Chapter 1

7.4K 206 34
                                    


Richard Faulkerson Jr.

Kasalukuyang nasa loob ng opisina niya si Richard. Maingat niyang tinitingnan ang mga reports na binigay sa kanya ng mga department heads ng RoChard Handicraft and Furnitures: ang kompanya ng pamilya nila. Siya na ngayon ang Chief Executive Officer (CEO) matapos ibigay sa kanya ng Daddy niya na si Richard Faulkerson Sr. ang naturang posisyon. Ang dati niyang trabaho bilang Chief Operating Officer (COO) ay ibinigay ng Daddy niya sa panganay niyang kapatid na si Richard Daniel. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit siya ang ginawang CEO ng kompanya. Maya maya ay tinawagan niya ang secretary na si Mae. Halata nito ang inis sa boses ng boss niya. Kaya, nagmadali na itong pumasok sa opisina ni Richard.

"Sir Richard, bakit po?", his secretary asked him in a shaky voice.

"Mae, ano 'to?! This is not the report that I've wanted!", pagalit niyang sagot.

"Eh...Sir, 'yan na po kasi 'yung report na binigay sa 'kin ng mga department heads kahapon. Kaya po pagdating ko kanina, nilagay ko na po sa table niyo."

"And you didn't checked this?!"

"Eh...Sir, akala ko po kasi okay..."

"Akala mo, okay na?! Mae, limang taon na kitang secretary. Alam mo na ang dapat mong gawin. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko ng salitang 'okay', 'di ba? I want everything to be in order and in place. I want the best. I want everything to be perfect. Alam na alam mo 'yan, 'di ba? Kasi kapag okay lang, we will not strive harder to do better. The 'good' is the enemy of the 'best'", he explains.

"Yes, Sir. Sorry po."

"Well...sorry is not enough. I want you to call all our department heads and set up a meeting with them tomorrow at 8 am in the morning. What the hell is going on with these people? Simpleng report lang, 'di pa magawa ng maayos."

"Yes, Sir. I will inform them po."

"Now...you can go back to work, Mae. Pasensiya na kung nataasan kita ng boses kanina."

"Ahhh...okay lang po Sir."

Nakaalis na ang secretary niya at siya namang pasok ng panganay na kapatid na si Richard Daniel, or mas tinatawag niyang Kuya RD. Halata nito sa mukha ng secretary na si Mae na napagalitan na naman ito ng kapatid. Saglit muna siyang sumilip sa pintuan.

"Knock knock!", he said as he pounds his knuckles on the door.

"Kuya..."

"Pwede pumasok?"

"Of course you can, Kuya."

"Anong nangyari kay Mae? Pinagalitan mo na naman noh? Ikaw talaga, lagi mong pinag didiskitahan 'yang secretary mo. May gusto ka ba 'dun, huh?!", he teases his brother while sitting on the chair infront of him.

"Oh, stop it Kuya. Wala akong gusto kay Mae. Parang kapatid na ang turing ko 'dun."

"Kapatid? Eh bakit pinapagalitan mo?"

"Kuya, hindi ko siya pinagalitan. Okay? I'm just expressing my disappointment."

"Ano ba kasing nangyari, ha? Ang aga aga eh, galit ka. Hindi maganda 'yan."

"Mali kasi ang mga reports na ginawa ng mga department heads natin, Kuya. At alam na alam mo na ayaw na ayaw ko ng may nagkakamali."

"Ayun naman pala. Look...RJ, lahat naman tayo nagkakamali eh. Ang mahalaga na pwede pa nating itama ang mga pagkakamaling 'yun. Ipagawa mo nalang ulit sa kanila. Hindi 'yung ganyan ka. Konting pagkakamali lang, ang bilis mong magalit."

My Last Night With YouWhere stories live. Discover now