! Kung sino man 'yun, ang manyak niya. Walang magawa sa buhay kung hindi puro kabastusan. Hindi na lang iyon pinansin ni Yuko. Ilang minuto ang lumipas ay may nag-text ulit.

From: 0916********

Joke lang XD Thanks for the necklace. 

O____O Nanlaki ang mga mata ni Yuko sa nabasa.

Thanks for the necklace.

Sino ba naman ang magte-text ng ganyan eh isa lang naman ang pinagbigyan niya ng necklace na may number niya. Sinave niya ang number ni Ken bago siya agad nagreply. Nanginginig-nginig pa ang mga daliri niya sa sobrang excitement.

 To: Prince Charming

Una sa lahat VIRGIN pa po ako. Walang anuman po at sana isuot mo yung necklace =)

Kinikilig si Yuko kaya  nang masend niya iyon ay pagulong gulong siya sa kama niya habang nagingisay pa. At oo Prince Charming ang sinave niyang name ni Ken.

Nagreply agad si Ken.

From: Prince Charming

Oo ba susuotin ko.. Basta ba magpakilala ka muna eh. =)

Hindi agad nakapag-reply si Yuko. Matagal-tagal din niyang tinititigan yung CP niya. Magpakilala daw siya sabi ni Ken. Does she have the guts to do that? Nakakahiya naman kasi. Paano kung layuan siya nito kapag nalaman na siya iyon. Muling tumunog ang cp ni Yuko. Nag-text ulit si Ken.

Nandito ako sa playground ng subdivision.. if tama ang hula ko kung sino ka.. be here in 15minutes.. i'll wait for you..

Lalong kinabahan si Yuko. Like Oh My God! Does he know? At dahil nga hindi na makapag-isip ng matino si Yuko ay nagmadali siyang pumunta sa may playground ng subdivision nila. Nag-bike siya papunta roon kahit naka-pajama siya at malalim na ang gabi. Pagdating niya doon ay nakita niya si Ken na nakaupo sa dulo ng slide.

"Sabi na ikaw yun eh.. " sabi ni Ken nang makalapit si Yuko sa kanya. Inihinto ni Yuko ang bike at bumaba siya ng nakayuko. Hiyang-hiya siya, pakiramdam niya anytime ay kakainin siya ng lupa. 

"Ah eh oo ako nga.. " yun lang ang nasabi ni Yuko. Grabe sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso niya.

"Ok thank you. Siya nga pala, bukas sabay na tayo pumasok sa school ha." yun lang ang sinabi niya at umalis na ito sa harapan ni Yuko. Ginulo pa nga ni Ken ang buhok niya. Naiwan si Yuko na tulala habang pinapanood ang paglayo ng gwapong si Ken sa kanya.

Group message to: Anya, Lenny and Rae

OMAHGASH!! Today bumili ako ng cornetto at dinagdagan ni Prince Charming ang pera ko.Tapos nakipagkita si sleeping beauty sa kanya sa playground! MGA IMPAKTA! Hindi ako sasabay bukas huwag nyo na kong hintayin!Sabay kami ni Prince Charming! I’m so kileg! Emegerd!

Tulad nga ng napag-usapan nina Yuko at Ken, kinabukasan ay nagkita sila sa main gate ng subdivision. Wala silang imikan hanggang sa dumating ang Jeep. Naunang sumakay si Yuko at siyempre nakasunod naman si Ken. Magkatabi pa sila sa Jeep tapos ay nilibre pa ni Ken si Yuko ng pamasahe.  

"Dumarami na ang utang ko sa’yo ah...” biro ni Yuko sa kanya. Tamang pa-cute lang ang loka sa tono ng pananalita. Kasi naman kanina pa sila walang imikan. Ang awkward tuloy!

"Sus... sige ilista mo lang sisingilin din kita balang araw...” nakangiting sabi sa kanya ni Ken. Yung ngiti niya hindi katiwa-tiwala eh. Hehe bakit ba kung ngumiti itong si Ken parang akala mo may halo laging malisya?

"Ma bayad po makikiabot...” sabi ng ale tapos nagkasabay pa sina Ken at Yuko na abutin iyon kaya naman nagkahawakan sila ng kamay pero sa huli ay si Ken pa rin ang nag-abot ng bayad ng ale kay manong jeepney driver.

Kinikilig naman nang Bongga si Yuko. Padami nang padami ang pasahero ng Jeep kaya naman lalo silang nagkakadikit. Kung noong una silang nagkasabay sa jeep ni Ken ay inip na inip si Yuko sa tagal ng biyahe, ngayon naman ay ipina-panalangin niyang magtagal pa sila sa Jeep. Na sana ay traffic! Akalain n'yo nga naman at tila narinig ni Lord ang munting hiling niya.

"Tsk! Male-late na tayo... " naiinip na sabi ni Ken, panay ang tingin nito sa wristwatch na suot.

"Ay oo nga.. "

"May balat ka ba sa puwet?" biglang tanong ni Ken kay Yuko.

"Wala kaya, adik 'to... " nahihiyang sabi ni Yuko kahit ang gusto niya talagang sabihin ay:

Gagong 'to ah! Wala! Nanalangin lang ako na sana trapik! Masama ba yun?!

"Tsk! Maglakad na lang tayo malapit na naman eh. May quiz pa naman kami." tapos ay naunang bumaba si Ken kaya sumunod naman si Yuko.

Habang daan ay nauunang maglakad si Ken. Nakasunod lang si Yuko. Pinagpapantasyahan niya kasi ang batok ni Ken.  (♥__♥)  Hahahaha! Joke lang! Napakabilis kasing maglakad ni Ken, long-legged kasi eh. Napaisip tuloy si Yuko. Dati kayang kabayo si Ken? Napakagwapong kabayo naman ‘non kung nagkataon. Pero ayos lang at least, araw-araw niyang masasakyan. Napatawa si Yuko sa mapaglarong pag-iisip niya. Hindi niya tuloy napansin na nawala na pala si Ken sa harapan niya kaya napahinto siya at lumingon sa paligid. Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya bumalik sa dating anyo niya si Ken? Baka naging kabayo na ulit? Paano na siya ngayon? Oh my… Ano na lang ang sasabihin niya sa mga kaibigan niya? Na may crush siyang kabayo? Psycho na kabayo? 0_0

"Oy! Bilisan mo maglakad!" Napatalon pa si Yuko sa gwapong boses na sumigaw sa kanya. Si Ken lang naman pala. Mabuti naman at tao pa siya. Napaka-gentle horse naman kasi eh, kung hinihintay niya kaya si Yuko sa paglalakad? Nakita niyang may kasama na itong isang lalaki na malamang ay kaklase nito. Gayun pa man ay napangiti si Yuko at binilisan ang lakad papalapit sa dalawa pero agad napawi ang ngiti niya.

"Oh sino yan, Ken?" tanong ng lalaki. Ang bastos lang makatanong eh. Panget naman.

"Wala kapitbahay LANG namin..." Oo nga naman, kapit-bahay lang. Pakiramdam ni Yuko ay bahagyang may kumurot sa puso niya sa narinig.

LIKE I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon