Kabanata 6
Sabrina pov
Pagkagising ko ay agad akong bumaba
Rinig na rinig ko naman ang pagkukulitan nina Kuya pati na rin nina May at Kel
" Oh Anak ok lang ba ang tulog mo? " tanong ni Mama
" Ok lang naman po " sagot ko
" Maghilamos ka muna at magmumog para makakain ka na rin " Mama na hinahanda ang mga pagkain sa lamesa
" Good morning Mommy " bati ni May
" Good morning din " sagot ko naman
" Mommy bakit parang namamaga po yata mata nyo? " tanong ni Kel
" Siguro kinagat ng ipis nyan " singit naman ni Kuya
" Oy hindi noh "
" Eh bakit namamaga yang mata mo? "
" Anu ka ba Kyle huwag mo ng asarin ang kapatid mo " suway ni Mama kay Kuya
" Sige Ma, maghihilamos na po ako "
" Bilisan mo lang "
Pumunta na ako ng lababo at naghilamos na ng mukha
Pagkatapos kong maghilamos ay nagmumog na ako
Matapos kong maghilamos at magmumog ay umupo na ako at kumain na kami
" Ma si Papa pala nasaan? " tanong ko
" Maagang umalis "
" Bakit saan pumunta? "
" Kukunin yung sweldo "
" Bunso wala ka pa rin bang nahahanap na trabaho? "
" Wala pa, alam mo naman na kakatapos ko lang ng pag-aaral "
" Ate pwede ko bang hiramin yung Ipod? " tanong ni Sam
" Pwede kasu walang tao sa bahay " sagot ko
" Edi papakuha ko kay Kuya " sagot naman ni Sam
" Ayos ah ako pa ang inutusan mo "
" Bilis na Kuya, para naman may magawa kami ngayon ni Sabrina at Lance "
" Sige na nga basta para lang sa mga cute kong pamangkin " Kuya sabay kurot sa pisngi nina May at Kel
" Tito masakit po " reklamo naman ni May
" Sorry "
" Itigil nyo na nga ang pagsasalita at kumain na lang tayo " suway ni Mama
Tahimik lang naman kaming kumain
Matapos kong kumain ay agad kong iniligpit ang pinagkainan
Nagsipilyo naman ako kaagad at naligo
" Oh Anak may lakad ka ba ngayon? " tanong ni Mama habang naghuhugas ng mga pinggan
" Opo pero saglit naman po ako "
" Saan ba yan? "
" Basta po, sige Ma magbibihis lang ako "
" Ah sige "
Umakyat na ako sa kwarto ko
Buti na nga lang at may mga naiwan pa akong damit dito
Matapos kong magbihis ay bumaba na ako
" Mommy saan ka po pupunta? " tanong ni Kel
" May gagawin lang muna saglit si Mommy kaya magpakabait muna kayo kay Lola "
![](https://img.wattpad.com/cover/3728355-288-k190769.jpg)
YOU ARE READING
Girlfriends vs. Boyfriends Book 1 & 2 (On-going)
Teen FictionBook 1 - asaran na nga lang ba ulit o mauuwi ulit ito sa mga sweet moments nila ?? kwento ng limang babae at lalaki na mahilig magbanatan o sabihin natin mahilig mag-asaran Book 2 - magkakabalikan na nga ba? o kailangan pa nilang dumanas na isang pa...