Chapter 26

74 3 0
                                    

PIKKI's POV

Dumiretso kami ni Lola sa Labyrinth Garden. Dun daw kasi ang napagkasunduang nilang meeting place. Hindi talaga ako komportable sa ganitong sitwasiyon, yng parang wala na akong choice dahil nangyari ang kasunduan. Kasi naman eh! Sino ba ang nagpa-uso sa arranged marriage na yan at nangma-kutusan?

"They're already waiting hija. "pukaw sa akin ng lola ko. Nasa loob pa rin kami ng kotse at naghihintay. Custom daw kasi na kailangang una ang lalaki sa lugar bago ang babae.

-_______- Kaathar naman!

"Ah, mauna na kayo 'La. Punta lang akong banyo."sabi ko.

Bumaba na kami ng kotse. Naman! Ba't ngayon pa? Yung Ducati kasi na bigay ni Papa ang gamit ko sa pagpunta sa school kanina kaya kailangang sumabay ako kay Lola , hindi kasi niya yun pwedeng makita dahil sabi pa nga niya 'A lady should never ride that kind of indecorous vehicle' . Pag nakita niya yun patay kaming dalawa ni Papa. Sasabihin niyang kinukunsinti na naman daw ako.

"I know what you're thinking young lady and don't you dare."sabi niya sa mababang boses.

"I know. I know. Susunod nalang ako."

"Faster!" Pa-alala niya.

Naglakad na ako papuntang restroom pero sinusulyap-sulyapan ko pa rin siya at ang driver niyang sumbungero. Kahit na kinakabahan ako sa pagtakas, gagawin ko pa rin kahit na pagalitan ako ng aking Lola.

Pumasok ako sa banyo at tinawagan ko si Marga.

Ring lang ng ring. Naman! Bakit ngayon pa!

"Come on Marga. Answer the phone."

Pagkaraan ng ilang ring nag-out of the coverage area na.

Sinubukan ko ulit.

"Thank God you answered!" sabi ko nang sinagot niya pagkaraan ng ilang ring.

"Uy, Hello?"sabi ni Marga. Parang nagising ko siya dahil halata sa paas na boses niya.

"Marga!!!!! Waaaaaaaaaah! Save me from the fire of hell!"sigaw ko. Ayaw kong magpakasal sa taong ngayonko lang makikilala.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"mahinahon pa ring sabi niya.

"Kunin mo ako dito sa Labyrinth Garden. Sige na!" nagmamaka-awa na ako.

"Bakit? Anong ginagawa mo diyan? Akala ko ba nasa school ka? Di ba final rehearsals niyo ngayon?"

"Huwag nang maraming tanong. Mamaya ko na sasabihin sa 'yo. Malapit ka lang naman di ba?"

"Parang di ka pa nakapunta dito sa bahay ah. Oo na. Pupunta na diyan. Marami kang ikuwe-kuwento sa amin."

"Salamat talaga Marga."sabi ko tapos inend ko na yng call.

Ang problema ko nalang ngayon ay kung papano ako lalabas nang hindi napapansin ni Lola. Glass panel kasi ang walls ng restaurant kaya madali akong makita. Buti na nga lang at nasa labas ang restroom at hindi nasa loob dahil kung hindi mas mahihirapan ako sa pagtakas. Napatingin ako sa salamin. Parang gusto ko nang maglupasay sa tiles ng restroom. Pula nga pala ang buhok, papano akong hindi mapapansin ni Lola nito?

May pumasok na babae na may hoodie. Tingnan mo nga naman Pikki.

Tumikhim ako. "Miss, pwede ko bang bilhin yan hoodie mo?"

Napatingin siya sa gawi ko tapos linibot pa niya ang buong restroom.

Tinuro niya ang sarili. "Ako?"

"Oo, pwede ko bang bilhin ang hoodie mo? Sige na. Kahit magkano." Desperado na talaga ako.

"2K."sabi niya.

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon