21 - Hall of Rinance

769 24 2
                                    


Kabanata 21


" oh bakit sunod ka ng sunod? "


Sabrina pov


" syempre hindi ko alam toh noh " sagot ko

" ok bahala ka "


nagpatuloy lang naman sya sa paglalakad

kaya ako naman sinundan lang sya

umakyat kami sa taas at pagkaakyat namin

ay huminto sya sa isang pintuan at binuksan ito

pumasok naman sya kaya pumasok din ako


" baka naman pati sa CR sundan mo din ako " sya sabay ngiti

" ano naman gagawin ko dun? "

" edi sabayan mo kong maligo " ngiti yang sabi

" hay naku Lance! wag mo nga akong idamay sa katarantaduhan mo "

" oh sige hintayin mo na lang ako dito " sya sabay pasok sa isang kwarto


umupo muna ako saglit sa kama at pinagmasdan ang paligid

napansin ko naman na sa tapat ng kama ay may mga pictures na nakadikit sa ding ding

kaya tumayo ako at lumapit dun

pagtingin ko ay puro picture ng mga babae

grabe ang gaganda nilang lahat

mga artista yata silang lahat eh

Honest ang gaganda nila talaga

pero syempre proud din ako kasi MAGANDA rin ako ^_^


" oh anong ginagawa mo dyan? "


nagulat ako dun sa nagsalita kaya napalingon ako


" ah wala tinitignan ko lang tong mga pictures " sagot ko

" maganda ba silang lahat? " tanong nya

" oo naman "

" pero para sakin mas maganda ka " mahina yang sabi kaya hindi ko masyadong narinig

" ano? "

" wala sabi ko pangit mo "

" wow ah sa itsura kung ito pangit "

" oo pangit ka naman talaga "


hindi na lang ako sumagot

dahil wala ako sa mood para makipag asaran sa kanya

ewan ko ba basta parang bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot


" oh natahimik ka dyan " sya na patuloy pa rin sa pagpupunas ng buhok gamit yung tuwalya

" lance pedeng magtanong? "

" ano yun? "

" bakit may mga picture na nakadikit dito? "

" ah yan ba, lahat yan mga naging Girlfriend ko "

" ah.... HUH??? di nga??? "

" bakit mukha ba akong nagsisinungaling? "

" wew? 87 na naging girlfriend mo "

" oo nga lahat yan mga naging Ex ko "


kung lahat nga sila naging Ex nya

eh bakit picture ko walang nakadikit man lang?

naging girlfriend din naman nya ako

actually Ex na lang

pero bakit kahit isa wala?

it's unfair >_<

teka nga lang bakit ba ako naiinis kong wala man lang akong picture


" well ilang months sila tumagal? "

" hindi months "

" eh ilang years? "

" hindi rin years "

" huh? "

" hanggang days lang naman sila "

" days? eh sino sa kanila yung pinakamatagal mong naging girlfriend? "

" actually wala dyan "

" ang gulo mo naman pero ito na lang tanong ko, ano yung pinakamatagal na araw na naging girlfriend mo? "

" 5 months "

" sino? "


napansin ko naman na bigla syang nagulat sa tanong ko

bakit ano bang mali sa tanong ko?


" hindi mo kilala? "

" malay ko, bakit naging girlfriend ko ba sila para malaman ko "

" pero sa lahat ng mga naging girlfriends ko ay masasabi kong sya ang pinakamahal ko " ngiti yang sabi


OUCH!!!!

bakit parang nasaktan ako dun?

wala naman akong karapatan para magselos

dahil hindi ko na sya boyfriend

kaya walang dahilan para magselos ako

pero deep inside ang sakit

kung ganun hindi talaga nya ako minahal


" ang swerte naman yang babae " malungkot kong sabi

" oh bat parang nagseselos ka? "

" ako magseselos bakit naman? "

" asus selos ka noh kasi sa kanilang lahat ay sya ang minahal ko ng totoo "

" naku lance bahala ka paniwalaan mo yung gusto mong paniwalaan "


bigla naman syang lumapit sakin

Grrr.... ito na naman

naku Lance wag mong ituloy yang binabalak mo

at baka masapak kita na wala sa oras

mas lalo naman yang inilapit yung mukha nya sa mukha ko

sa ngayon nararanasan ko na rin yung mga nararamdaman ng mga babae

sa tuwing may lumalapit sa kanilang mga lalaki

dahil sa hindi ko magawang kumilos ay pumikit na lang ako

pagpikit ko naman ay nakaramdam lang ako ng


" OUCH! para san yun? " ako habang nakahawak sa noo ko at hinihimas ito

" alam mo Sabrina masaya ako ngayon? "

" huh? " pagtataka ko

" kasi masasabi kong nakamove-on ka na talaga "

" ano? di kita gets "

" tara na nga sa baba na tayo " sya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako pababa buti na nga lang at nasa balikat ko lang yung bag ko


teka, anong ibig yang sabihin dun?

ako nakamove-on na?

hindi kaya

kasi sa tuwing kasama ko sya ay mahal ko pa rin sya

tapos sasabihin nya na nakamove-on na ako

naku naman!

mukhang mas mahirap pa yata toh sa pagsolve ng problem sa Math

si Lance kasi eh pinapagulo utak ko


" sandali nga lang, san ba tayo pupunta? " tanong ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nya

" mag traraining na tayo "

" sabi ko san tayo pupunta hindi ko sinabing kung anong gagawin natin "

" basta sumunod ka na lang " sya sabay hila sakin kaya nabitawan ko yung bag ko

" wait yung bag ko nalaglag "

" hayahan mo na yan dyan, hindi naman mawawala yan "


hindi ko na nga nakuha yung bag ko

kaya ako nagpahila na lang

hanggang sa tumapat na lang kami sa isang Garden

na puro kakaibang bulaklak ang makikita


" Lance nakalimutan ko palang sabihin sayo na wala akong dalang cam "

" hintayin mo ko dito kukuha lang ako "

" ok "


umalis na nga sya kaya naiwan akong mag-isa

pumasok ako sa loob para pagmasdan ng malapitan yung mga bulaklak

habang pinagmamasdan ko yung mga bulaklak ay nakakita ako ng isang Caterpillar na gumagapang sa petals ng bulalak

kaya nilapit ko yung mukha ko para tignan ng maisi yung caterpillar


" ang cute naman nya " ako habang pinagmamasdan pa rin sya na gumagapang-gapang


napansin ko naman na biglang may dumapo na paru-paro sa isang bulalak

kaya pinuntahan ko ito para tignan

pagpunta ko naman dun ay sinubukan kong hawakan yung paru-paro

bigla naman itong dumapo sa daliri ko

kaya inangat ko yung daliri ko

at itinaas ito kaya bigla syang lumipad


" oh anong ginagawa mo? "

" ah wala tinitignan lang yung mga bulaklak "

" ito na pala oh " sya sabay abot sakin ng Canon


Wow first time kong maghahawak ng ganitong klaseng camera

pano kasi ang lagi kong dinadala ay yung Digital Camera

pero this time hindi na Digital Cam ang hawak ko

kundi yung ginagamit na ng mga Photographer


" sure ka papahawak mo sakin toh? "

" bakit ayaw mo "

" ah hindi naman "

" oh sya mag-umpisa na tayo "

" ano palang topic "

" Droplet, Selected Focus, at Frame "

" ano yun sama-sama? "

" kung magagawa mo bakit hindi "

" grabe naman toh, hindi ba pedeng dalawa lang ang magawa ko dun "

" bahala ka basta gandahan mo yung pagkuha ah "

" ok "

" sige iwanan mo na kita, puntahan mo na lang ako kapag tapos ka na "

" wait ilang shot ba? "

" mga 15 shots "

" ok "

" bye " sya sabay labas na ng Garden


nagsimula na nga akong maglibut-libot

para makakita ng magandang pipicturan

mukhang di ko yata magagawa yung Frame

habang lumilibot ako ay nakakita ako ng isang Spider Web

sa gitna nito ay nandun yung Spider at may mga droplet na nakalagay sa sapot

kaya kinuhanan ko ito ng 3 shots

syempre iba-iba ng view

top view

side view

button view

dahil sa hindi ako sure kung magagawa ko yung Frame

ay inayos ko yung bulaklak sa harapan

at yun ang ginawa ko para magkaroon ng Frame yung Spider Web

matapos kuhunan ng litrato ay yun ay lumibot ulit ako

hindi sa kalayuan ay nakita kong may paru-paro na dumapo sa isang bulalak

kaya agad kong izinoom yung lense ng camera

matapos kong izoom ay pinicturan ko na yung butterfly


oo nga pala, alam kong hindi lahat ng nagbabasa nito ay may alam sa Journal specially sa Pphotojournal kaya ipapaliwanag ko muna yung sa tatlong topic na binigay sakin ni Lance

*Droplet*

- ito po yung patak ng isang tubig

- madalas po kayong makakakita ng Droplet matapos umulan

- im sure na nakakita na po kayo ng isang dahon at yung dahon na iyon ay mga bilog na tubig

*Framing*

- alam naman natin na ang tungkol sa Frame ay tumutukoy sa Shape

- example ng Frame, siguro yung mga ginagawa ng mag Couple o mag bestfriend diba minsan kapag nagpapapicture tayo ay pinagdidikit natin yung dalawang kamay para makabuo ng Heart

- parang ganun po sya pero syempre dapat sa gitna nun ay may bagay, tulad na lang na ang nasa loob ng heart na yun ay may taong malungkot kahit ano basta dapat may laman sa loob nun

*Selective Focus*

- kung tatagalugin natin, ang ibig sabihin ay dapat nakafocus sa isang bagay

- ito po yung kapag nagpicture ka ay dapat malinaw yung kukuhanan mo pero pagdating sa Background nya ay dapat malabo

- dapat yung Background lang ang malabo

(kung hindi nyo po maimagine try nyo na lang po tumingin sa gilid dahil nandun po yung example)


makalipas ng ilang minuto ay natapos din ako

syempre sa Frame ako nahirapan

pano kasi, bawal na ikaw mismo ang gagawa ng frame

dapat hayahan mo yung bagay na makikita mo

bago ako tuluyan lumabas ng Garden ay tinignan ko muna yung mga Pinicturan ko

tapos nagbura ako, sobra-sobra kasi yung mga pinicturan ko

lumabas na ako ng Garden at pumasok na ko sa loob ng bahay

pinagtataka ko lang kung mayaman sila eh bakit parang wala akong katulong na nakikita


" Lance " tawag ko pero walang sumasagot


sinubukan ko naman pumunta sa kwarto ni Lance

pagkapasok ko naman sa kwarto ay wala din sya kaya sinubukan ko naman pumasok ng ibang kwarto

bago ako lumabas ng kwarto ni Lance ay pumunta muna ako dun sa isang pinto na katabi lang naman ng Cr

dahan-dahan ko naman binuksan

pagkabukas ko naman ay na shocked ako sa nakita ko

OMG! tama ba tong nakikita ko?

0_0 ?? +_+

Ang totoo, panaginip lang ba toh?

sinubukan ko naman kurutin yung sarili ko


" OUCH ang sakit " ako sabay hipan sa braso ko

" bakit may mga ganito? " ako habang nililibot ko yung mata ko


grabe hindi ko toh inaasahan ah

pano ba naman, pagpasok mo sa isang kwarto

puro pictures ang makikita mo halos nababalutan na nga ng mga pictures itong kwarto

tapos yung mga pictures pa na nakadikit ay puro pictures ko na yung iba naka pose ako yung iba naman stolent

sa side naman ay puro pictures naming dalawa

kung saan ay ang hilig namin magpapicture sa mga madadaanan namin

napansin ko naman na sa likod ng pinto ay may nakalagay na "Hall Of Rinance"

teka lang hindi talaga nag sisink sa utak ko

kung bakit may ganito??????


" Sabrina " sigaw ni Lance


dahil sa sigaw nya ay mabilis akong lumabas ng kwarto

pagkalabas ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama

pagkahiga ko naman ay biglang bumukas yung pinto


" oh bakit ka natutulog? " bungad nya

" malamang inaatok ako "

" bakit tapos ka na ba "

" yup "

" patingin nga "


binigay ko naman sa kanya yung Cam at pinagmasdan yung mga picture

halata ko naman na ang tagal yang ilipat

para bang pinagmamasdan nya ng maigi


" ano maganda ba? "

" pangit "

" ano ba yan! wala ka bang alam sabihin kundi pangit "

" ok na rin "

" kahit kailan ba hindi mo masasabing maganda yung gawa ko? "

" hindi "

" kainis ka naman uwi na nga ako " ako sabay bangon

" sandali lang kain muna tayo "

" ah wag na sa bahay na lang ako kakain "

" bilis na kain muna tayo "

" sige na nga "


bumaba na nga kaming dalawa

napansin ko naman na nakaset na pala lahat

umupo na kaming dalawa

sinandukan naman nya ako ng kanin

matapos nya akong lagyan ng kanin ay sinabawan nya ito

wait tama ba tong nakikita ko?


" Lance pede bang take-out ko na lang ito "

" bakit ayaw mo ba "

" hindi naman sa ganun pero kasi...... "

" kasi ano AYAW mo "

" hindi nga sa ganun sadya kasing...... "

" ano nga kasi yun? wag kang mag-alala masarap naman toh "

" ok pero ikaw ang malalagot kapag may nangyari sakin

" huh anong ibig mong sabihin? " gulat yang sabi

" wala kain na lang tayo "


kumuha ako ng isang pirasong Hipon

binalatan naman ito ni Lance

kinain ko na nga yung laman nung Hipon


" Lance matanong nga lang kita, bakit parang walang katao-tao dito except sayo? "

" nag-iisa lang talaga ako dito "

" eh nasaan yung magulang mo, kapatid mo, mga katulong? "

" si mom may inaasikaso, si dad naman nasa America yung bunsong kapatid ko naman at ate hindi dito nakatira at yung mga katulong naman pinagbakasyon ko muna "

" ah... buti naman hindi ka nalulungkot mag-isa "

" actually nagkakamali ka kasi araw araw akong malungkot "

" gusto mo samahan muna kita dito "


teka ano tong pinagsasabi ko?

Lagot mukhang hindi ko na toh mababawi


" talaga? " excited yang sagot

" ah eh "

" anu ba yan! akala ko naman masasamahan mo ko ngayon " malungkot yang sabi

" lance sorry nabigla lang ako at saka hindi naman ako papayagan na matulog dito noh "

" ok lang "

" sorry talaga ah next time na lang gusto mo? "

" hindi ako sure kung mangyayari nga yun "

" bakit naman? "

" ah wala, wag mong pansinin yung sinabi ko "

" ok bahala ka "


nagpatuloy na ulit kaming dalawa sa pagkain

hanggang sa matapos kami


" Sabrina ihahatid na kita ah "

" ok "


kinuha na yung bag ko at lumabas na kaming dalawa ng bahay

inihatid naman nya ako papunta sa bahay namin

buti na nga lang at wala si kuya

pero nandito naman yung makulit kong kapatid


" ate ate boyfriend mo? " Sam na papalapit sa amin
" ah hindi ah " sagot ko
" hello ano name mo? " tanong ni lance
" sam po eh ikaw po kuya anong name mo? " tanong ni Sam


bigla naman yumuko si Lance para mapantayan si Sam


" Lance, ilan taon ka na pala Sam? "

" 4 years old po " Sam na itinaas pa yung daliri

" ah... "

" kuya Lance ikaw ba yung boyfriend ni ate? "

" Sam " suway ko pero hindi naman nya ako pinansin

" ah Sam dati girlfriend ko ang ate mo pero ngayon hindi na "

" bakit naman po kuya lance? "

" kasi--- " hindi na naituloy ni Lance ang pagsasalita dahil bigla kong hinila si Sam papasok ng bahay

" naku ang bata bata mo pa Sam pero ang hilig mo ng makielam "

" pero ate tinatanong ko lang naman po kung bakit hindi ka na nya girlfriend "

" alam mo sam hindi mo rin maiintindihan dahil bata ka pa nga "

" ganun "

" teka nga lang nasaan ba si mama? "

" pumasok eh "

"  eh si kuya nasaan? "

" kasama po si ate Sarah "


hay naku! si kuya talaga oh

mas inuna pang puntahan yung girlfriend kaysa bantayan si Sam

hindi naman sa hindi ko gusto si Ate Sarah

pero tama bang iwanan ni kuya si Sam para lang puntahan si Ate Sarah


" kuya Lance laro tayo " Sam sabay punta sa pinto kung nasaan si Lance

" sorry Sam pero aalis na kasi ang kuya Lance mo kaya next time na lanng "

" please kuya laro na po tayo " pagmamakaawa ni Sam


bigla namang tumingin sakin si Lance

na para bang sinasabi kung makikipaglaro ba sya

tumungo na lang ako


" Lance ikaw muna bahala dyan kay Sam ah magpapalit lang muna ako ah " ako sabay akyat


pagkaakyat ko naman ay pumunta ako kaagad sa kwarto

para magpalit ng damit

matapos kong magpalit ay bumaba na ako


" Lance " ako habang bumababa


wala naman silang dalawa kaya lumabas ako ng bahay

pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko silang dalawa na nagpapasahan ng bola

napansin ko naman na ang saya-saya ni Sam habang kalaro si Sam

pakiramdam ko bagay kay Lance maging tatay

grabe ang sama naman ng iniisip ko

pero promise bagay nga sya talaga maging tatay


" oh sabrina sali ka " pagyayaya ni Lance

" wag na kayong dalawa na lang "

" bilis na ate sali ka na " tuwang-tuwang sabi ni Sam

" sige na nga " ako sabay lapit sa kanilang dalawa


ipinasa sakin ni Lance yung bola

kaya ipinasa ko naman ito kay Sam

mukha nga kaming tanga dito

dahil nagpapasahan lang kami ng bola

pero kahit papaano nag-eenjoy ako sa ginagawa namin

paano kasi ang saya-saya talaga ni Sam

pero syempre mas masaya sya kapag nilalaro ko sya pero ngayon hindi ko na sya masyado malaro

dahil nga sa matanda na ako pero minsan naman kapag may time nakikipaglaro ako sa kanya

dapat nga si kuya ang nakikipaglaro kay Sam kasi pareho silang lalaki

pero hindi eh lagi kasing wala si kuya sa bahay


" teka nga lang, wala na bang ibang laro dyan? nagsasawa na ako eh "

" kuya Lance basketball na lang tayo "

" oy Sam ang bata bata mo pa para maglaro ng basketball " suway ko

" naku ate tinuruan kaya ako ni kuya Kyle kaya marunong ako "

" sige kampi kayong dalawa ng ate mo tapos ako lang mag-isa "

" sige kala mo kuya Lance uurungan ka namin " pagmamayabang ni Sam


buti na lang at may mini basketball court sa tapat ng bahay namin

kaya nakapaglaro kami

nagsimula na nga kaming maglaro

napansin ko naman na ang daya ni Lance

pano kasi sa tuwing makukuha ko yung bola eh inaagaw na lang nya bigla

pero pag si Sam ang may hawak pinapanuod lang nya

naishoshoot naman ni Sam yung bola dahil hindi naman gaano kataas yung pagshoshootan nya

makalipas ng ilang minuto ay medyo pinagpawisan kaming tatlo

kaya umupo muna kami


" naku Sam basang-basa yung likod mo oh " ako sabay hawak sa likod ni Sam

" Sabrina gamitin mo muna oh " Lance sabay bigay sakin ng towel

" thanks " ako sabay kuha nung towel at pinunasan yung likod ni Sam

" nag-enjoy ka ba Sam? " tanong ni Lance kay Sam

" oo naman po Kuya Lance " sagot ni Sam habang pinupunasan ko yung likod nya

" wag ka ngang makulit Sam " suway ko

" MAMA " Sam sabay takbo kaya sinundan ko naman sya ng tingin


pagtingin ko naman ay nakita ko si mama na may mga dala-dalang Grocery

kaya agad akong tumayo at nag bless kay mama


" ma tulungan na kita "

" ah wag na kaya ko naman "

" sure ka eh ang bigat bigat kaya yan " ako

" hello po " bati ni Lance kay mama

" hello din sayo " sagot naman ni mama

" tulungan ko na po kayo "

" ah wag na kaya ko naman "

" hindi tita ako na po " Lance sabay kuha dun sa mga dala ni mama


bigla naman tumingin sakin si mama

na para bang tinatanong kung sino si Lance

pero hindi ko sya sinagot

pumasok kami sa loob ng bahay

pagkapasok naman namin ay inilapag muna ni Lance yung mga dala ni mama


" ah iho kaano-ano ka ng anak ko? " tanong ni mama kay Lance

" mama dating girlfriend nya po si ate " singit ni Sam

" Sam " suway ko

" kung ganun boyfriend ka ng anak ko "

" alam mo mama ang saya kasama ni kuya Lance, grabe nag-enjoy po ako na maging kalaro sya " singit ulit ni Sam


napansin ko naman na biglang nahiya si Lance sa sinabi ni Sam

kaya napayuko na lang ito ng ulo


" Lance pala ang name mo "

" ah opo "

" alam mo bagay kayo ng anak ko gwapo ka at maganda naman sya "

" Ma! "

" bakit anong problema? totoo naman na bagay kayong dalawa ah "

" alam mo Lance excited na ako magkaroon ng apo kaya kung ikaw man ang magiging ama eh bakit hindi " dagdag pa ni mama

" mama naman oh! "

" im sure na magiging maganda at pogi din ang magiging anak ninyong dalawa ng anak ko "

" hay naku! Lance diba uuwi ka na tara hatid na kita sa labas " ako sabay hila kay Lance palabas ng bahay


lumabas na nga kaming dalawa ng bahay


" Lance wag mo na lang pansinin yung sinabi ng mama ko ah "

" ok lang yun, gusto mo ngayon na "

" BALIW "

" promise hindi ako nagbibiro "

" naku Lance tigilan mo nga ako sa mga ganyan bata pa ako noh "

" pero ayaw mo nun atlis hindi na tayo magkakahiwalay "

" huh? anong ibig mong sabihin? "

" ah wala sige uwi na ako ah "

" ok bye " ako


kumaway naman sya sakin at nagsimula na nga syang maglakad papaalis

hindi magkakahiwalay?

ano naman kaya ibig yang sabihin dun?

naku ginugulo na naman nya utak ko

pumasok na ko ng bahay at napansin kong nagkwewentuhan lang sina Sam at sina Mama about kay Lance

Girlfriends vs. Boyfriends Book 1 & 2 (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon