Chapter 11 - Wizard Diaries

7.2K 329 235
                                    

Piece of advice: Don't read this chapter if you haven't read Magique Fortress yet. Haha super spoiler e. Mas advisable talagang basahin muna 'yon bago ito.
==========

~• Eleven •~
Wizard Diaries

Pagkaraan lang ng ilang minuto ay talagang naghilom ang paso ng aking kamay. Pagkababad ko nito sa isang basin ng tatlong boteng elixir, parang walang nangyari sa kamay ko. The purple liquid heals all the pain I feel. Walang anumang kirot na ang aking maramdaman.

"Ayan, magaling na. Pahawak nga ng kamay mo, Lupe." Akmang kukunin ni Cloud ang kamay ko nang tinabig iyon ni Jack.

"Off limits siya, Clouden." Humalakhak sila sa banta ni Jack.

"Cloud's a fuckboy, Lupe. Just a reminder." Namilog ang mata ko sa sinabi ni Koraline. "Yup, looks can be deceiving. He looks like a nice puppy when the truth is, he's an asong ulol."

Nagtawanan sila kasabay ng pagnguso ni Cloud na nangingiti rin. Kumindat pa ulit siya sa'kin.

Akala ko pa naman matino si Cloud. Wala na ba talagang matinong lalaki sa mundo? 'Yung maginoo pero bastos, mabait, sweet, at yummy pero exclusively for you lang? Wala na bang ganon?

Napatingin tuloy ako kay Jack na seryoso pa ring binabalutan ng gauge ang aking kamay kahit wala naman na akong galos. Ito kayang si Jack, matino kaya siya?

"Uh-oh, huwag rin si Jack. Kung si Cloud hilig magpaligaya ng babae, si Jack naman hilig yatang magpaiyak." Nagbiruan ulit sila kaya napangiti ako. He sure looks like a heartbreaker. Paano ba naman? Ang gwapo e.

"Papaiyakin mo rin ba ako, Jack?" Napatigil siya sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa akin. Duma-damoves na naman ako.

Mainam na rin itong pantanggal stress. I need to go back to my usual self before I explode in mixed emotions. The shift of my emotions in this town is driving me insane. Takot, galit, inis, lungkot, pagtataka, tapos ngayon babalik sa kaunting sigla.

Gusto kong makalimutan kahit pansamantala lang ang ginawa sa'kin ni Drey-Drey. Mangangaliwa muna ako dahil galit ako sa kanya.

Sumipol sila at nag-cheer. Pumunta pa sa likod ko si Cloud at minasahe ang balikat ko. "Suportado kita. Manok ko 'to! Go Lulu Babes!"

"Nako! Pa-fall mga lalaki dito, Lupe. Warning lang. Si Odette nga na-basted na niyang si Jack, e." Dagdag pa ni Harper.

"Past is past." Sagot niya.

"May nakaraan nga ba? Basted ka nga 'di ba? Sawi? Luhaan? Saksak puso, agos ang dugo?" Tumawa pa ulit sina Harper at Koraline. Odette only rolled her eyes like it's nothing so serious.

So may ganoong ganap pala.

Bumaling muli ako kay Jack na nakatingin pa rin pala sa'kin. His mystic eyes are like a comfort zone to me, unlike Dreyxin's eyes that always scream danger. Hindi nagsalita si Jack, bagkus ay tinapos na ang benda sa kamay ko. Tumayo na rin siya at kinuha ang basin at first aid kit.

"Cloud, maghain ka na. After dinner, let Lupe rest for tonight. She's had enough." Aniya at sabay sila ni Cloud na umalis sa sala.

Sumiksik sa gilid ko sina Harper. "Lupe, ano ba talagang nangyari? Can you tell us?"

"May ginawa ka bang kasalanan? To think na si Supremo pa ang nagparusa sa'yo, that must've been pretty serious." Kyuryosong pagtatanong na nila.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now