CHAPTER 3

220 6 0
                                    

Nakatingin ako sa stuff na hawak ko. Bigay to ni Troy. Ang ex ko sa lahat ng bagay. Ex-bestfriend, ex-boyfriend, Ex-partners-in-crime, Ex-playmate.

Tiningnan ko ulit yung stuff toy. It holds so many memories. Memories so hard to forget. Lahat na kasi ng bagay na binigay niya dati nung kami pa eh, tinapon ko na pero nang itatapon ko na 'tong stuff toy na 'to parang...mahirap. Siguro, kasi sobrang cute?

*flashback*

"Eto o,sayo nalang." sabi niya sabay padaskol niyang ibinay sa akin yung panda na stuff toy.

"Ano to?"tanong ko. Halata naman yung sagot pero iba yung ibig kong sabihin.

"Bulag ka ba?!E di stuff toy. Engot ka talaga." nakanguso niyang sabi.

Ang sama talaga ng ugali neto pero na-touch ako. Di kasi siya yung tipo ng human being na may sweetness sa katawan. Lahat ng ibinigay niya sa kin dati masiyadong praktika, buti na nga lang di niya pa ako niregaluhan ng kaldero.

"Bakit mo naman ako binibigyan nito,di ko naman birthday. Di rin naman pasko." Ano kaya ang nakain neto? Pero naramadamn ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Wag ka nang masyadong matanong. Basta." halatang nahihiya siya tapos idinadan nalang sa pagsusungit.

Ayiee, kilig to the bones naman ako. Yes, I've been in love with my bestfriend ever since. Ayokong umamin dahil baka masira ang pagkakaibigan namin.

"E bakit nga. Kung hindi mo sasabihin itatapon ko to." Banta lang yun pero di ko tototohanin. Ang cute kaya nung panda. Tapos, bigay pa niya.

HIndi alam ni Troy pero matagal na akong may gusto sa kanya. He's been with me since we were grade school. Halos nabantayan na amin ang pagbibinata at pagdadalaga ng isa't-isa. Palagi niya akong ipinagtatangol. I see him as my night in shining armour.

"I like you! O ayan!" Nakita ko ang pamumula ng mukha at tenga niya.

Natulala ako. Hanudaw? 

I like you

I like you

I like you

"Gusto mo ako?!" Baka labag pa sa kalooban niya pinagsasabi niya. Masapak ko pa. Parang hindi nagsi-sink in sa akin na gusto niya ako.

"Bingi ka talaga."

Naghintay ako ng ilang saglit. Baka naka-droga to. Kung anu-ano pinagsasasabi. Pero kinikilig ako. Ayieeeeeeeeee!!!

"Anu na? Okay lang naman kung ayaw mo sakin. Maiintidihan ko naman eh. Pero wag ka namang tahimik diyan."

"Gusto rin kita" Biglang nag-slip sa bibig ko ang mga salitang yun. Nakakahiya.

Ayan! Nasabi ko na. Hindi ako napipilitan ha...

"Talaga?! Yesssss!!!"

"Anong yes? Ligawan mo ako uy!" bigla ko ulit nasabi. Ang tanga mo talaga Pikki! Papano kung isipin niya na masiyado kang demanding?

"Hahahaha! OO naman!"

Napamaang nalang ako. Liligawan niya talaga ako?

Troy was the first guy I loved. We started as bestfriends,and the typical bestfriend turned to lovers, love story. But you know,everything has its own ending. And we ended this way...

*another flashback*

"Pare! Kumusta? Nagawa mo na ba mission mo diyan sa bestfriend mo?" sabi ng kaibibgan ni Troy sabay tapik sa balikat niya.

Pumunta ako sa bahay nila Troy kasi nakalimutan niya yung jacket niya kaya hinatid ko nalang, malapit lang kasi bahay nila.

Kaso may narinig akong kausap niya. I know it's bad to eavesdrop but...my guts is telling me to listen.

"Tol,wag niyo namang isali si Pikki sa gulo ninyo. Kaibigan ko siya kaya puwede ba?" 

Ah, so kaibigan nalang pala ako. Tsk.

"WHAHAHA! Pare,akala ko ba si Michelle gusto mo ha? Ipapaalala ko lang sa'yo. You agreed to that bet because of Michelle."sabi ng lalaking kausap niya. Sa tingin ko isa siya sa mga kaklase ni Troy.

"Si Michelle nga yung gusto ko. But Pikki..."narinig kong sabi ni Troy.

Si Michelle ang gusto niya?! Eh ano ako? Trip niya lang? Ganun? Kung pwede ko lang siyang sigawan hanggang sa mapaos ako.

"Don't worry pare. Panalo ka na naman. You made Pikki fall for you and Michelle is all yours." natutuwang sabi ng kausap niya.

Naramdaman ko yung panlalamig ng kamay ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. FVCK! It hurts like hell! Mga walang-hiya kayo!

May lumabas dun sa pinto. Si Troy.  

Halatang nagulat siya ng makita ako na nakatayo malapit sa pinto.

"Babe! What are you doing here?"sabi niya na parang wala siyang ginawang masama. Muntik ko na siyang bugbugin kung hindi lang ako nanghihina dahil sa mga narinig ko.

"WHAT AM I DOING HERE?! YOU FUCKING  BASTARD! HOW COULD YOU?!" Tumulo na yung luha ko. Ang sakit pala. Parang naulit yung sakit nang iwan ako ni Mama. Parang naulit lahat.
Sinaktan ulit ako. Linoko ulit ako.

"B-babe..."

Napaatras ako nang humakbang siya palapit.

"I loved you and now tell me!!! Was I just a BET?!"

 Kahit ayaw kong itanong kailangan kahit masakit.

Napatungo siya.

"I'm sorry." bulong niya pero sapat na para marinig ko.

Umiiyak nalang ako. Kait na gusto ko siyang saktan hindi ko kaya. Nakakainis!

"I'm really sorry. Sorry. Sorry." Paulit-ulit niyang sinabi yung sorry habang naka-yuko.

Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. "Hah! I don't need you. And I will NEVER NEED SOMEONE LIKE YOU."

Tapos tumakbo ako palabas. Di ko na alam kung saan ako pupunta nun, hanggang sa napadpad ako sa bahay ni Marga. Sa kanya ko sinabi lahat, kaya siya lang rin may alam sa masalimuot na parte na yun ng existence ko.

*end flashback* 

It ended like that. And well, it was an ending full of bullsh*t Nabalitaan ko nalang pumunta na siyang Australia.

-----------

end~

Labyrinth of LoveWhere stories live. Discover now