CHAPTER 22

72 2 0
                                    

PIKKI's POV

Ang walang-hiyang yon! Wala siyang karapatan na halikan ako! WALA! WALA! WALA! Humanda kang Zacharias! Tinawanan mo pa ako!

"Ano sa tingin mo, pwede na ba?"

OO! PWEDENG-PWEDE KO NA SIYANG BUGBUGIN! KYAAAAAAAAAAAAAAAHHH!! Nanginginig pa rin ako sa galit. Nakuuuuu!

Bakit niya kasi ako hinalikan? >///< Trip niya ba talaga akong idagdag sa mga babae niya? Porket gwapo siya? Ganun?

Bigla kong nahawakan ang mga labi ko.

Natatandaan ko lahat ng naramadam ko nung hinalikan niya ako. Shit! Bakit ko ba yun iniisip? Halik lang naman yun! Di ba? Di ba? Pero... >/////<

"KAHIT NA HINALIKAN PA RIN NIYA AKO!!!" huli na nang ma-realize ko na nasigaw ko na pala sa buong auditorium ang iniisip ko. >/// <

Nakaka-hiya. Linibot ko ang tingin ko. Pati yung mga mago-audition nakitingin sa akin.

OH LUPA LAMUNIN MO NA AKO! Nakaka-hiya ka Pikki! Ilang kahihiyan ba ang quota mo ha?

Napayuko nalang ako.

"Teka lang, magba-banyo lang ako." Bulong ko kay Mariolle.

Ngumiti lang siya tsaka tumango. Agad naman akong um-exit pero dama ko pa rin na nakasunod ang mga tingin nila sa likod ko.

Nakasalubong ko ang Chaotic Rush sa may pintuan. Kung sineswerete ka nga naman. Lahat sila nakatingin sa akin. Tumigil ang tingin ko kay Zurk pero agad lang din kami nagbawian ng tingin.

"Excuse." Sabi ko na lang tapos limpasan ko na sila.

Wooooh! Kung hindi lang to para sa penalties ko...

Pumasok na ako sa C.R. Walang tao.

Bakit ba kasi ako apektado sa halik na yun? It was just a kiss for Pete's sake. Pero kahit na halik lang yun, first kiss ko pa rin yun at ninakaw yun ng Zacharias na yun!

"Pikki..."

Huh? May tumatawag sa pangalan ko.

"S-sino yan?"

"Si Zurk to..."

Pakshet naman 'to. Anep sa timing. Kung kelan ko ina-analyze ang mga bagay-bagay tsaka siya susulpot.

Tumikhim ako.

"Bakit?"

"Hinahanap ka ni Madam Vito."

"Ahhh, sige susunod nalang ako."

Moment of silence.

"Joke lang yun. Pwede ba tayong mag-usap?"bawi niya.

"Gago ka ba?"tanong ko. May saltik nga yata 'to sa utak eh!

Hindi ko pa rin binubuksan ang pintuan. Baka ipagkanulo na naman ako ng masamang ispiritu sa katawan ko.

"Sorry na..."

Napatigil ako.

Sorry...

Sorry...

Ilang tao na ang nagsasabi niyan sa kin. Una ang mama ko pangalawa si Troy at pangatlo ngayon, s Zurk. Napabunting-hininga ako. Lahat sila pinagkatiwalaan ko. Nakaka-hiya na nakaka-pagod. Ewan.

Binuksan ko ang pintuan. Muntikan pa siyang sumubsob dahil yung noo niya nakadikit sa pintuan.

"Ano?"

"Ah, pwede ba sa ibang lugar tayo mag-usap?"

"Dito mo ako, kakausapin. Take it or leave it."

He sighed.

Labyrinth of LoveWhere stories live. Discover now