2 - Crying

1.2K 52 2
                                    

kabanata 2

Caxzhie pov

siguro naman pinakilala na ako ni Sabrina sa inyo, oo nga pala ang basa sa name ko ay "Cacy"

matapos yang sabihin na kawawa ako at napaiya ako ay nagpaalam ako kay ma'am lalabas muna ako

pupunta sana ako sa cr pero habang papunta ako ay nararamdaman kung may pumapatak na luha galing sa mga mata ko, hindi ko alam kung bakit

basta naiiyak na lang ako dahil galing mismo sa kanya ang salitang iyon, shit naman oh pinagmumukha ko lang talaga na kawawa ako

pero anong magagawa ko eh sa hindi ko mapigilang umiyak

habang naglalakad ako at umiiyak ay may naramdaman ako na may humawak sa balikat ko kaya humarap ako at sasapakin ko sana sya pero nahawakan nya yung braso ko kaya hindi ko sya nasapak

napatigil ako, siguro nga nasanay na sya, kaya nagagawa na nyang depensahan yung gagawin ko

habang nakaharap ako sa kanya ay patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko kaya inalis ko yung pagkakahawak nya sa braso ko para punasan yung mata ko at binitawan naman nya

" Caxzhie bat ka umiiyak? " sya na parang worried ang face

" ano bang pake mo, pede bang iwanan mo'ko " ako sabay punas sa mata ko para mawala yung mga luha ko

" sabihin mo muna sa akin kung bakit ka umiiyak " siya na parang nag-aalala talaga sa akin (Assuming)

" shit kainis ka, ang gago mo, ang gago gago mo Sky " ako habang pinaghahampas ko yung dibdib nya at patuloy lang ang pagpatak ng mga luha koo, hindi naman sya gumagalaw at hindi rin naman sya nagsasalita bali tinatanggap lang nya yung ginagawa ko

habang patuloy lang ang pagpatak ng luha ko at paghampas sa kanya ay bigla nya akong niyakap na sobrang higpit na para bang ayaw nya akong pakawalan

nakaramdam naman ako ng pagod at hindi naman ako makawala sa yakap nya kaya hinayahan ko na lang sya na yakapin nya at ako naman nagpatuloy lang sa pag-iyak, basa na nga yung balikat nya dahil nasasalo ng balikat nya yung mga luha ko

" Caxzhie sorry " sya na yakap pa rin ako at mas lalo yang inigpit ang yakap pero hindi naman ako nasasaktan at nakakahinga pa rin naman ako pero ewan ko ba kung bakit wala akong maramdamanan na sakit siguro dahil ang taong nakayakap sa akin ay ang taong mahal na mahal ko

" Sky pede bang iwanan mo muna ako " ako sabay tulak na sa kanya, hindi ko na kasi kakayanin kung nakayakap pa rin sya sa akin dahil sobrang nanghihina ako kapag nasa harapan ko sya

" pero " sya na nakayakap pa rin

" please " ako na patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko

" ok " sya sabay bitaw sa akin at nagsimula ng maglakad palayo sa akin, ibig sabihin nakatalikod na sya sa akin at tanging likod na lang nya ang nakikita ko

hindi ko napansin na nasa harap ko na pala yung cr  kaya papasok na ako pero bago ako pumasok ay tinignan ko muna sya at tumingin din sya sa akin kaya nagkatitigan kami, siguro mga anim na segundo yun kaya nagmadali na ako kaagad na pumasok sa cr

Girlfriends vs. Boyfriends Book 1 & 2 (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang