Chapter 3: The First Time We Met

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayokong uminom." pagtanggi ko sa kanila. Iniisip ko kasi na baka maamoy ako ni lola pag-uwi. Alam kong maghihintay iyon sa akin kahit anong oras pa ako umuwi. Tumakas na nga lang ako sa pag-aalok niyang kumain kami ng sabay ngayong gabi, tapos malalaman pa niyang nag-inom ako sa labas ng walang paalam sa kanya. Magagalit iyon sa akin.

"KJ ka naman Scyde, minsan na nga lang e. Dali na bro." nakikiusap na sabi ni Rhenz.

"Oo nga bro, namiss ka lang talaga namin diba Rhenz?"

"Tama bro." pag sang-ayon ni Rhenz sa sinabi ni Jeronne.

"Mga pahamak kayo sa buhay e noh?" sabay batok sa mga 'to.

"Hahaha. Dali na. Iinom na yan." tsk. Ang pilit. Pero sa dami ng nangyari sa akin ngayon, naisip ko na uminom na nga lang din sa mga oras na 'to. Dahil simula ngayon, wala ng pipigil sa mga gusto ko. Kahit umuwi man ako ng hating gabi, ayos lang. Magalit man ang lola ko, papatawarin din nun ako agad. At kinabukasan, limot na niya iyon. Hindi katulad ng mga magulang ko na kahit kaunting pagkakamali ko, sermon na agad ang habol ko na para bang ang laki ng kasalanang nagawa ko.

"Sige na nga. Pero konti lang." pagpayag kong sinabi sa dalawang iyon.

"Yan ang gusto namin sa'yo bro! Hahaha!" pang-uuto naman ni Rhenz sa akin. Ibinigay nila sa akin ang baso ng beer na iyon, kumuha sila ng kanila at sabay-sabay kaming uminom.

"Cheers for Scyde!"

"CHEERS!"

1 hour later. Habang unti-unti na akong nakararamdam ng hilo sa mga oras na iyon, ay patuloy pa rin kami sa pag-uusap ni Rhenz at Jeronne na kahit nakailang baso na sila ng beer ay parang wala paring epekto sa kanila. Ganun din naman ako. Kahit uminom ako ng marami ay alam ko pa rin naman ang mga ginagawa ko dahil kaya ko pa rin namang kontrolin ang sarili ko. Siguro nasanay na ang katawan ko dahil na rin sa madalas kong pag-iinom dati. Nakaramdam lang siguro ako ng pagkahilo dahil sa pagod ko sa biyahe kanina pauwi at dahil na rin sa buong araw na akong hindi kumakain. At ang midnight snack ko pa ngayon ay beer. Lupet diba? Bakit hindi ako magpakamatay?

"Ayos ka lang Scyde?" tanong ni Jeronne na nasa aking kaliwa nang mapansin niyang natahimik ako sa aking kinauupuan.

"Oo naman bro. Ako pa." pagmamalaki kong sinabi sa kanya kahit ang totoo ay nakararamdam na ako ng pagkahilo sa mga oras na to.

"Sige, sabi mo eh." sabay tagay nito ulit. Maya-maya ay nagtanong sa akin si Rhenz na nasa aking kanan naman ng mga bagay-bagay na interesadong-interesado kaming tatlo. Nangingiti na naman tuloy ako sa mga oras na yun.

"Bro, kamusta pala ang koleksiyon mo?" tanong ni Rhenz sa akin. "Nadagdagan ba matapos ang relasyon mo dun sa ex mong ikaw ang nagoyo? Haha!" pang-aasar muli nito sa akin.

"Shut your stupid mouth Rhenz!"  naiiritang sigaw ko sa tukmol na 'to."Ayoko nang balikan pa iyon kaya 'wag na 'wag mo nang babanggitin pang muli ang tungkol dun!" sabay lagok kong muli ng basong punung-puno ng beer.

"Sorry bro, easy ka lang. Nagtatanong lang naman ako e." sabay akbay nito sa balikat ko.

"Wala! Wala akong bagong girlfriend ngayon! O masaya ka na ha?!"

"Bro naman ... wag masyado mainit ang ulo." pagpapakalma sa akin ni Jeronne.

"Oo nga Scyde. Pare-pareho lang naman tayong walang girlfriend ngayon e."

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon