10 - Wedding Accident

447 8 3
                                    

Kabanata 10

Adrine pov

" Adrine sure ka na ba talaga dyan sa desisyon mo? " tanong sakin ni Lance.

" Oo naman " sagot ko pero sa totoo, hindi talaga.

" Pero bukas pa naman ang Graduation natin kaya pwede ka pang pumunta sa kasal " singit ni Sky.

" Para saan pa? para lang mas lalo kong sisihin ang sarili ko na kung hindi sana tayo umalis edi sana ako ang ikakasal sa kanya at hindi ang lalaking iyon "

" Parang wala naman kayong pinagsamahan ni Bhezilda, syempre bilang ex at kaibigan nya ay kailangan nya ang supportive mo lalo na at yun ang pinakahihintay ng mga babae na ihatid sila sa altar at ikasal sa lalaking mahal nila " sagot naman ni Darryl.

Sa sinabi nya ay bigla akong napaisip.

Tama sya, kailangan nandoon ako dahil ayon ang pinakahihintay ni Bhezilda na pangyayari.

Pero hindi ko kayang makita ng mga mata ko na ang babaeng mahal na mahal ko ay kinakasal sa iba.

Samantalang ako ay nanunuod mula sa malayo.

Napakasakit para sa akin na makita iyon.

Kaya mas mabuting huwag na lang akong pumunta.

Dahil dun ay pwedeng mabawasan ang sakit na mararamdaman ko.

" Sorry guys pero buo na ang desisyon ko, itutuloy ko ang pag-alis sa ayaw o sa gusto ninyo "

" Kung yan na talaga ang desisyon mo edi sasamahan ka na lang namin sa pag-alis " Manuel sabay akbay sa akin.

" Pero pano sila? nakapag paalam na ba kayo? " tanong ko.

Wala naman sumagot sa kanila kahit isa.

Siguro, hindi lang ako ang nakakaramdam ng sakit kundi sila rin.

" Guys pwede bang samahan nyo muna ako? " tanong ko.

" Saan naman? " tanong ni Lance

" Bago sana tayo umalis ay gusto ko munang silipin si Bhezilda " sagot ko.

" Huwag kang mag-alala nasa likoran mo lang kami " sagot naman ni Manuel.

" Thanks "

Sabay-sabay kaming pumasok sa kotse na kung saan ay nasa likuran lang namin ang mga gamit.

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa simbahan.

Nagsibabaan na sila samantalang ako nasa loob pa rin ng kotse habang pinagmamasdan ang simbahan.

Pakiramdam ko ay wala akong lakas para lumapit sa simbahan.

" Adrine tara na " Sky na pinapalabas na ako.

Bakit ganun, bakit parang hindi ko talaga kayang lumabas ng kotse?

Siguro dahil sa hindi ko kaya ang makikita ko.

Pero kailangan kong lakasan ang loob ko.

Dahil hindi ako sigurado kung magkakaroon pa ba ako ng chance para makita sya.

Matapos kong mag-isip isip ay lumabas na nga ako ng kotse.

" Ano Adrine ready ka na? " tanong sakin ni Sky.

" Ready saan? " pagtataka ko.

" Makita si Bhezilda " sagot naman ni Darryl.

Huminga muna ako ng malalim at sinabing " Tara na "

Sabay sabay kaming naglakad papunta sa pintuan ng simbahan.

Nakaopen naman ito kaya natatanaw namin ang mga tao na nakaupo lang at nanunuod sa nangyayari.

Girlfriends vs. Boyfriends Book 1 & 2 (On-going)Место, где живут истории. Откройте их для себя