Chapter 17

140 8 2
                                    

PIKKI's POV

"Urgh!" Nakaka-inis. Isa 'to sa pinaka-ayaw ko.

Gumulong ako pakanan.

"Ahhhhhhhhhhh!"

Gulong pakaliwa.

Ampupu! Ba't di ako makatulog? Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko pero wala pa rin. Leche naman kasing Zurk yun eh! Sabi ko na nga ba kailangan talagang dumistansiya na ako sa ugok na yun, e di sana kanina pa ako nakatulog! (T_T)

Tiningnan ko yung orasan sa may bedside table. Alas dos na. Mahigit tatlong oras ko nang pinipilit na matulog pero pilit pa ring sumisiksik sa isip ko yung ginawa niya para sakin.

*flashback*

"Zurk!!!"

Pareho kaming nagulat ni Zurk nang may biglang bumukas ng pintuan nang papasok na kami sa condo niya. Sumalubong sa amin ang isang dimpled-petite girl. Tragis, pati bata?

"Jeanicca!"gulat na sabi ni Zurk.

-___-++

"I missed you!"

Yayakapin na sana nung babaesi Zurk pero parang may bigalng tumulak sa akin para pumagitna,

...

Shit!!! >/////< Huli na para pigilan ko ang sarili. (_ _)

"Hmmmm, sobrang possessive naman ng girlfriend mo, Insan. Lumelevel up ka na ah." kantiyaw niya.

Ramdam kong nakangiti ang dalawa. Leche! At mag-pinsan pala sila. Ahhh! Leche! Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko? Hindi ako nag-iisip!

"Oo nga eh. Ganyan talaga siya." sabi ni Zurk sabay akbay sa akin. Agad ko namang tinanggal ang kamay niyang naka-akbay.

At ang gago, nakisakay pa!

Di ako makatingin sa kanila, feeling ko ampula-pula ng mukha ko... >/////<

"Pumasok kaya tayo. Kanina pa ako nagugutom. " Nauna nang pumasok ang pinsan ni Zurk.

"Alam ko namang yan lang ang pinupunta mo dito e, ang makikain. Kailan ka pa naka-uwi?" tanong ni Zurk.

"Hindi kaya! Kaninang umaga lang, isinabay na ako ni Tito pauwi." Sumalampak siya ng upo sa sofa.

"Hahahah! By the way, Jean si Pikki. Pikki si Jean."

"Nice meeting you Pikki."^___^

"Nice meeting you too. Hehe." nakatayo pa rin ako. HIndi ko maalis sa isip ko ang ginawa kong kagagahan kanina. Anu ba yan. O///O

Pumasok si Zurk sa left wing ng condo niya. Shemay, ang awkward.

Nakangiting nakatingin sa akin si Jean.

"Matagal na kayo ni Insan?"tumayo siya at lumapit sa kinatatayuan ko.

"Ah, hindi ko siya boyfriend." ^__^!

"So, hindi ka niya girlfriend?"

"Nope,"simple kong sagot.

"As in?" Parang ayaw niya pa ring maniwala.

"As in."

"Promise?"

Nasa lahi ba talaga nila ang pagiging makulit? (_ _)?

"Promise."

"Nagjo-joke ka lang ata e." Hinila niya ako papuntang sofa at pina

"Walang biro."

"Pero bakit magkasama kayo?At ba't may mga sugat ka?" itunuro niya pa ang mga cuts ko sa mukha.

(___ . _)

Labyrinth of LoveWhere stories live. Discover now