Kabanata 8
" anu ba yan ang pangit naman " ako sabay punit ng papel at tapon sa basurahan
sophie pov
oo nga pala, nagdrarawing ako ng cartooning para sa journalism
pinaassignment kasi sa amin ni mam tabon na kaming lima ay dapat gumawa ng napili namin category
eh dahil sa marunong naman akong magdrawing ay pinili ko yung editorial cartooning
kaya ito ako ngayon nagpapakahirap na pagandahin yung drawing
pero hindi ako marunong maglagay ng parang shadow nya
hay naku sa labas na nga lang ako gagawa sakaling gumanda yung gawa ko
tumayo ako sa kama at binitbit ko yung malaki kung notebook syempre kasama din ang lapit at pambura
lumabas ako ng bahay at naglalakad papunta ng park
meron kasing malapit na park sa lugar namin " mini park " lang naman yung tawag dun
after ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin ako
umupo muna ako dun sa bench na kung saan ay malaking fountain ang nasa harapan ko
pagkaupo ko ay nagsimula na akong magdrawing
hanggang sa may mapansin akong lalaking nakatayo sa may fountain na pamilyar yung mukha at parang nagdrarawing din sya
habang nakatingin ako dun sa lalaki ay kusang gumagalaw yung kamay ko na parang akala mo may magic
basta nagsisimula na ako magdrawing habang pinagmamasdan ko sya
napansin ko naman na bigla syang lumingon kaya iniyuko ko yung ulo ko at tinignan ko yung gawa ko
pagtingin ko sa gawa ko ay ito lang naman ang reaksyon ko
O_O sino ba namang hindi magugulat sa drawing ko
" omg bakit ganito? " tanong ko sa sarili ko
paano kasi yung nadrawing ko ay yung lalaking nakatayo sa fountain
" ako yan ah " yung lalaki sa fountain
" ah.... hindi noh " pagdedeny ko
" asus kunwari ka pa eh ako lang naman yan eh " sya sabay kuwa dun sa notebook ko
" akin na nga yan " pilit kung kinukuwa yung notebook pero hindi ko makuwa dahil nilalayo nya sa akin
" tignan mo nga oh, parehong-pareho " sya na tinapat yung notebook ko sa may fountain na parang pinagkukumpara nya
malamang pareho talaga yan, drawing ko yan eh
" hindi kaya " pagdedeny ko pa rin
" hindi pero kuwang kuwa mo nga, pati ako nagawa mong idrawing " sya na pinagmamasdan pa rin ang drawing ko
ako naman biglang tumigil sa pang-aagaw sa kanya, nakaramdam kasi ako ng hiya
" oo na " sagot ko
" imbis na ginagawa mo yung pinapagawa sayo ay kung anu-ano yung ginagawa mo " sya sabay abot sa akin nung notebook ko at kinuwa ko naman ito
" eh ano ba kasing ginagawa mo dito? " pagtatanong ko
" edi gumagawa din " sagot naman nya
" eh bakit dito? "
![](https://img.wattpad.com/cover/3728355-288-k190769.jpg)
YOU ARE READING
Girlfriends vs. Boyfriends Book 1 & 2 (On-going)
Teen FictionBook 1 - asaran na nga lang ba ulit o mauuwi ulit ito sa mga sweet moments nila ?? kwento ng limang babae at lalaki na mahilig magbanatan o sabihin natin mahilig mag-asaran Book 2 - magkakabalikan na nga ba? o kailangan pa nilang dumanas na isang pa...