Sana pag nawala na ako sa mundong ito, makita ko parin yung ganyan kasayang ngiti ni Marco.
Napatingin sa akin si Marco. Ngumiti siya at Kumindat.
*DUG.DUG.DUG.*
WOAH. Marco anung ginagawa mo sa akin. Parang gusto kong gumising sa bangungot na meron akong sakit. Na meron akong Cancer. :’(
Ang dami daming gustong humadlang sa aming dalawa.
Yung mga babaeng may gusto sa kanya.
Yung sakit ko.
At yung pamilya namin. :’(
Kung iisipin niyo, andami daming barricades ang nakaharang sa pagitan namen.
“Prinsesa, resume na tayo tara,,,” Malamang kilala niyu na kung sinu yung tumawag sa akin. Haha
Nagpatuloy kame sa kanta. Hindi ko kasi memorize yung lyrics at bulol-bulol ako. Kaya sobrang tagaol lagi ng rehearsal namen.
Pero si Marco, astig. Memorize niya yung kanta at kuhang kuha niyaang tono at diction. Galing nga eh! Siya na lang kaya kumanta at ako ang gumitara? Kering keri ko naman yung plucking nyan eh! Kayang kaya kong tugtugin! Adik eh! Wahaha
----------------------------------------
Natapos na kame sa Pagppractice. Grabe kapagod. Nag-CR muna ako sa may auditorium dahil puputok na talaga yung pantog ko pero paglabas ko galing dun eh wala nang tao.
Badtrip naman! Nanliligaw nga si Marco sa akin diba? Baket nman niya ako iniwan dito mag-isa :/ at napaka ungentlemen ng CREAMS ah! Ako pa talaga ang iniwan eh ako nga itong nag iisang babae! Hmmfff Talaga!!
*Bringgggg!!!!*
Biglang namatay yung aircon sa auditorium dun pagkatapos ng tunog na yun. Sa sobrang gulat ko eh, tumakbo ako at napasabi ng...
“Nyihaaaaaaaaaaaaa!” Grabe takbo ako palabas ng Auditorium hanggang sa makaabot ako ng school grounds.
Hingal na hingal ako at napayuko ako sa sobrnag pagod.
Wala nang tao dun sa school pero mula sa school grounds ng school namin eh makikita mo yung dance studio malapit sa office ng Performing Arts namin at Masisilip mo si Ate Lienne na nagsasayaw ulit. Ang sipag niya talaga. Nakakatuwa talaga siya.
Nakita ko na tong scene na toh dati eh, Dito ako mismo sa kinatatayuan ko at nakita kong nagsasayaw si Ate Lienne. Ang kaibahan lang eh...
Wala na si Marco dun para lihim na manuod sa kanya,
Dahil na sa akin na siya!! ♥♥♥
Ayiehh!!O cge na ako na! Me already! Wahaha
Hindi ko na nilapitan si Ate Lienne at dumiretso na ako sa labas ng school. Napagod ako sa practice at this time, I feel that I should treat myself something nice...
Something favorite,,,
Something Hmmm ICE CREAM!!!! Wuhoo!\
Buti nalang may malapit na 7-11 sa school namin at dumiretso na ako dun. Ittry ko yung napanuod ko sa commercial na Cornetto Disc na ace cream cone.
Wahaha! Gullible ako pag dating sa commercial noh? Bilis maatract haha! Mukha kasing masarap at ang cute takaga ng OST nila dun. Haha
Binayaran ko yung kinuha kong Cornetto Disc na Chocolate Flavor at umupo muna sa upuan dito sa 7-11.
Binubuksan ko na yung Cornetto nang biglang may kumanta.
“You ncan jusy pretend...”
Tae nang iinis toh ah! Parang nanggagaling yata yun sa likuran ko eh. Tinuloy ko yung pagbubukas ng Ice Cream ko.
“You and Me... Sitting on the tree...”
Tae nakakahiya kasi ako lang ata ang kumakaen ng Cornetto Disc dito sa 7-11 at anlakas lakas ng boses nung kumakantang lalaki. Halatang pinagttripan talaga ako.
Tumayo ako at ingungudngod ko sana sa mukha niya yung ice cream dahil pagod ako at ayokong may umaasar sa akin ngayon ngunit...
“Loko ka ah~~~ M-marco?” nakita ko yung mukha niyang gulat na gulat.
Natawa ako sa mukha niya. Para siyang batang natakot sa nanay. Ahaha!
Pagkakita ko may hawak din siyang cornetto disc pero vanilla flavor naman.
“Anu ka ba, nanggugulat ka na naman jan eh, haha upo ka dito sa tabi ko oh..” Niyaya ko siya habang pabalik na ako sa kinauupuan ko.
Wala siyang sabi-sabi, umupo siya sa tabi ko parang windang parin ang itsura niya sa nangyari kaninang montik na mamudmud sa mukha niya yung Ice Cream. Haha nakakatawa talaga!
Sinilip ko siya at nakitang binubuksan niya yung cornetto niya kaya ginantihan ko siya,,,
“k-i-s-s-i-n-g!”
Napatingin siya sa akin. Tinitigan ko rin siya at sabay kameng nagtawanan! Hahahaha
“Ang ganda mo prinsesa...”
Pulado ang mukha ko. Bigla bigla nalang kasi siya nagsasalita ng ganun, hindi ako nakakapagready. Waaa. Pero teka hndi ko pa nakakalimutan yung ginawa nilang pag iwan sa akin kanina.
“Hindi mo ako madadala sa pambobola mo Sir Del Rio. Iniwan mo ako kanina sa auditorium. Kala mo ba! Nagtatampo ako ngayon”
Nag pout ako. Kasi naman! Hmff.
“Wag kang gaganyan sa ibang tao ah! Lalo na sa harap ng mga lalaki, sa akin lang ok?” bigla bigla siyang nagsasalita ng ganyan.
“At baket naman?”
“Kasi Everytime na gumaganyan ka, parang may kung anung pwersa ang tumutulak sa akin na halikan ka sa lips...” Uwaaaaa. Kung eto man ay panaginip wag na wag na akong gisingin ah!!!
Tapos napatitig siya sa akin. Yung parang hahalikan niya ako. Papalapit na ng papalapit yung mukha niya sa akin. Waa. As in sobrang lapit na dahil napapikit na ako!!
“k-i-s-s-i-n-g!”
Tch!! Bigla siyang kumanta! Tae naman oh! Nahulog ako dun ah! Nakakahiya! Haha
“Gusto mong mahalikan noh? Mamaya,, hihihi” binulong niya sa akin. Kapal ng mukha niya ah!! Grabe talaga lagi talaga akong napapahiya sa kanya, haha
Pero sadja talagang pag masaya ka ngayon, maya maya’y magiging malumngkot kana naman.
Proven na yan. Dahil mula sa glass ng 7-11 nakikita ko yung mommie ni Marco. Galit na galit yung mukha niya habang pumapasok siya sa 7-11.
Pagpasok niya ng 7-11...
“Marco!” tinawag siya nung mama niya,
Napatingin si Marco sa akin. Tas biglang lumungkot yung mukha niya. Tumango ako na sign of Affirmation na pede na siyang mauna.
Tapos umalis siya sa tabi ko at lumabas ng 7-11 ng nakatungo. Sumunod yung mama niya papalabas.
Ngayon, ako nalang mag isa. Mas malamig pa yung pakiramdam ko kesa sa Ice Cream na hawak ko.
Mahal ko siya.
Ngunit andaming signs na hindi pede maging kame. :'(
A/N: Part1 muna ah! Grabe sobrang busy ko ngaun eh! Hehe Sana magustuhan niyo eto. Spoiler lang ah! Yung ibang hadlang sa part 2 neto,, wahaha salamat sa lahat ng nagbabsa nito vote kayo at mag comment ah! Sa mga nagpapabasa sa akin mga stories nila, twing weekend lang ako nakakapagbasa ng bongga, kaya sorry kung matagal yung votes at comments ah! Love Love All!
أنت تقرأ
Strings Attached
عاطفيةGaano kahaba ang span ng paghihintay mo? Sa paghihintay sa pila Sa paghihintay ng masasakyan na bus Sa paghihintay sa kaibigang may naiwan kaya kailangang bumalik sa school Sa paghihintay ng pinaka espesyal na araw mo sa buhay mo o miski paghihintay...
Chapter 22.1: Mga hadlang
ابدأ من البداية
