CHAPTER 6

28.9K 344 48
                                    

 

GM: Minsan ang sakit umasa, lalo na kung akala mo may halaga ka sa kanya. Pero para pala sa kanya, isang kapit-bahay ka lamang. </3 #Brokenheartedakowalangmaypake

Nagpasa ng group message si Yuko sa mga kaibigan niya. Pero dahil nasa school sila ay hindi through text kundi through NOTE - as in ballpen at papel. Pinasa ni Yuko ang notebook kay Rae. Binasa iyon ni Rae at natawa pa ito. Parang gaga naman kasi si Yuko maka-hashtag eh. Matapos magsulat ni Rae ay ipinasa niya ito kay Anya, nagsulat din si Anya at huli kay Lenny nagsulat din ito. Nang makabalik kay Yuko ang papel ay binasa niya ang mga sinulat ng mga kaibigan niya dahil alam niya na maasahan ang mga ito at siguradong susuportahan ang kalokohan niya.

Kulang ka lang sa epektos!—Rae

Halayin mo na lang yan para mapikot mo na =p—Anya

Korek!-____-‘—Lenny

 Ok, so binabawi niya muna ang mga naisip niya patungkol sa mga kaibigan niya. Mga siraulo -____-…bulong ng nag-uumapaw na kagandahan ng kanyang kunsensya. Sabagay, kapitbahay nga lang naman kasi niya si Ken. Kapitbahay nga ba? Eh taga kabilang Street kaya iyon? Psh. Sa isa’t-kalahating oras na pagtuturo ng kanilang Physics teacher ay walang naintindihan si Yuko. Well except na lang sa Newton’s third law of motion: For every action there is an equal and opposite reaction. Maihahambing kasi ito sa kinalalagyan niya ngayon, kahit pa hindi literal na action iyon katulad din iyon sa damdamin. She likes him but it seems like, she’s the only one who have that kind of pagnanasa sa kanya. Parang third law of motion, hindi equal kundi opposite ang reaction ng chemistry nilang dalawa. In-short hindi sila bagay. Bukod kasi sa may ka-it’s complicated na si Ken, alanganin pa ang hitsura nito sa kanya, gwapo kasi ang lintik! Napabuntong hininga na lang si Yuko nang tumunog ang bell. Hudyat na lunchbreak na nila at as usual tumambay sila sa benches na nasa garden ng school nila. Hindi naman mainit dahil may shed sa inuupuan nila. Dating gawi rin, may hawak silang libro habang nagmamasid. MatangLawin!

"Uy si Mc Donalds oh!" inginuso ni Anya si Ken. 

Talaga naman itong si Anya! Kailan lang Kenny Rogers ang tawag niya kay Ken, minsan nga pugad pa dahil umano sa gulo-gulong makapal na buhok nito. Nakakainis lang kasi kahit walang ka-effort effort sa pag-aayos ng buhok ang lalaking iyon, gwapo pa rin. Tss. 

Umayos ng upo si Yuko. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Ken kaya nginitian niya ito nang bahagya pero nag-iwas kaagad ito ng tingin sa kanya! AS IN HINDI SIYA PINANSIN! Deadma! Invisible! Does not exist! Kung pwede lang noong mga oras na iyon ay kakalbuhin niya talaga ang lalaking ito. Parang hindi sila magkasabay pumasok kanina lang ah. Nakaka-gago lang kasi.

"Ano yun?" inis na anas ni Rae.

"Jino-joke ka ata no’n eh! Pigilan mo ko, Mars! UUPAKAN ko yan!" akmang tatayo pa si Lenny nang itulak naman ito ni Anya. 

"Sige go! Sige kaya mo yan! Fighting!" sabi pa ni Anya nang tinulak niya ito.

"Aray ko naman! Ay sorry!" may nabunggo kasi si Lenny. Yung CRUSH lang naman niya! Si Clor! Parang nanigas si Lenny sa kinatatayuan niya lalo na nang sabihin ni Clor na. “Okay lang…” ok lang daw! Pwede bang bunggo pa one more?

"Shit Anya! Ulitin mo ulit ‘yon! Kayahhh na-chansingan ko si Clor! Omg!" halos mangisay si Lenny sa kilig habang panay ang hampas kay Yuko.

"I'm Jealous! Hoy! Itulak mo din ako pag dumaan si Vince!" singit ni Rae.

At iyon na nga ang ginawa nila. Pati si Yuko naki-join na rin kaya nawala na sa isip niya na dapat nga pala ay EMO ang mood niya noong araw na yon. Kahit pa paano crush pa rin naman kasi nya si Jack, hindi nga lang katulad ng pagkagusto niya kay Ken.

LIKE I DOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon