Para akong bride na iniwan ng groom sa altar. Mabigat sa pakiramdam. For some reason I felt sad. Bigla kasing nawala ang energy ni Terrence. He kinda cheer me up, nakakapan-lumo. Naglakad na ako papuntang dressing room. Nakakarinig pa rin ako ng bulungan na kesyo malandi daw ako, mang-aagaw at kung anu-ano pa pero hindi ko na sila pinansin. Mas dumoble ang sama ng pakiramdam ko.

Hinubad ko na yung gown at belo. Wala na 'tong atrasan. Si Zurk ang gagamitin kong panangga kay Lola. It better work or else mapipilitan akong gamitin ang plan B. Itinalikod ko ang isang stool at umupo doon, ipinatong ko din ang dalawa kong kamay sa sandigan tsaka ko naman ipinatong ko ang ulo ko. I feel exhausted.

Pumikit ako. Hindi ko makalimutan yung mukha ni Terrence kanina. It seem like he's ...hurting? Ayokong may nasasaktan akong tao na alam kong hindi deserving na masaktan. Lalo na yung malapit sa akin at palagi akong pinapasaya.

"Pikki..." narinig kong bulong ng isang boses sa pangalan ko.

"Hmm?" sabi ko ng hindi dinidilat ang mata. Puyat ako at pagod kaya feeling ko tutumba na ako. Ayokong mahimatay nalang kung saan. It's better to be safe.

"About kanina..."

Sinilip ko yung nagsalita gamit ang isang mata. Mukhang blooming ang Zacharias na 'to. Sabagay, naka-isa yata ka Phoebe. Hmfp!

Pumikit ulit ako. "I want you to be my boyfriend. No. I need you to be my boyfriend." sabi ko. Hindi ko na trip na magpaligoy-ligoy. Kalayaan ko ang nakasalalay dito. Though, I felt butterflies in my stomach when I said it. Hay.

Naramdaman kong nag-move siya. Moment of silence. Urgh! Hindi ba siya sasagot?

"Ano na?"bigla kong idinilat ang mata ko na agad ding nag-expand dahil nakapikit na mukha ni Zurk ang una kong nakita. Ginaya niya ang pagkaka-upo ko pero nakaharap siya sa akin. Ang lapit lapit ng mukha niya. Mga ilang centimetre nalang at magdidikit na ang tungki ng mga ilong namin. I can even feel his hot breath on my face.

Hindi ako makagalaw. Ang ganda ng mukha niya. Ngayon ko lang siya natitigan ng matagal. Parang ang sarap titigan ang mukha niya habang nakapikit.

"Bakit?"sabi niya. Hindi pa rin niya dinidilat ang mata kaya sige pa rin ako sa pagtitig sa mukha niya.

"Basta." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoong dahilan dahil baka hindi siya pumayag.

Ngumiti siya at unti-unti niyag idinilat ang mata. "So, gusto mo rin ako?" tanong niya habang nakatitig sa mata ko.

Napalunok ako. Hindi ko 'to napaghandaan. "Nope." Sabi ko. Play safe habang maaga pa.

Nanlaki ang mata niya. Almond-shape. "Huh? Bakit?"

"Anong bakit? Ikaw kaya ang nagpipilit na maging girlfriend mo ako. Not once but twice!" Lechugas na 'to! Nag-inarte pa!

Tumawa siya. "Since, girlfriend na naman kita. Pwede na kitang mayaya na mag-date?"

=___= "Yang date na naman. Hindi ka talaga matatahimik hangga't di mo ako mapapa-payag sa date na yan no?" Nakaramadam ako ng konting kilig.

"Siyempre. And as a boyfriend it is my privilege. " sabi niya sabay upo ng maayos.

Ang gagong 'to lumaki agad ang ulo. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Instant husband o instant boyfriend ? I'd choose the latter.

"Oo na po." Ang demanding! -_______-

Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go!"

Tiningala ko siya. "San tayo pupunta?"

"Aalis tayo dito kasi kanina pa sila nakatingin o." sabi niya sabay turo sa mga taong nakapaligid sa amin.

Labyrinth of LoveWhere stories live. Discover now