Sino ba toh? Baket parang kilalang kilala niya si Marco? Oh gosh sabi na nga ba eh, eto na ba yung kutob ko? pero baket hindi saulo ni Marco yung pangalan niya?
Naguguluhan ako >.<
“Marie, Magsumbong ka kahit samahan pa kita. Do you see this girl that I am holding right now? This is the girl that will be beside me on my wedding day. Hindi ikaw. Tandaan mo yan. Now, can you please excuse us? Malalate na kame sa class namin.”
I am the girl that will be beside him on his wedding day? Ikakasal siya?
Ako ang katabi?
Ako ang Bride?
Ikakasal ako?
Habang nagpprocess ang Pentium 1 kong utak eh hinihila ako ni Marco ngunit nakatingin parin ako dun sa babaeng maganda at sexy manamit.
Sinu ba talaga yun?
Natulala pala ako simula nun at d ko namalayang nasa pinto na kame ng auditorium. Tinanggal ni marco yung pagkahawak ng kamay niya sa akin at humarap siya sa akin.
“That girl?”
Hindi ako nagreact at nakatungo lang ako.
“Is the one my mom believes the right girl for me.”
Napatingin ako sa kanya.
“But I dont believe that. This...” hinawakan niya yung kamay ko at inilagay niya sa dibdib niya.
“This heart only beats for you Genie. Walang ibang nakakapagpa tibok ng ganitong kalakas. Ikaw lang”
Hawak ko yung dibdib ni Marco. Anlakas ng pulpitate niya sa puso. Grabe aakalain mong may tumatakbong daga na pabalikbalik sa dibdib niya.
“WOOOOOOOOO!! Cheezy pre!!! Haha Late na ah! Practice muna tayo!” ainako si Rick na naman! Panira talaga lagi ng moment yan! Haha
Biglang nawala yung isipan ko dun sa mataray na sumbungerang babaeng yun nang sabihin sa akin ni Marco yun. Grabe parang gusto kong magsi tambling hanggang sa school gounds namin.
Eto yata yung tinatawag nilang true kilig. Dati feel ko OA yung mga taong ganito. Pero grabe pag ikaw na pala nasa sitwasyong ganito. Hindi pala OA. Eto pala yung tipong.
Just the right feeling.
Nagulat ako nang tawagin na nila ako.
“Prinsesa pumasok kana kaya sa Auditorium, magseset-up na kame ng instruments!”
Oh right. Natulala na naman ako as usual.
-------------------------------------------------------------
Eto na yung day ng Competition namen. Grabe halos lahat ng bisita dito naka Cosplay na Anime, merong Death Note, Bleach, Naruto. Ansaya! Nakakabusog sa mata yung mga naka costume! Para akong nasa Japan. Siyempre hindi papatalo yung CREAMS,
Lahat kame naka Costume. Ako si Prinsesa Anna, Si Marco naka Recca Siyempre. Si Rick naka Kurei, yung isa pang gitarista eh naka Max Dommon at yung isa eh ung kay Dylan. Wahahha Astig nga eh!
May lumapit na bata sa akin at nagpa picture. Sabi kasi niya eh maukha ko daw talaga si Prinsesa Anna. Ang galing kasi ng make up ni Elise sa akin eh. Kuhang kuha niya!
Tumatakbo si Rick sa amin nang may iniwawasiwas siyang papel.
“Pre pang una tayo!! Sensiya na sabin ko naman sainyo malas ako sa mga ganito eh.. ready na naman tayo diba?”
“30 mins pa naman diba pre?” tanong ni Marco kay Rick. Tumango si Rick.
Hinila ako ni Marco. Eto kasing event na toh eh parang Anima Convention kaya andaming booth. Booth ng Comics, DVDs. Mangas at kung anu anu pa.
YOU ARE READING
Strings Attached
RomanceGaano kahaba ang span ng paghihintay mo? Sa paghihintay sa pila Sa paghihintay ng masasakyan na bus Sa paghihintay sa kaibigang may naiwan kaya kailangang bumalik sa school Sa paghihintay ng pinaka espesyal na araw mo sa buhay mo o miski paghihintay...
Chapter 22.2: Mga hadlang
Start from the beginning
