CHAPTER 1

64K 707 56
                                    

"Yuko! Nasaan na yung pinabibili kong aluminum foil? Kanina ko pa iniutos iyon sa'yo ah!" 

Mula sa pagkakasalampak sa kama ay napabangon agad si Yuko. Nakakainis lang kasi, Nabitin ang pagkakilig niya sa pinapanood na Korean Drama.  

"Opo! Saglit lang po." Ganting sigaw niya habang kakamot-kamot ng ulo. Tsk! Bakit ba kapag naiinis tayo ang ulo natin na hindi naman talagang makati ay kumakati? Lalo na kapag inuutusan tayo ng mga nanay natin? Pero bago natin alamin ang sagot dyan ay unahin muna natin ang aluminum foil na pinabibili ng nanay ni Yuko. Mahirap na at baka tuluyan siyang Bumingo!

Nagmamadaling lumabas si Yuko sa maingay nilang gate. Dahil na nga sa pagmamadali ay naipit pa ang paa niya dito.

“ARAY!” Panira lang ng poise ang pesteng gate. Baka mamaya nagalusan pa ang makinis at maputi niyang legs. Pero sa awa ng Diyos, wala naman. Kaya naman walang habas niyang sinipa ang gate nila. Nang-a-ano kasi eh! Lumikha iyon ng mas malakas na ingay. Magmamadali na sana siyang maglakad papunta sa tindahan ng mahagip ng singkit niyang mga mata ang isang binata. Naks! Binata talaga. Bumibili ito ng Ice Cream mula sa naglalako. Nagtama ang mga mata nila. Hindi literal ha. Nagkatinginan lang sila na akala mo ay sila lang ang tao sa buong street. Naging pink ang paligid at may purple fireworks pa sa background ng binata. Lakas lang maka-ulol ng imagination ni Yuko pero talagang iyon ang nakita niya. At ang dibdib niya. Diyos ko! Bakit sya ninenerbyos? 

Naglaho ang mga fireworks pati na rin ang pink background ng mapansin ni Yuko ang hindi kaaya-ayang reaksyon ng binata. Nagpipigil kasi ito ng tawa. At teka? Siya pa yata ang pagtatawanan nito. Ay Grabe! Pesteng lalaki. Gwapo sana pero medyo bastos. Kaya naman inirapan ito ni Yuko at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Sa araw na iyon ay kakalimutan niyang may nakita siyang antipatikong lalaki. Nakakasira lang kasi ng araw!

Iyan si YUKO GAIL SY. Senior Highschool sa St. Benedict Academy. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang panganay. Simpleng highschool student lang siya. Hindi siya belong sa mga famous groups sa school. Hindi kabilang sa mga kikay girls na kulang na lang ay magmukhang espasol ang mukha sa kapupulbo tuwing recess. Hindi siya belong sa Nerd group na kulang na lang ay isubsob ang mga mukha nila sa kababasa ng mga libro at mas lalong hindi siya kasama sa grupo ng mga gangster. Hindi iyon keri ng kagandahan niya. Chos!

"YUUUUUUKOOOOOOOO!!!!!!!! "

Napatalon siya sa tawag ng isa sa mga kaibigan. Si Anya iyon, taga-roon din sa subdivision nila. Nagbibisikleta ang gaga. Pero teka? Kailan pa siya natutong mag-bike?

"WAAAAHHH! I-preno mo!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ni Yuko. Masasagasaan na kasi siya ni Anya. Mabuti na lang at sa poste ng kuryente bumangga ang loka-lokang kaibigan niya.

“Aray!” reklamo pa nito. “Ang hirap pala mag-bike! Ayoko na n'yan!” Pagmamaktol nito.

“GIRLS!!!! " Sabay na napalingon sina Yuko at Anya sa direksyon ng sumigaw. Si Rae, isa pang kaibigan ni Yuko. At teka? Paano naman nakarating ang isang ito sa subdivision nila eh taga kabilang subdivision ito? Malamang may dala na naman itong epektos para sa barkada.

"Mga MAAAAARRRRRRSSSSS!" Talaga nga naman! I-dagdag pa itong si Lenny. Kumpleto na ang Super Friends! Napangiwi si Yuko. Ang sakit sa ulo ng mga kaibigan niya! Pero bago niya makalimutan ang aluminum foil, iyon muna ang uunahin niya. Mahirap na at baka makatikim siya sa mommy niya.

“Mga bruhang 'to! Sandali inutusan ako ni mommy! Chilax lang kayo d'yan!”

“Nandiyan ang mommy mo? Eh Linggo ngayon ah?” napakamot pa ng ulo si Anya.

"Oo nga! Hindi ba sila pupunta sa bahay ng lola mo ngayon?" -Lenny

"Tsk sayang! May dala pa naman akong epektos ngayon!"  Napa-pitik pa sa hangin si Rae. Teka babae po si Rae ha. Tama nga ang hinala ni Yuko. Kaya naman pala narito ang mga bruha dahil sa epektos ni Rae.

LIKE I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon