CHAPTER 22

22.4K 192 40
                                    


CHAPTER 22

"Ano ba!?" inis na sigaw ni Yuko kay Ken. Paano ba naman, feel na feel niya 'yung music na pinakikinggan niya nang biglang tanggalin ni Ken ang earpiece sa kaliwang tenga niya para lang bulungan siya ng walang kwentang bagay. Bakit ba naman kasi pink nang pink itong si Ken? Hindi kaya bakla siya?

Nginitian lang nang nakakaloko ni Ken si Yuko at saka siya nito inakbayan kaya naman bigla siyang nailing rito.

"Pink! Hatid na kita sa school mo. Baka mamaya, liparin yang maikli mong palda, makita pa yang pink panty mo," pang-aasar ni Ken.

Inis na tinanggal naman ni Yuko ang napakabigat na braso ni Ken sa kanyang balikat. Tama bang pagpatungan ng mabigat nitong braso ang maliit niyang katawan?

"Lumayo ka nga!" inis na sabi ni Yuko.

Kaya naman lumayo ng ilang hakbang si Ken sa kanya. "Sabi mo eh!" saad pa nito. Pilosopo lang!

Asar na asar namang tumingin si Yuko sa kanya. Masunurin naman pala itong si Ken eh.

"Now go away! Shuuuu! Shuuuu!" Lalo pa siyang itinaboy ni Yuko.

Muling lumapit si Ken sa kanya at nagkadikit ang kanilang mga braso kaya lumayo nang bahagya si Yuko rito. Subalit sadyang makulit si Ken kaya patuloy pa rin itong lumapit sa dalaga.

"I said, go away!!! Chupi!!!" inis na bulyaw ni Yuko.

"Ano ako, aso?" pamimilosopo ni Ken habang nakangisi.

Sa totoo lang, hindi alam ni Ken kung ano ang tamang approach na gagawin niya kay Yuko. Tandang-tanda pa niya nang sabihin niya rito ang mga katagang, 'let's start again' dalawang taon na ang nakararaan, na sinagot naman ni Yuko na hindi pa iyon ang tamang oras para sa kanila.

Kailan nga ba ang tamang panahon para magsimula muli silang dalawa? Gusto niyang simulan ang lahat nang tama subalit sadyang napakailap ni Yuko. Marahil ay hindi nagugustuhan ni Yuko ang paraan ni Ken ng pagkuha ng kanyang atensyon. Subalit kaya naman iyon ginagawa ng binata ay dahil gusto lamang niyang ibalik ang mga panahon kung saan bago palang nagsisimula ang lahat sa kanila ni Yuko. He just want to REWIND everything and make things right! Pero ano nga ba ang dapat niyang gawin?

"Oo, isa kang aso sa paningin ko. I HATE DOGS! Kaya shuuuu! Chupi! Doon ka!" habang itinutulak siya ni Yuko palayo.

"ANG GWAPO KO NAMANG ASO!" confident na sagot ni Ken habang pilit na lumalapit kay Yuko.

"GWAPO your face! Mukha kang bakla! PINK ka nang PINK! Kaya siguro lagi kang naka-pink kasi BAKLA ka na ano?! GAY!" bulyaw ni Yuko sa binata. Eh kasi naman, PINK ng PINK itong si Ken. Wala ba siyang ibang alam na kulay? PINK lang talaga? Tapos naka-PINK na polo na naman siya ngayon. So redundant.

"Bakla pala ah. Gusto mo bang patunayan ko sa'yong hindi ako bakla? Ilang beses mo bang gustong patunayan ko sa'yo yun?" sabi ni Ken na ngumisi pa nang nakakaloko. Nagsimula nang kumulo ang dugo ni Yuko. Sari-saring memories kasi ang nagbalik sa isip niya. Namumula na ang mukha niya habang si Ken naman ay patuloy pa rin siyang pinagtatawanan.

"Joke lang," bawi ni Ken sa kanyang sinabi. "Pink, let me introduce myself to you," seryosong saad ni Ken. Pumorma pa ito na tila ba talagang nakikipagkilala. "My name is Kenny Donald Lee. But you can call me Ken. I hope we could start all over again," nakangiting sabi ni Ken na inilahad pa ang kamay. Subalit tiningnan lang siya ni Yuko mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bigla-bigla na lamang niyang inalisan si Ken at sumakay sa nakahintong bus.

Naiwang nakatanga si Ken. Wala na siyang nagawa kundi ang tanawin na lamang si Yuko mula sa malayo. Tila nababaliw na siya sa kaiisip kung sa paanong paraan hindi na magiging mailap ito sa kanya.

All this years, siya lang, si Yuko lang ang tanging laman ng puso niya. Ginawa ni Ken ang lahat para lamang matanggap muli siya ni Yuko sa mula nilang pagkikita. He worked so hard. Pinatunayan niyang hindi na siya tulad ng dati. Napalago niyang muli ang kompanya ng kanyang Mama na malapit na sanang malugi. Hanggang sa unti-unti niyang naibalik ang mga bagay na nawala noon sa kanila dahil sa kanyang ama. At ngayon, nagtatrabaho naman siya habang nag-aaral.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Yuko nang sabihin sa kanya ni Ken na gusto nitong magsimula muli sila. Natatakot masaktan si Yuko. Ayaw na niyang pumasok sa isang relasyon. Marahil ay na-trauma na siya. Pagkatapos babalikan siya ni Ken? Hindi kaya gusto lang nitong gumanti sa kanya? Hindi pa rin ba siya napatawad ni Ken? Patuloy pa ring ginugulo si Yuko ng mga katanungan sa kanyang isip.

***

Dalawa na lang ang subject ni Yuko at nagsisimula na siya sa kanyang OJT. Napili niyang maging intern sa isang paper company.

"Ms. Sy, pakidala naman ito sa office ni Ma'am Agnes. Nandoon na ang client natin," utos ng isa sa mga empleyado roon.

"Ok po," sagot naman ni Yuko. May mga empleyado talaga na nagiging tamad kapag may nag-o-ojt. Sa katunayan nga 'yung ipinahahatid kay Yuko ay si Yuko rin ang gumawa. Flash drive iyon na naglalaman ng power point presentation.

Bago pumasok ay kumatok muna si Yuko. Pinagbuksan naman siya ng secretary ng kanilang manager. Nadatnan niya ang kliyente na naroon. Nakatalikod ito sa kanya dahilan para hindi niya makita ang mukha nito. Maya-maya'y dahan-dahan itong lumingon sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Yuko, gayundin ang kanilang kliyente. Dahil hindi makapaniwala sa kanyang nakita, kinusot pa ni Yuko ang kanyang mga mata bago muling tumingin sa nasa harapan niya.

'PAMBIHIRA! Anong ginagawa ng bading na iyan dito? Siya 'yung kliyente? Seriously? Weeehhh...di nga?' sa isip ni Yuko. Tiningnan niya si Ken mula ulo hanggang paa. Si Ken naman ay tila tuwang-tuwa pa sa kanilang pagkikita.

"Oh Ms. Sy? What brought you here?" tanong ni Ma'am Agnes.

"Ah...Ma'am, pinadala lang po ito ni Ms. Beverly," paliwanang ni Yuko habang iniaabot ang flash drive sa manager nila.

"I see. So, ikaw ba ang magpe-present nito hija?" tanong ng kanyang manager.

"That's great! Let's start right away," pormal na sambit ni Ken.

"Ay naku hindi po. Hindi po ako!" pagtanggi ni Yuko habang umiling-iling. Tiningnan niya nang masama si Ken.

"Really? Too bad I have a meeting with the other company later. I might not able to wait for Mrs. Yu," sabi ni Ken sa manager.

"No. Ms. Sy will discuss it." Pinanlakihan ng mata si Yuko ng kanyang manager.

"Ok." Napayuko na lang siya. 'Intern pa lang ako! OJT pa lang 'to! Bawal dapat ito ah!' Nagsusumigaw ang isip niya. Masyado kasing gahaman sa kliyente ang kanilang manager.

"Great!" nakangiting sambit ni Ken.

Nilakasan ni Yuko ang kanyang loob habang isinasagawa ang presentation. Nang matapos siya ay agad na rin siyang nagpaalam. Inis na inis siya kay Ken dahil wala na itong ibang ginawa kundi ang magtanong nang magtanong na tila ba nananadya talaga. Mabuti na lamang at si Yuko mismo ang gumawa ng presentation kaya kahit papaano ay alam niya ang kanyang mga sasabihin.

***

Pauwi na si Yuko. Nasa tapat siya ng kanilang opisina at nag-aabang ng taxi nang ilang saglit pa'y may isang pamilyar na kotseng huminto sa harapan niya.

"HOP IN!" sabi ng driver na walang iba kundi si Ken.

Hindi ito pinansin ni Yuko. Nakatingin lang siya sa malayo. Maya-maya ay bumaba na si Ken at sapilitan siyang pinasakay sa kotse.

"Ayoko nga sabi eh!" pagmamatigas ni Yuko.

"Ms. Sy?" sabi ng isang empleyado na kalalabas lang mula sa opisina. Marami silang magkakasama kabilang na ang kanilang manager. Binati rin nito si Ken.

PATAY!

"Mr. Lee? Do you know her personally?" tanong ng manager nila.

"She's my GIRLFRIEND," nakangising tugon ni Ken.

ANO RAW?

LIKE I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon