Nakita ko rin ang mga prutas na nakalagay sa mesa. Sino ba ang doktor niya? Napakabait naman ata. Nasobrahan. Lahat ba talaga ng mga pasyente niya, binibigyan niya ng pagkain? Try ko nga rin magpa-ospital minsan?

Ibinalik ko nalang ang cup sa kapatid ko at kinain niya na iyon. Mukhang gutom nga talaga siya. Umupo nalang ulit ako sa sofa at nanood. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Medyo antok pa ako dahil sa nangyari kagabi. Nagising nalang ako nang may marinig akong ingay. Dumating ang madaldal na yaya ni Sean.

"Good morning, Miss Senna!" bati nito sa akin. Naka-braid ang buhok niya. Naka-make up pa.

"Hi." Nag-unat ako sandali saka ako tumayo. Sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko. Tamad maglabas ng suklay. Tamad maglagay ng face powder. Tsk. Mukhang bumabalik na naman yung dating Senna. Yung Senna'ng parang pinatayong bilao, yung walang kaayos-ayos.

"Uuwi na ako. May pasok pa ako bukas."

"Kailan ka babalik?" tanong ni Sean.

"Depende sa mood ko. Nakakabagot kasi dito."

"Ate naman eh!"

"Di na ako babalik kasi lalabas ka na rin naman dito, diba?"

Ngumiti naman siya.

"Magpagaling ka agad, baby brother. I love you!" Mabilis ko siyang hinalikan sa noo.

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Ate Aubrey." sabi ko sa yaya ni Sean.

"Yes, Miss Senna."

Mabilis akong lumabas ng ospital at naglakad papunta sa parking area. Patawid na ako, pero biglang may malakas na busina akong narinig kaya naman agad akong gumilid para makadaan na ang sasakyan. Pero anak ng busina naman! Nasa gilid na ako't lahat-lahat pero hindi pa rin humihinto ang nakaka-binging busina. Maluwag naman ang daan pero halatang binabagalan ng driver para masabayan ako.

Kaya naman, kinatok ko na ang bintana nun habang naglalakad pa rin. Hindi pa man masyadong bumababa ang bintana, nagsalita na agad ako.

"Ano ho bang problema ninyo? Baka mapaos yung busina ninyo!"

"Hi! Do you need a ride?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino ang driver ng kotse na ito. Kaya naman pala pamilyar sa akin ang puting Audi R8 na ito. Eh kasi naman isang asungot ang driver nito. Sayang naman noh!

"No, thanks. I got my car."

"Oh. Akala ko kasi hahandusay ka na naman sa daan just like last night."

"Ha-ha-ha. Whatever with a capital W!"

"Lasengga."

Inirapan ko siya at nagsimulang maglakad palayo pero sumunod naman ang kotse niya sa akin. Ayoko na sanang makipag-away lalo na't hindi kami magkakilala. Pero ang kulit niya!

"Seriously, what do you need from me?! Hindi mo ko type, diba? Oh bakit sunod ka nang sunod?" I smirked. "Type mo ko, noh? Type mo ata ako eh."

Nag-iwas siya ng tingin at napahaplos siya sa batok niya. Seriously? Type ba ako ng taong ito? Ni hindi kami magkakilala.

"Again, Miss, hindi kita type. I just want to tell you that you shouldn't waste your life over that Leo, your ex-boyfriend na may fiancee sa Canada. He's getting married. You just have to accept that and move on." He smiled. What the hell? "Hindi ko kasi nasabi sa iyo yun kaninang umaga." He smiled shyly again. Okay...

"How did you know those things?"

"You we're so drunk last night, ikwinento mo na ata sa akin ang buong talambuhay mo."

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon