Chapter 22.2: Mga hadlang

Magsimula sa umpisa
                                        

“Prinsesa, Mag Emote tayo ng parang sa anime talaga ah?” tapos nag pout siya. Nakita ko sa likod niya ang malaking karatula.

“ANIME PHOTO BOOTH”

Oh alam ko na ang nasa isip niya. Gusto niyang magkaroon kame ng souvenir. Haha.

Pumasok kame sa booth at nag pose kame si Marco ang nasa unahan at hawak hawak niya yung puting bakal niya sa kaliwa niyang kamay. Ako naman sa may likuran niyang mejo gilid tas pumikit ako na parang weak.

Kasi ganun naman talaga yung role ni Anna diba? Weak siya dun at may Recca na laging magtatanggol sa kanya.

Pagkatapos ng shot namen nagsalita yung photographer.

“Mam and Sir, pede pong humingi ako ng kopya at ilagay ko sa studio ko? Ang perfect po kasi ng shot niyo dito. Model po ba talaga kayo?”

Natawa ako sa sinabi niya ngunit napalitan yun ng pagkamangha nang makita ko yung pic namen!

“Wooooh. Astig” Ok naunahan ako ng reaction ni Marco.

Ang galing kasi eh. Tingnan niu nalang sa picture sa kanang side niu yung pic namen dalawa ni Marco. Mukhang anime talaga. Haha Naisip ko na baka magsimula na yung battle of ther Anime Bands na kaya niyaya ko nang bumalik si marco dun sa may Stage.

At hindi nga ako nagkakamali. Tinawag na ang Saling Pusa. Saling Pusa diba yan yung name ng band nila pag kasama ako? Ahha remember niyu pa ba? Haha

Marco’s POV

Eto na tinawag na ung Saling Pusa. Pero baket ngayon pa nananakit yung kamay ko. Awts grabe. Ansakit ng kamay ko parang hindi ko kayang humawak ng gitara.

Umakyat na kame sa stage at natapos mag set up ng gitara. Shet hindi ko maitest yung gitara ko dahil nanakit talaga yung kaliwang kamay ko.

“Pre, yung kamay ko..”  binulungan ko yung isa naming gitarista kasi nga hindi ko maitipa yung gitara ko. Hindi ako tumitingin kay genie nun kasi ayokong mag alala siya.

Pero nagulat nalang ako nang may nag angat ng gitara ko at tinanggal yung strap sa pagkakakabit sa katawan ko.

Si Genie.

“Mas kaya ko tong gitarahin, kesa kantahin. Solo mo toh Recca, mwah” naramdaman kong napakalapit ng bibig niya sa tenga ko habang ibinubulong niya yung mga salitang yun. At hindi ako nag iimagine, hinalikan niya talaga ako ng mabilis sa pisngi.

Hindi talaga ako nagkakamali.

Tumugtog na yung intro. Ang lupet!! Napatingin ako kay Genie. Napatingin ako sa mga daliri niyang naglalaro sa gitara ko. Aba, magaling pala siya. Mas ginaganahan akong kumanta lalo nat nakikita ko yung facial reaction ni genie na sobrang nag eenjoy sa pag gigitara.

 Marco:

 Mezamashi ni okosare sukejuuru wo konashi

  Toki ni egao tsukuri nokoru wadakamari

Koi mo yume mo tetsugaku de itsu mo kotae wa nai kedo

  Koin hajiku you ni arukidasou

Malupit yung chorus nito eh...

Marco:

Nanka shiawase Chotto shiawase

  Kanjiru toki koso shiawase no hajimari

  Nanka yukesou Umaku yukesou

  Fumidasu ippo de subete kaete yukeru n

Ang transalation niya ay

A kind of happiness, a brief happiness

When it is felt, that's the start of happiness

Kind of moving, Born for moving

The first step makes everything move again

Meaning, eto talaga yung naffeel ko. Sobrang saya talaga! Nakikita ko yung pag gigitara ni Genie, parang wala lang sa kanya. At talagang nag eenjoy siya.

Nakikita ko rin na nag eenjoy yung mga tao kasi sobra ang hiyaw nila. Grabe. Iba toh. Kung madami akong fans dito sa harap ko, mukhang madaming fans si Genie! Kasi naririnig rinig kong,...

“Prinsesa Ana ang galing mo!”

Nakaka proud talaga siya. Natapos na yung performance namen pero yung mga tao eh hiyaw parin ng hiyaw. Hanggang sa makababa kame ng stage ay naghihiyawan at nagpapalakpakan parin sila.

Sana nga kame ang manalo. Wahaha! Yabang ko noh? Hehe

Inakbayan ko si Genie at sinabihang..

“Prinsesa, malupet ka palang rakista. Kung sswertehin ako magkakaroon ako ng asawang rakista. Astig. Haha Congrats!!” binibiro ko siya pero kasi naaastigan kasi talaga ako sa kanya.

Pero hindi siya nag rereact.

Tumingin ako sa kanya. Namumutla si Genie. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

“Genie...”

Kinakabahan ako. Kinukutuban ako ng kung anu-anu.

“Marco?”

Oh shocks nakakainis si Genie kasi nga pinapakaba nia ako sa reaction niyang yan.

“What is it genie! Please sabihin mo naman sa akin. Anung nangyayari sayo!”

Tumingin siya sa akin. Hindi kumukurap ang mga malulungkot niyang  mga mata. Gosh anung meron.

“Marco, Im Sick.”

Sick?? Sick of what.

“Tara dali sa Ospital pa check up na naten yan.”

“Marco, you dont understand. I am sick. I have leukemia.”

Sa pagkakarinig ko para akong binagsakan ng langit at lupa. Napasuntok ako sa may dingding sa back stage sa gilid ko.

Wala akong maramdaman. Wala akong maisip. Wala akong nariring kundi ang paulit ulit na boses ni genie.

I have leukemia

I have leukemia

I have leukemia

I have leukemia

“Kelan pa?”

“Last 10years. 1year nlng ang prediction sa akin. I just need to tell you this because I’m giving you my heart. I’ll give the rest of my life.”

Niyakap ko si Genie na sa ngayon ay umiiyak. Bumulong ako sa gilid ng tenga niya.

“Are you my mine now?”

Bumulong siya ng “Yes.”

Ang sarap pakinggan kaya d ko alam kung imagination ko lang yung pagsasabi niya ng yes kaya kunwari hindi ko naririnig at pinaulit ko sa kanya.

“what?”

“Yes.”

“What?”

“Yes!” palakas na ng palakas ung boses ni genie.

“YESSS!”

“YESSSSSSSSSSSSSSSSSSS!”

Nagulat na lang ako nang may nagpalakpakan sa paligid namen. Waw. Naging attraction ang pagiging official namin ni Genie.

Si Genie. Pinapangako ko sa sarili kong hanggang sa huli magiging katabi ko siya. Hinintay ko ng matagal ang pagtibok ng ganito sa dibdib ko. Hindi ko hahayaang ganun ganun na lamang.

Alam kong maraming hadlang. Pero hahawakan ko ang kamay ni Genie at sabay kameng Lalaban.

A/N: Wuhoo! Sobrang busy talaga sorry ngayon lang nag update! Sana magustuhan niyo toh. Enjoy Reading! Kung may reaction kayo about sa update na toh, comment niu lang ah! :’) at vote kayo sa taas pag nagustuhan niyo! Salamat! :’)

Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon