Ilinibot ko ang panigin. O///O Ang raming nakatingin. Merong kinikilig meron ding parang pinapatay na ako dahil sa sama ng tingin.

Ako na ang humila sa kanya palabas ng booth.

-----------------

PIKKI's POV

Marami ang mga babaeng masama ang tingin sa amin ni Zurk. Nakaka-ilang. Well, I guess this is the price I have to pay for using Zurk.

May humarang sa amin. Isang chubby girl na may curly hair. Parang pamilyar ang mukha niya. I think I've seen her somewhere.

Hinarang ni Zurk ang katawan sa pagitan namin at ng babae. "Hi Zurk." Narinig kong sabi ng babae. She sound so irritated?

"What are you doing here?" seryoso ang tonong tanong ni Zurk.

Sumilip ako. Nakapaskil sa mukha ng babae ang isang sarcastic grin.

"Just checking the girl who's taking my band away from me."

Checking a girl? Ako ba ang tinutukoy niya. At bakit parang galit siya.

"I already told you, hindi na ako babalik."

Lumambot ang expression sa mukha ng babae.

"Just this once, can you do it for me? Hasigi balabnida?" Hinawakan ng babae ang braso ni Zurk pero agad din namang tinaggal.

Ano daw? Korean ba yung sinabi niya? Sino ba talaga 'tong babaeng 'to?

"I can't. Rima , just let us go."

"Babo! She's just using you! " galit niyang sigaw.

Napatigil ako. Ako ba ang pinag-uusapn nila?

"I'm giving you a month Zurk." Sabi niya tapos tumakbo na siya paalis.

Binitiwan na niya ang kamay ko. "Sino yun?" tanong ko.

"Manager namin."

"Siya yung manager ninyo?!"

Napatango-tanog ako. Kaya pala medyo familiar siya. Siya yung babaeng nakita ko sa picture sa kwarto ni Zurk noon.

Nagsimula na siyang maglakad.

Sinabayan ko siya. "T-teka! Bakit niya pala sinabi yung tungkol sa one month?"

"She wants us to come back after a month. May natitira pa kaming kalahating taon sa company nila." bigla siyang tumigil kaya napatigil din ako. Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Ah, Zurk..." alangan kong sabi. Kung trip niya nang magpaka-boyfriend, utang na loob naman! Huwag sa gitna ng field!

"I don't want to go back." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Parang mas dumami ang butterfly sa tiyan ko. Parang naging kuta na siya ng mga paru-paro.

"E-eh di huwag kang umalis." Shit naman kasi 'tong kamay niya. Meralco ba 'to? Parang may current kasi?

"We'll be sued." Seryoso niyang sabi.

"H-ha? Eh bakit ayaw mong bumalik?" I'm still distracted.

"Because I have a reason to stay..."

Natulala ako. Ako ba ang tinutukoy niya? Yinakap niya ako pero agad din siyang bumitiw. Parang nakonsensiya ako. Kung totoo ngang may gusto talaga sa akin si Zurk mas masasaktan ko siya pag nalaman niyang ginagamit ko lang siya. Ang samang pakinggan. -____-

"Pikki!" narinig kong tawag ni Tuchi habang nakasunod sa kanya si Marga. Malapit na pala kami sa booth ng department namin.

Itinulak ko agad si Zurk.

Labyrinth of LoveWhere stories live. Discover now