Chapter 2 : Weird dream

4.7K 233 97
                                    

Chapter 2 : Weird dream

Ang mga problema ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap, ito ay mga gabay lamang.

                             - Unknown

Nang matapos ang lahat ng nangyari ay naisipan nang dalawang mag asawa na pansamantalang manirahan sa mundo ng mortal kasama ang prinsesa

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Nang matapos ang lahat ng nangyari ay naisipan nang dalawang mag asawa na pansamantalang manirahan sa mundo ng mortal kasama ang prinsesa. Mas pinili nila munang e sekreto sa bata ang tungkol sa bagay na kung sino talaga siya.

Samantha's POV

Nasaan ako? Anung lugar to?

Yan ang mga katanungan sa aking isipan. Nandito ako ngayon sa masukal na gubat, hindi ko alam kong bakit ako narito basta ang alam ko, haysh diko talaga matandaan.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, napapansin ko ang malalaking kahoy sa paligid at mga paru-parong lumilipad. Ngayon ko lang napansin na malaki ang pagkakaiba ng mundo ko kaysa rito.

Habang abala ako sa pagtingin ng mga bulaklak sa paligid na naglalakad ay hindi ko na napansin na nasa bahagi ng hardin na ako. Napaka ganda maraming bulaklak na iba't iba ang kulay may isang napakagandang falls sa gilid at tila wala man taong nagagawi dito dahil napaka linis ng tubig at may isang maliit na tore na naka agaw ng aking pansin dahil may nakasulat na salitang di pamilyar at ugat na nakapaligid rito...

"Samantha~" ani ng napakalumay na boses babae..

"S-sino ka?" Nauutal kong tanong na may halong kaba.

"Samantha..."

"Sino ka magpakita!" Hindi ko na mapigilang and sumigaw dahil sa inis.

"Nandito ako mahal na prinsesa."

Napalingon ako sa may maliit na tore dahil sa andon ang boses ng Babae. At doon may nakita akong babae na napakaganda napakaputi nga balat at paalon alon ang buhok na hanggang balikat mapupulang mga labi at mahahaba at makakapal na pilik mata..binagayan pa ng damit nya na kulay puti na hangang talampakan at isang koronang na gawa sa ginintuang sungay ng isang dragon.. Para siyang bathaluman..

"Masaya akong makita kang muli mahal na prinsesa." Natutuwa niyang sabi.

"A-anung mahal na prinsesa h-hindi ako isang prinsesa at walang prinsesa sa pangalan ko." ani ko.

Ngumiti lang siya at hindi na sinagot ang tanong ko. Naguguluhan na talaga ako sa babaing Ito hindi kaya baliw siya?

"Malapit na mahal na prinsesa, malapit na."

"Anong malapit na?"

"Paalam mahal na prinsesa hangang sa muli."

"Wait lang anung ibig mong sabihin."

Monsteria High : The Genesis of ProphecyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang