Dahil iyong regalo na balak kong ibigay sa tatay ko noong Pasko. Hanggang ngayon, nakabalot parin.

"Nandito na tayo."

Ipinilig ko ang ulo at inalis ang seatbelt sa katawan ko. Nasa kotse pa lamang ako ay tanaw ko na ang mga makikiring estudyanteng nagkakainan sa gilid ng hallway. Pinasingkit ko ang mata at inaninag iyong lalaki.

Si Hallister na naman?

Pinandilatan ko ang mga pakalat-kalat sa daan at mabilis silang nagpulasan pabalik sa mga room nila. Sinalubong ako ni Keiki na siyang Vice ko at napakamot ng ulo. Wag niyang sabihing kabilang siya doon sa mga miron na nagtsicheer para sa dalawang malibog na ito?

"Nabitin ba kayo kagabi, at dito ang continuation ng kainan niyo? Di nalang kayo doon sa Canteen? Maraming mesa doon."

"Pres. Azula!?" bulalas nong babae at hinatak ang pencil skirt niyang nagmukhang micro-mini sa kakataas ni Trek.

"Hindi. Hindi ako ito." inayos ko ang eyeglasses at pinagtaas-baba ang tingin sa kanya. "Eliana? What's your surname again?"

"Pres. Please..."

"Don't Pres. Pres. me., at baka i-press kita dyan sa pader. Detention room now." Pumihit ako patalikod sa kanila ng bumangga ako sa kung anong matigas. Buisit! Bakit ba may nakahar---

"Hi! Pres.!"

Cali Hidalgo.

Hindi ko siya pinansin at nilampasan lang siya. Ayoko siyang kausap. Napaka-daldal niya. Akala mo de-susi ang panga niya at iikutin mo lang anytime na titigil siya sa pagdada. Nakakairita. Feeling close pa.

"Pres. Kape ka ba?"

"Manahimik ka, kay aga-aga." singhal ko sa kanya. Di ba siya nauubusan ng malalanding pick-up lines?

"Ano ba iyan!? You're supposed to say, Bakit! Ako na nga lang din sasagot..." Nagbago siya ng lakad at tumalikod sya sa daan, habang sa akin nakaharap. ''Pres. Kape ka ba? Bakit?"

Abnormal talaga. Tanong niya sagot niya.

"Kasi, kulang ang morning ko pag wala ka." Naghiyawan ang mga naroon, meron pang ibang pumito. Umirap ako sa hangin, at hindi padin sila pinansin. "Pres. Ngiti naman dyan! Kay aga-aga, blank face ka na naman. Hindi kaya may bulok kang ngipin kaya ayaw mo ngumiti? O baka labas ng bongga ang gums mo kapag tumawa ka?"

Tumaas ang kilay ko sa pinagsasabi niya. Napakadaldal talaga. Huminto ako sa paglalakad at hinawi ulit ang buhok ko.

"O, Pres. Bakit? Na offend ba kita? Ikaw naman kasi di ka marunong tumawa o ngumiti man lang."

"Hidalgo may duck tape ka ba?"

Ngumisi siya at pinagalaw-galaw ang kilay niya. "Uuy! Alam ko yan! May duck tape ba ako, kasi ididikit mo na ako saiyo para forever na tayong magkasama, no?"

"Hindi." inayos ko ang bag at blanko siyang tinitigan.

"Eh...Ano?Ahhh! Alam ko na! May duck tape bako kasi babalutin mo na ang puso ko, para especially lang for you? Yeee..."

"Hindi din."

"Eh ano?!"

Namulsa ako at naglakad patungo sa mismong harap niya. Matangkad siya, sobra. Kailangan ko pang tumingala sa kanya. "May duck tape ka ba? Kasi pa-plasteran ko yang bibig mo ng manahimik ka na. Aga-aga ang daldal mo."

Naghagalpakan ng tawa ang mga naroon, maging ang mga bagong dating niyang kabarkada.

"BOOOOM! BASAG!" kantyaw nung si Alcantara.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now