Chapter Twenty-Two

Start from the beginning
                                    

Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya, kung wala ba siyang pinagsisihan. Pinakawalan niya si Xancho kaya siguro sobrang bigat ng nararamdaman niya. Kailangan niyang ayusin ang buhay niya at ang pamilya niya.




"ANONG ibig niyong sabihin? Imposible iyon sigurado akong nagfile na ng counter si Mr. Sebastian." Aniya sa mga abogadong kaharap niya.

"Kung nagfile na siya Ms. Garcia nandito na dapat iyon sa record namin pero wala, after the case was closed ay wala ng nagtangkang magpasa ng counter ngayon lang."

Nakakunot lang ang noo niya, naisipan niyang alamin kung ano na ang takbo ng kaso niya para kanyang mga kapatid.

"Baka may glitch sa system niyo-."

"Kausapin niyo po muna ang taong sinasabi niyong nagfile ng counter baka po may iba siyang plano na hindi sinabi sa inyo."

Nababagabag pa rin ang utak niya sa nangyayari, Xancho wouldn't say anything kung hindi naman nito gagawin. Naguguluhan na siya at impossibleng makausap niya si Xancho ngayon dahil nagsend ito ng message sa kanya na pupunta itong headquarters sa karagatan para ibigay ang space na hinihingi niya.

"Kakausapin ko na lang po ang lawyer ko." Sagot nalang niya dito. Ang dami na niyang absences sa school kaya sa halip na mag-absent pa siya ay kumuha nalang siya ng leave, habang kausap niya ang principal niya ay parang may gusto itong sabihin sa kanya pero hindi nito sinabi.

Nagpasya siyang dumaan sa hospital, sa pagkakaalam niya ay nasa ICU pa rin si Niq at masama talaga ang lagay nito. Hindi pa rin niya ito nakikita hanggang ngayon, wala pa siyang nakakausap, she really wanted to see her and them as well.

She dialled Forrester's number and after a few ring ay sinagot na nito ang tawag niya. "Monica, is there a problem?"

"May kakilala ka bang lawyer Oz? iyong magaling at hindi natatakot na baligtarin ang batas at gagawin ang lahat para manalo?"

Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya. "You sounds like a mafia leader cousin."

"Hindi ako nagbibiro Oz, I need a great lawyer right now."

"Well, I know one pero hindi ko alam kung papayag ba siya. Masyado kasi siyang mahal maningil but he is one damn good lawyer."

"Handa akong magbayad ng kahit magkano para sa mga kapatid ko."

"Hahagilapin ko muna siya kakatapos lang kasi niya sa isang kasong ipinanalo niya, I'll give you a ring once I reach him."

"Thank so much Oz-."

"Huwag ka munang magpasalamat Monica nasa malaking problema tayo ngayon."

Na naman? May problema na naman? "About lolo?"

"About my biological father, alam nan i Hiro na buhay ka. May nakapagsabi sa kanya na buhay pa ang anak ni tita Hikaru."

"What? Sino ang nagsabi?"

"His private investigator probably, gumalaw na kasi si lolo. He opened a bank account for you under a different name dahil ayaw mong pumayag sa set-up, nalaman agad ni Hiro kaya nagkagulo na."

"Ang daming galamay ng tatay mo."

"He will do everything to get what he wanted."

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Where stories live. Discover now